Episode 2

1014 Words
"Saan ang punta mo, anak?" tanong ko at nagmamadali pa na bumaba ng hagdan upang maabutan lamang ang aking anak na bihis na bihis at mukhang may lakad na naman. Tila wala naman siyang narinig at patuloy lang na lumakad patungo sa front door. "Erin! Sandali lang, anak at tinatanong pa kita!" sigaw ko na sa kanya. Huminto naman ang anak ko sa paglakad at saka ibinagsak ang shoulder bag na nakasabit sa kanyang kanang balikat. Agad akong lumapit at umikot sa harap niya upang magtagpo ang aming mga mata. "Erin, hindi mo ba ako narinig? Anak, tinatanong kita kung saan ka pupunta?" tanong ko ulit. Inikot niya ang kanyang mga mata at saka nag buntong-hininga at tamad na sumagot. "May pupuntahan lang po ako, Mommy. Malapit lang naman po iyon at hindi naman ako lalabas ng bansa." Sagot niya at saka akma na akong lalampasan mulim "Erin, hindi maganda sa babaeng tulad mo ang alis ng alis sa bahay. Delikado na masyado dahil kung anu-anong krimen na ang nagaganap labas." Lahad ko sa kanya at hinawakan ko pa siya sa kanyang braso bilang pagpigil sa pag-alis niyam "At isa pa nga pala, anak? Nag-paalam ka na ba sa akin na aalis ka ngayon? Wala kasi akong maalala na nagpaalam ka sa akin?" tanong ko dahil wala naman siyang sinasabi na aalis siya ngayong araw at sa ganitong orasm "Mom, nag-paalam na po ako kay Daddy kahapon at pinayagan niya na po ako." Walang buhay na sagot ng aking nag-iisang anak. "At sa akin hindi ka naman nagpaalam? Magulang mo rin naman ako." May halong tampo sa aking tinig. Para bang wala akong karapatan na malaman kung saan siya pupunta o kung ano ang kanyang gagawin. Tumingin ang anak ko sa akin na wari bang inuusig ako. "Bakit pa po, Mom? Bakit pa ako magpapaalam sa inyo gayong mas nasusunod naman sayo si Daddy hindi po ba? Kaya bakit pa ako magpa-paalam sayo kung pinayagan niya na naman ako? Lahat naman ng desisyon sa bahay na ito, si Dad lang ang nasusunod and you Mommy? Hindi ba at sunod-sunuran ka lang naman kay Dad sa lahat ng mga sabihin at ipagawa niya ay wala kang sinasabi na kahit ano. Sumusunod ka lang sa lahat kahit labag sa loob niyo. Kaya naman bakit pa po ako magpapaalam sayo?" tanong ng anak ako. Nasaktan ako sa sinabi niya ngunit alam ko naman sa sarili kong totoo ang lahat ng kanyang mga sinabi. "Kahit pa anak. Mommy mo ako kaya dapat alam ko kung saan ka pupunta at sino ang mga kasama mo. Kapag wala ka dito sa bahay at hindi pa umuuwi ay talagang labis akong nag-aalala sayo," sambit ko. "Mom, huwag po kayong masyadong nag-aalala for me. Alam niyo pong kaya kong ipagtanggol ang sarili ko and besides, siguradong may bantay ako sa paligid kung saan man ako pupunta. You know Daddy? Hindi niya ako papayagan ng ganun na lang." Katwiran pa ng anak ko. Marahil nga ay may inutusan ng magbantay sa kanya ama. Maraming body guards ang asawa ko at malamang na nakabantay ang iba sa mga tauhan niya sa anak namin. Alam ko naman kung gaano kamahal ng aking asawa ang aming nag-iisang anak. Hindi iyon basta papayag na umaalis ang anak namin. Hindi niya pababayaan ang anak namin kahit gaano pa siya kaabala sa kanyang responsibilidad sa kumpanyang kanyang pinatatakbo. "Lagi kang mag-ingat, Erin. Alam ko naman ang lahat ng mga sinabi mo pero mas panatag ako anak kapag narito ka lang sa loob ng bahay at kasama ko. Sana sa susunod ay magpaalam ka na sa akin. Kinakabahan ako kapag bigla ka na lang aalis ng hindi ko alam, anak. Sagot ko kay Erin na ganun pa rin ang reaksiyon ng mukha. Walang reaksyon. Wala kang mababasa na kung anuman na reaksyon. Kahit ang ganitong gesture niya ay namana niya sa kanyang ama. "Next time, Mommy. Sorry kung hindi ako nagpaalam kasi akala ko okay na dahil pinayagan na ako ni Dad. And don't worry, Mommy, related sa pag-aaral ko anuman ang pupuntahan ko. Mga classmates ko po ang aking mga kasama sa isang group activities na need na namin tapusin. Uuwi po agad pagkatapos namin." Sabay yakap at halik ng anak ko sa akin pisngi at saka na tumalikod sa akin at tuloy-tuloy ng lumabas ng bahay. Hindi ko tuloy maiwasan na maiyak at maalala ang mga nakaraan. Mga nakaraan na ako lamang ang unang hinanap ng anak kong si Erin sa pag gising niya sa umaga. Iyong mga panahon na tanging ang mga luto kong pagkain ang kanyang mga paborito. Mga oras na ako lang ang gusto niyang yakagin kapag may mga gusto siyang puntahan na lugar. Sobrang nakaka miss na talaga si Erin. Dahil malaki na ang anak ko ay para bang hindi niya na ako kailangan pa sa buhay niya. Samantalang noon na maliit pa lamang siya ay halos hindi siya umaalis sa tabi ko. Bawat pangyayari sa buhay niya noon ay ako ang unang nakakasaksi. Ako lahat. Unang pag-ngiti. Pag-gapang niya. Unang salitang namutawi sa kanyang maliit na labi na minana niya sa akin. Pagtayo at sa bawat paghakbang niya hanggang sa matutonna siyang maglakad at tumakbom Kasama niya ako sa lahat ng aktibidad sa school noong na sa Elemantary pa lamang siya. Ako ang unang pumapalakpak sa bawat tagumpay na nakamit niya. Masaya ako dahil sa bawat pagkakamali niya ay natututo siya. Ngunit napansin ko na unti-unting nagbago ang ugali lalo na ang pagtungo sa akin ni Erin ng tumuntong na siya sa high school. Napansin ko na hindi na siya malambing sa akin. Hindi gaya dati na pupugpugin niya pa ako ng yakap at halik lalo kapag galing siya sa school at sobrang na miss ako. Kapag kinakausap ko naman siya tungkol sa mga bagay na interesado siya ay kibuin-dili ako. Noong una, akala ko nga sa akin lang siya nagbago ng pakitungo. Ngunit nagbago rin siya sa kanyang Daddy. Pakiramdam ko ay hindi ko na kakilala ang anak kong si Erin. Naging isang estranghero ang sarili kong anak sa sarili naming pamamahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD