Episode 1

1074 Words
"Saan ka pupunta?" Halos tumalon ang puso ko nang marinig ang isang baritono na boses. Halos ayokong lingunin ang pinanggalingan nito. Pinuno ko ng hangin ang aking baga at madiin na pinikit ang aking mga mata. Dahan-dahan akong umikot, paharap sa direksyon niy. Naroon siya at nakatalikod sa akin. Nakatayo at tagusan ang tingin mula sa pinto na gawa sa salamin papunta sa halamanan ng hardin. May hawak na kopita na naglalaman ng mamahaling alak. Hindi ko napansin na dumating na pala siya dahil sanay akong matulog sa gabi na wala siya at magising kinabukasan na wala pa rin siya. Bantulot akong sumagot sapagkat alam kong magagalit siya sa aking isasagot sa kanyang katanungan. Mula sa pagtalikod ay umikot din siya at humarap sa aking direksyon. Lumagok ng alak na inumin ng hindi inaalis ang mapanuring tingin sa aking kabuuan Nakahalukipkip ako at hindi malaman kung ano ang gagawin. Sa uri ng tingin niya, malamang na galit na naman siya. Tila ako isang hayop na naaktuhan na magnanakaw ng ulam ng kanyang malupit na amo. At tila naghihintay ng kaparusahan na kanyang igagawad. "Pupuntahan mo ang lalaki mo?" matigas niyang paratang sa akin habang sumisimsim ng matapang at nakakalasing na likido sa kanyang hawak na baso. Sa ilang taon naming pagsasama ay bakit ba hindi pa ako sanay sa mga paratang niya? Bakit ba nasasaktan pa ang damdamin ko, gayong wala namang araw na hindi niya ipinaramdam sa akin na isa akong masamang babae at may tinatagong karelasyon na ibang lalaki maliban sa kanya. Labing walong taon pa lamang ako ng mabuntis at manganak sa nag-iisang anak namin na babae. Hindi ako tumutol. Hindi ako tumanggi. Wala silang narinig mula sa akin na anumang hindi pagsang-ayon sa desisyon ng aming kanya-kanyang mga magulang. Tahimik lamang ako at sunod-sunuran sa kung anumang iutos at sabihin nila. Kahit natigil ako sa pag-aaral. Kahit gustong-gusto kong makatapos ng kolehiyo. Makahanap ng disenteng trabaho gaya ni Mama at Papa. Ngunit hindi na ako nakatungtong man lang ng college sapagkat ang pokus ko ay sa pag-aalaga ng aming anak at maging sa pag-aasikaso sa kanya bilang asawa gayundin din dito loob ng bahay. Lahat trabaho ko, linis ng bahay, luto ng pagkain, laba at plantsa ng mga uniform nilang dalawa ng anak namin. Kaya matay ko man isipin ay hindi ko mapiga sa utak ko kung saan niya nakuha ang ideya para paratangan ako ng isang mabigat na bintang, gayong kulang ang bente-kwatro oras ko sa pag-aasikaso sa buong bahay at sa kanilang dalawa ng nag-iisa naming anak. Wala nga akong matatawag na kaibigan man lang dahil wala akong oras makipag kwentuhan man lamang sa kahit na sino. Sa maraming taon na 'yon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinagbibintangan niya ako gayong kahit kailan ay wala akong nilabag sa kanyang kagustuhan kahit pa ang totoo ay nais kong tumutol sapagkat sobra na. Tulad ng sitwasyon ngayon. "Eduard, ano bang sinasabi mo? Dadalawin ko lang si Darwin kasi nalaman ko-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng magkalat sa sahig ang pira-pirasong bubog mula sa babasaging kopita ng alak na kanyang malakas na ibinato sa pader. Nagtalsikan pa sa iba't-ibang parte ng kabahayan ang nakakasugat nitong matutulis na piraso. "Hindi ka aalis! Naintindihan mo! Dito ka lang sa