Hindi matukoy ni Hedone kung panaginip ba ang nangyayari sa paligid nya.
She's just aware of the fact that she collapsed after Helena broke into her room and blame her for ruining her supposed wedding.
A day before her wedding, Adonis left with only a piece of note. According to her mommy Celine, nakasulat doon na hindi daw nito totoong mahal si Helena at alam daw ng ate nya kung sino ang totoong mahal nito.
But Helena was too furious to even digest Adonis words and blamed it all to her. Her painfull accusations echoed to her ears.
“Kasalanan mo itong lahat! It all happened because of you! Kung hindi ka nagsalita, natuloy sana ang kasal ko! Engkanto ka! Malas!”
Right after that, she collapsed.
***
Nagising si Hedone na sobrang bigat ng ulo nya. Pakiramdam nya ay nanood sya ng sobrang habang movie dahil nag-flashback ang lahat ng nangyari sa kanya noong bata sya.
Pamilyar ang nangyari sa kanya dahil ganitong ganito ang nangyari noong sinugod sya ng ate Helena nya nang hindi natuloy ang kasal nito. She almost forgot about it kung hindi lang sya hinimatay ulit.
Pilit nyang inalala ang mga huling nangyari bago sya himatayin.
Zeus.
Nag-echoe sa utak nya ang pangalang iyon pagkatapos ay napapikit sya ng mariin nang maalala ang huling nangyari sa pagitan nila ng lalake.
Kinapa nya ang ibabang labi at agad naramdaman ang pag-akyat ng dugo papunta sa kanyang mukha.
Parang gusto nyang dukutin ang kanyang mata nang maalala ang ginawa nya. “Pumikit ka eh, pumikit ka kasi!”
Para syang timang na kinukusot ang mga mata na tila kaya nya iyong dukutin sa pamamagitan ng kamay.
“Are you okay?”
Di nya napigilan ang mapatili nang bigla ay may magsalita.
“Is there somethin’ wrong with your eyes?”
Nanlalaki ang mga mata nya nang pagdilat nya ay mukha ng lalaking nasa isip nya ang bumungas sa'kanya. At hindi lang iyon. Sobrang lapit ng mukha nito! Kinusot kusot nya muli ang mga mata.
Akala ko ba gising na ako? So, hindi pa pala?!
Ngunit nakailang kusot na sya ay hindi parin nawawala ang lalaki sa harap nya. Napasinghap sya.
Unti unti syang napaatras ng upo palayo dito at pabagsak na humiga.
“Ouch!”
Napahawak sya sa ulo nang tumama ito sa matigas na bagay. Narinig nya ang mura ng lalake bago sinalo nito ang ulo nya at iniayos ng higa sa unan.
Masakit! Hindi ito panaginip! Gising ako!
At pati sa nakakahiyang sitwasyon na iyon ay nagawa nya pang langhapin ang bango nito dahil sa biglaang pagkakadikit nito sa’kanya. Parang gusto tuloy nyang batukan ang sarili.
“Are you okay? I'm sorry kung nagulat kita,” bakas ang pagsisisi sa boses nito nang muling magsalita. Unti-unting nagmulat sya ng mga mata. Iginala nya ang tingin sa paligid at sila lamang dalawa doon.
“B-bakit ka nandito?” tanong nya imbes na pansinin ang sinabi nito. “D-don't tell me... sinundan mo pa ako hanggang dito?” halos ibulong nya nalang ang huling mga salita.
Hindi ito nagsalita at nanatili lang ang mga mata sa kanya. Ikinumpas kumpas nya ang kamay nang may maalala.
“Ahh!” sabi nya at pilit na tumawa. “Nandito ka ba para magsorry dun sa... ano—” tumawa ulit sya. “Wala yun! Pinapatawad na kita! Sige na umuwi ka na. Hindi ako galit,” pagtataboy nya dito nang hindi ito tinitignan.
Maya maya ay narinig nya ang mahinang tawa nito. Kunot noo syang napatingin dito.
“But it is still too early to go home,” sabi nito at tinignan pa ang relo. Napabangon si Hedone at napakamot sa ulo.
Kailangan na nyang itaboy ang lalaki bago pa ito abutan ng Daddy nya o ng kahit sinong kakilala nya doon. Mahirap pa naman ipaliwanag ang sitwasyon kung bakit ito nandoon ngayon.
Alangan namang sabihin kong nandito sya dahil sinubukan kong baguhin ang kapalaran nya?
Baka itakwil lang sya ng daddy nya at batukan ng mommy Celine nya!
Umiling iling si Hedone. “I mean, okay na ako. Nakita mo ng okay na ako kaya pwede ka ng umuwi.”
Nagkibit balikat lang ito at lumapit ulit sa'kanya. Napakislot tuloy sya.
“I will but lemme just check your—”
Umambang hahawakan nito ang noo nya pero hinarang nya ang kamay nya doon.
Nagsisimula na namang sakupin ng bango nito ang buong ilong nya.
“Okay lang talaga ako! Umuwi ka na. Wala ka bang trabaho?” nagawa nya pang magtanong. Huminga ito ng malalim at nangingiting tinitigan sya.
“Meron naman,” sabi nito. Tumaas ang kilay nya.
“Yun naman pala, e. Ano pang ginagawa mo dito?” pagtataray nya.
“Working.” tipid na sagot nito at ngumisi sa kanya.
Umikot ang mga mata nya at humalukipkip. “Working my ass,” tatawa tawang bulong nya. Sa paraan ng pagkakangiti nito ay nahuhulaan na nya ang ginagawa nito.
Una ay tinangka sya nitong halikan. Pangalawa ay hinintay sya nitong magising. At ngayong gising na sya ay ayaw naman sya nitong iwan.
Hmmm. Para-paraan!
Anong akala nito sa’kanya? Manhid?
Hindi ako pinanganak kahapon, ano!
Kitang kita nya ang pagngiti-ngiti na naman nito nang magtama ang mga mata nila.
Nagta-trabaho pala, huh?
“Anong tinatrabaho mo dito? Ako?” hindi nya na napigilan. Ngumisi sya nang umawang ang mga labi nito.
“Pinapalampas ko yung ginawa mo sa akin sa café pero hindi ibig sabihin nun ay gusto ko ring magpahalik sa’yo,” prangkang litanya nya.
“Wala lang iyon, okay?” dagdag nya pa.
“It wasn't even my... f-first kiss!”
Kinagat nya ang dila nya. Halatang halata talaga kapag nagsisinungaling sya dahil hindi nya maiwasang hindi mautal.
Ni hindi sya makatingin habang sinasabi iyon!
“Totoo nga!” sabi nya nang hindi parin ito umimik. “Kaya umuwi ka na—”
Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa paglilitanya nya. Bumukas iyon at iniluwa ang isang nurse. Napangiti agad sya.
Saved by the nurse!
“Oh ayan na pala ang nurse, pwede ka ng umuwi—”
“Doc, ito na po yung pinapakuha nyo,”
Nalaglag ang panga ni Hedone.
Doc?
Sinuyod nya ito ng tingin. Doon nya lang napansin ng suot nitong white coat.
“D-doc?” hindi makapaniwalang bulalas nya.
“Yes?” nakangiting sagot nito at iniabot ang dala dala ng nurse.
He checked her temperature at pagkatapos ay muling tumitig sa kanya.
“Anong tinatrabaho mo dito? Ako?”
Parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa isip nya ang mga paratang nya dito kani-kanina lang!
“I guess, I'm done with my work here...” sabi nito na pinagdiinan ang salitang ‘work’!
Hindi sigurado si Hedone kung gaano kapula ang mukha nya ng mga oras na iyon pero ramdam na ramdam nya ang pag-iinit ng kanyang pisngi.
The nurse left the room. Hindi sya halos humihinga nang mapagsolo na naman sila. Binabalik nito ang mga gamit sa lalagyan at nakangiti na naman nang muling tumingin sa kanya.
It was so obvious that he's teasing her kahit hindi naman ito nagsasalita.
“I gotta finish my rounds,” sabi nito bago tinalikuran sya. Akala ni Hedone ay makakahinga na sya ng maluwag pero nagsalita ulit ito.
“By the way...” he paused as he turned around to meet her eyes.
“O-oh?”
“I'm glad it wasn't your first kiss,”
Napanganga sya.
“I'm afraid that the thought of it would not let me sleep at night.” nakatawang sabi nito at napahimas sa batok.