14 years ago...
“Dawn, come here! Bilis!”
Mula sa kanyang dino-drawing na periodic table of elements na kanyang isusubmit kinabukasan ay narinig nya ang tawag ng kanyang Ate. They're not blood-related, tho coz she's a daughter of her stepmom to her late husband.
According to her Dad, her real Mom left them right after she gave birth to her coz according to him, her Mom never wanted to have a child that is why she hated her Dad when they have her.
Her Dad remarried when she turned seven.
Bumuntong hininga sya sa pagka-istorbo sa ginagawa.
“Hedone, ano ba?!” halata ang iritasyon nang muling tawagin sya nito.
They were not in good terms simula palang kahit na pinipilit naman ni Hedone na makisama ng maayos dito ay parati na lamang sya nitong pinag-iinitan. Probably because her stepmom likes her and she's treating her like her own daughter. Gandang ganda ito sa'kanya na marahil ay dahilan kung bakit sya kinaiinggitan ng totoong anak nito.
“Pababa na po, saglit lang!” sagot nya habang nililigpit ang mga gamit sa mesa.
Pagbaba nya mula sa kanilang engrandeng hagdanan ay nakita nya agad ang isang medyo may edad ng babae kasama ang ate nya. She looked so formal and sophisticated. Nang makita sya ng kanyang Ate ay tinarayan agad sya nito.
“Ano pang ginagawa mo dyan?! Sinabi kong bilisan mo na 'di ba? Paimportante ka talaga kahit kailan!” gigil na sabi ito at padabog na kinuha ang isang magazine.
Paunti-unting lumapit sya sa mga ito.
“S-sorry, ate. Gumagawa kasi ako ng projects—”
“You really think I care?!” pabalang na sagot nito. “Pumwesto ka na dyan para masukatan ka na ng gown! Napaka bagal kahit kailan!”
Pilit na ngumiti sa kanya ang babae at sinimulan ng kuhanin ang size nya.
Bigla syang nanghinayang sa oras na dapat ay tinatapos na nya ang kanyang projects. Dalawa pa lamang ang nasisimulan nyang assignments at mayroon pa syang ilang subjects na kailangang gawan ng research. Pero eto sya at nagsasayang ng oras sa gown na alam nyang hindi naman nya maisusuot.
She knew what's bound to happen. She have predicted it coz the guy her sister is about to marry isn't the guy that is meant for her.
Nang aksidenteng mahawakan nya ang dibdib ng kanyang ate ay nakita nyang iba ang lalaking nakatadhana para dito. Kaya nang minsang ipakilala nito ang boyfriend sa kanila ay alam na kaagad ni Hedone na maghihiwalay din ang mga ito. Ganun na lamang ang gulat nya nang sabihin ng ate nya na ikakasal na ito sa boyfriend nitong si Adonis.
Bumuntong hininga si Hedone at wala sa sariling naibulong nya ang nasa isip.
“Sinabi na ngang hindi matutuloy yung kasal dahil hindi si Kuya Adonis ang para sa'yo...”
“Ha? What do you mean, Hija? Kaninong kasal ang hindi matutuloy?” nagulat sya nang magtanong ang designer sa'kanya.
“P-po?”
“Ano?! Anong sinabi mo, Hedone?!” galit na sigaw ng ate nya.
Halos mapasinghap sya sa nakikitang galit sa mukha nito. Humakbang ito palapit sakanya at hinablot agad ang braso nya. Napadaing sya sa sakit nang naramdaman nyang bumaon ang mga kuko nito sa balat nya.
“Aray, A-ate. Nasasaktan po ako—”
“Talagang masasaktan ka sa akin kapag hindi mo inulit ang sinabi mo!” banta nito
“Helena!”
Napaangat sila pareho ng tingin. Nakadungaw sa itaas ang Mommy Celine nya
Dali daling bumaba ito at agad na lumapit sa gawi nila.
Kinuha agad ni Celine ang braso nya at inilayo ng bahagya sa anak nito. Frustrated na hinawi ni Helena ang hanggang balikat na buhok.
“Ayan, Mommy! Sa kakatanggol mo sa batang yan ay lumalaking walang modo!” iritadong sumbong nito.
“Siguro ay gabi gabi mong ipinapanalangin na sana ay hindi matuloy ang kasal ko, ano?! Bwisit ka talaga kahit kailan!” gigil na gigil na lumapit ito sa kanya at nagawang hilahin ang buhok nya. Napaiyak na sya sa sakit.
“May pagka-engkanto ka pa naman kung magsalita!” dagdag pa nito.
“Tama na, Helena! How could you hurt your sister?!” pilit na inilayo sya ng kanyang Mommy Celine at itinago sa likuran nito.
“Sister?! Mom, you know that we're not sisters! Wala akong kapatid na engkanto at lalong wala akong kapatid na inggitera!” sigaw nito at sinubukang abutin ulit siya.
“Tone down your voice, Helena. We're not the only one here.” sita ni Celine at tinignan ang gawi ng designer. Nakaupo lang ito sa gilid habang nililigpit ang mga gamit.
“I'm sorry. I think we can set up another appointment and settle this?” malumanay na sabi nito.
“It's okay, Madame. Just give me a call.” sabi nito at nagpaalam na.
Nang makaalis ang designer ay lalong nagwala si Helena.
“Ano? Masaya ka na?! You just ruined one of my important days!” inis na sigaw nito at dinuro pa ang noo nya.
“Helena, you are overreacting! Tumigil ka nga!” tuluyang nawalan ng pasensya na sigaw ni Celine.
“No, Mom! I am not overreacting!” sigaw nito pabalik at tinignan sya ng masama.
“Did you forget how her words turned into reality? Hindi ba't sinabi nya ring hindi matutuloy ang kasal ni Tita Cristine? Nagkatotoo yun at minalas pa sya sa lalake! She ended up marrying an ex-convict! Disgusting!” halata sa mukha nito ang disgusto sa napangasawa ng tyahin.
“He was your Tita Cristine's first love at kaya hindi nya itinuloy ang kasal dahil alam nyang may iba syang mahal. Stop blaming Hedone—”
“How about those people na nagsasabing nagkakatotoo ang mga hula ng batang yan?! How about them, Mom?!” tila nababalisang sabi nito.
“Helena, will you please calm down?!”
“Paano kung iwanan nga ako ni Adonis at hindi matuloy ang kasal namin katulad ng sinabi ng batang yan, Mom? How can I continue living—”
“I said, calm down!” pagalit na pigil ni Celine sa anak.
“She even said na hindi ikaw ang para sa Daddy nya coz your heart belongs to someone! How could she accused you having an affair, right?! Mom, don't tell me totoo yon kaya pinagtatanggol mo yan—”
Hindi na natapos ni Helena ang sinasabi dahil dumapo na sa pisngi nito ang palad ni Celine. Napatutop si Hedone sa kanyang bibig dahil sa pagkagulat.
“I warned you, Helena.” nanginginig ang boses na sabi ni Celine.
Napapikit si Hedone ng mariin. Hanggang ngayon ay hindi parin nya sinasabi sa Mommy Celine nya kung sino ang lalaking nakita nyang nakatadhana para rito.
She doesn't have any guts to tell her or maybe because she just wanted to delay it for her Dad?
Ayaw nyang masaktan ang Daddy nya kaya una palang ay sinabi na nya kay Celine na hwag na nitong pakasalan ang Daddy nya dahil eventually ay maghihiwalay din ang mga ito.
Coz the guy she's meant to be together with is not really a stranger to her.
It's her Ninong Eros; her Dad's best friend.
“Y-you're gonna regret it, Mom! I promised you're gonna regret taking that girl's side!” umiiyak na sabi nito habang sapo sapo ang palad na tumakbo palabas.