bahay at hinding-hindi ka pupunta sa lalaki mo!" asik ng aking asawa. Inilang hakbang niya lamang ang pagitan namin at mabilis na hinablot ang aking kanang braso at saka ako marahas na kinaladkad patungo sa hagdan papunta sa pangalawang palapag ng aming bahay. "Dadalawin ko lang si Darwin, naaksidente siya. Kamustahin ko lang ang lagay niya." Dahilan ko habang kaladkad niya pa rin ako at tila hindi naririnig ang anumang sinasabi ko. Binuksan niya ang aming silid at inihagis ako ng walang pakundangan sa malapad naming kama. "Dadalawin? Pinagloloko mo ba akong babae ka? Dadalawin pagkatapos ano? Pagtataksilan niyo kami? Mahiya ka nga April! Pareho na kayong may mga asawa!" Namumula pa sa galit ang kanyang mukha at umigting ang panga habang pinaparatangan ako ng mga nakakainsultong mga salita. Ako? Manloloko? Taksil? Hindi ko kailanman ginawa ang bagay na binibintang niya sa akin. Batid ng nasa Itaas na wala akong anumang ginagawang masama gaya ng paratang sa akin ng sarili kong asawa. "Alam mong kahit kailan, hindi ko ginawa ang mga paratang mo sa akin!" asik ko sa kanya kahit ang pakiwari ko ay nabali ang aking braso sa ginawa niyang marahas na pagkaladkad sa akin mula sa unang palapag ng aming bahay hanggang dito sa aming kwarto sa itaas. Lalong bumalasik ang kanyang mukha sa mga sinabi ko. Inipit niya ang panga ko sa kanyang malaking kamay na kayang-kaya akong durugin ng walang kahirap-hirap. "At natututo ka nang sumagot sa akin ngayon!" at isang malakas na sampal sa kaliwa kong pisngi ang dumapo. Halos mabingi ako sa lakas. Pakiramdam ko nga ay naghiwalay ang ulo ko sa katawan. Ngunit sanay na ako. Nasanay na rin ako sa maraming taon na naming pagsasama bilang mag-asawa. Manhid na ako Manhid na ang buong katawan ko maging ang pakiramdam ko. Hindi man maka-tao kung paano niya ko tratuhin ay wala naman akong magawa. Asawa ko siya at responsibilidad kong magpasakop sa kanya. At isa pa, narito ang anak ko. Ang mahal na mahal kong anak. Umaagos na lamang ang aking luha habang pwersahan niyang pinunit ang suot kong damit at marahas akong halikan at walang pag-iingat na angkinin ang aking manhid na katawan. "Subukan mong magpunta sa lalaki mo ng lalong mapadali ang buhay niya." Umalis na siya mula sa pagkapatong sa katawan ko matapos niya akong gamitin. "A-anong ibig mong sabihin?" nauutal ko pang tanong sa kanya. Hubad-baro siyang nagpunta sa banyo at binalewala lamang ang aking katanungan. Napadako ang aking paningin sa isang sulok ng aming silid. Nakita ko ang aking sarili sa vanity mirror sa isang sulok. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Hubad. May namuong dugo sa gilid ng labi. Namamaga ang kaliwang pisngi. Luhaan. Larawan ng isang babaeng mahina. Isang babaeng sunod-sunuran lamang sa mga sinasabi ng kanyang mga magulang. Sunod-sunuran sa asawa. Sa asawang walang ginawa kung hindi ang manakit ng pisikal at emosyonal. Walang kakayahang umunlad dahil walang pinag-aralan. Isang babaeng kuntento lamang kung anong meron siya. Isang babaeng hindi na mahalaga kung anong pangarap ang mayroon siya. Sapagkat makasama lamang ang kanyang anak ay sapat na. Isang babaeng martir. Harap-harapan man na pinagtaksilan ng sariling asawa ay lihim na lamang lumuluha sa tuwing nag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD