Hedone's
“Sigurado ka bang ito yung café kung saan sila magkikita?” nagdududang tanong ko kay Fham. Halos kalahating oras na kaming nakaabang at naghihintay sa gilid nitong café kung saan daw magkikita sina Ryan at yung babaeng haliparot na lumandi rin kay Kiko.
Huh! Kukuha ako ng maraming pictures at i-sesend ko sa damuhong Kiko na yon para malaman naman nya yung kalandian ng ipinalit nya sa'kin! Sisiguraduhin kong pagsisisihan nya at kapag bumalik sya sa akin ay irereject ko sya ng walang pag-aalinlangan!
“Oo, 'no! In-open ko yung messenger ni Ryan at nabasa ko yung conversation nila.” nakatingin parin sa labas na sagot nito. “Buti nalang at hindi pa nagpapalit ng password ang luko-lukong yon!” nakangisi pang dagdag niya. I rolled my eyes.
“Proud stalker, huh?!” pang-aasar ko. Sinamaan nya ako ng tingin.
“I can't wait to see you falling for someone this hard, Hedone!” seryosong sambit nya. I laughed hard! Napatingin tuloy sa akin ang driver nila.
“Did you just curse your bestfriend?” tumatawa pa rin ako.
Kapag ganoong tinatawag ako ni Fham sa buong pangalan ay pakiramdam ko, lahat ng kamalasan ko sa pag-ibig ay dahil sa mga panunumpa nya.
At bukod pa doon, I really hate my name! Pakiramdam ko ay totoong anak nga ako ni kupido dahil kapangalan ko ang anak nya. Idagdag pa na nakakakita ako ng kapalaran ng mga tao sa pag-ibig.
Pero anong kwenta ng nakikita ko ang kapalaran ng ibang tao kung sarili kong kapalaran sa pag-ibig ay hindi ko manlang makita?
Parusa ba ito ng langit para inggitin ako sa mga taong napupunta sa mabubuting tao?
On the other hand, kung sakali bang malalaman ko ng maaga kung sino ang taong inilaan sa akin ng langit, matatanggap ko ba?
That's probably one of the reasons why heavens don't allow me to meet him this early.
Baka hindi katanggap tanggap ang lalakeng nakalaan para sa akin. Hmp!
Joke lang, Lord. Baka seryosohin mo! Hehe!
“Dawn! Look!”
Nagulat ako nang hatakin ni Fham ang braso ko. Yumuyuko pa sya sa takot na makita kami ng kung sinong tinitignan nya.
“Pagkakaalam ko, tinted tong kotse mo.” parinig ko. Nanliit ang mga mata nya at inginuso ang labas.
Nang ibaling ko ang tingin sa tinuturo nya, isang babaeng halos kasing edad lang namin ang naglalakad papasok sa café.
The girl is undeniably pretty! Kitang kita ko ang magkahalong pagkadismaya at selos sa mukha ni Fham nang ibalik ko ang tingin sa kanya.
Fham is pretty, too. May katabaan nga lang pero makurba ang katawan. Unlike me, may kapayatan pero hindi ko iyon iniitindi dahil advantage iyon para sa matatakaw na kagaya ko!
Kahit busog na busog na, mukha parin palaging nauubusan ng pagkain!
“Wow, Ma'am! Ang ganda pala ng inaantay nyo! Sulit kahit nakakangawit!” singit ng driver nila habang minamasahe ang sariling balikat.
“Talaga? Mas maganda pa sa pa-sweldo ko sayo?” pambabara ni Fham. Umayos ito ng upo habang umiiling.
“Naku, Ma'am. Naka-make up lang pala kaya gumanda!”
Muntik na akong matawa kung hindi lang ako hinatak ni Fham pababa ng kotse.
“Dyan ka lang at wag na wag kang bababa kung matagalan kami sa loob, ha?!” bilin nya pa bago kami tuluyang makababa.
“Yes, Ma'am! Areglado!”
*****
Planado na namin lahat bago palang kami pumunta dito.
Simple lang ang gagawin. Pagpasok ng babae sa loob ay susunod na kami at pupwesto sa gawi kung saan nakatalikod si Ryan, just in case na mauna itong dumating.
Tama ang sinabi Fham na malaki ang posibilidad na mahuhuling dumating si Ryan dahil kabisado na nya ang ugali nito.
“Late nga ang hudas mong ex.” bulong ko matapos umupo sa isang mesa ilang metro ang pagitan sa likod ng babae.
“Baka umulan ng tipak tipak na yelo sa Pinas kapag nauna iyon dumating sa appointment!”
Kagaya ni Fham ay anak mayaman din si Ryan. Sanay itong nagpapahintay dahil katwiran nito ay siya ang Boss!
Disgusting!
Inayos ko ang dark blue baseball cap ko na sinadya kong isuot para hindi agad makilala. Ang café kasi na ito ay malapit lang sa company ng Dad ko kaya hindi malabong may makakita at makakilala sa akin.
Gaya ng plano, hihintayin namin na tumayo ang babae para mag-CR at doon ko sya pasimpleng hahawakan sa dibdib para makita kung sino ang malas na lalaking nakatadhana para sakanya.
Tingin ng tingin sa relo si Fham at halatang naiinip na.
Ilang sandali pa ay mayroong grupo ng mga kalalakihan ang pumasok sa café at umupo sa likod ng table namin. They were so noisy kaya ilan sa mga customers ang napapatingin sa gawi namin.
Shit!
Napayuko ako nang mapansin ang mga naka corporate blouse na ginang na kakapasok lang sa café. Just the color of their ID laces ay sapat na para masabi kong empleyado sila sa company namin. Fham noticed that, too kaya pasimple nya akong sinipa mula sa ilalim.
Nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko ng tumayo ang babae at papunta sa direksyon ng CR. Fham immediately stood up and walked behind her. Ganoon din ang ginawa ko na bahagya paring nakayuko dahil nasa counter na ang dalawang employee ni Dad.
“Aw!”
Ilang hakbang lampas sa counter ay tumama ako sa dibdib ng kung sino. Dahil sa kakayuko ko ay hindi ko napansin na may makakasalubong na pala ako.
“It's okay, it's okay. Wag ka ng mag-sorry!” sabi ko agad nang sa tantya ko ay magsasalita na sya. Nagmamadali ako and I don't have time to argue.
And to my dismay, hindi sya nagsalita at ang nakakainis ay hindi manlang sya gumalaw para makadaan ako.
Napamura ako sa isip nang hindi ko na matanaw sina Fham at yung babae. Kung magtatagal pa ako dito ay baka makalabas na iyon sa CR at hindi namin magawa ang plano!
Iritadong iritado ako nang tingalain ang kung sino mang walang modong lalaking nakabangga na nga ay ayaw pang tumabi!
“Ang sabi ko, okay na. Hindi mo na kailangang magsorry kaya tumabi ka na at padaanin mo na ako!” mahina ngunit mariin kong sambit pero bahagyang napatigil nang makita ang mukha nito.
Handsome in an understatement. He looks like someone who came from a book of Myth!
Ilang sandali pa ay nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. I can't even read his expressions.
Sus, paano mo naman mababasa eh distracted ka sa face! kontra ng isip ko
Ilang sandali pa ay hindi parin sya nagsalita. Napasinghap ako nang makaisip ng posibleng dahilan.
Pipi at bingi?
Walang pagdadalawang isip na nag-sign language na ako bago tuluyang lampasan sya.
“You. Don't. Have. To. Apologize. I'm. Really. Okay.” sabi ko na may kahalong sign language. “Just. Take. Care. Next. Time.” habol ko at bahagyang tinapik ang pisngi nya bago tuluyang umalis.
“Ang bagal mo!” halatang inip na si Pham nang sa wakas ay makarating ako sa CR. Pabalik balik sya sa tapat ng pinto na halatang kabado.
“Relax, bes! Saglit lang 'to!” I assure her bago hinawakan ang door knob.
“Wait kita dito!” sabi nya sabay tapik sa pwetan ko.
Natawa ako. Tuwing kabado sya ay ginagawa nya iyon.
Pagpasok ko sa loob ay wala akong nakitang tao. Pasimpleng lumapit ako sa sink para kunwari ay maghugas ng kamay. Maya maya ay nakarinig ako ng nag-flush ng bowl kasabay ng pagbukas ng cubicle.
I turned around fast! Yung tipong mukhang sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko sya napansin.
Ilang hakbang lang ay nakadikit na ako sakanya. My hand automatically flew in her chest and in an instant, an image of a guy flashed.
At first, I just thought that I was just hallucinating coz what I exactly saw was someone very familiar to me.
It was as if I just saw that face awhile back.
Sino na nga ba 'to? Artista ba o model?
“What do you think you're doing?!”
My vision was interupted when the girl in front of me screamed.
“Nalukot na!” maarteng reklamo nya habang kunwari ay pinapagpag ang parte na nahawakan ko.
I didn't know what gotten into me, I felt like I wanted to b***h around. I stretched my arms and reached her hand.
“Talaga? Sorry I didn't mean to—Oopps! OMG! My hands are wet pala?” kunwari ay gulat na gulat ako.
Laglag ang panga nya nang makita ang pinaghalong lukot at basa na bahagi ng damit nya.
“How dare you—”
She was about to slap me when a group of high school elite students entered the comfort room. Lumipad ang kanilang mga kamay sa bibig nang makitang sasampalin ako. Nakita iyon ng babae kaya agad na binaba nya ang kamay at padabog na pinulot ang bag at nagmartsa na palabas.
Alanganing ngumiti ako sa mga bata.
“Did you just save me?” pa-cute kong sambit bago lumabas ng CR.
“Dawn!” halos pabulong na tawag ni Fham sabay lapit sa akin at nang-usisa. “Anyare? Bakit parang galit 'yun?”
“Ginalit ko.” nakangisi kong sagot.
Ngumuso sya bago nagtanong.
“Did you see?”
Tumango ako ng paunti-unti habang pilit na inaalala kung saan ko nakita yung lalakeng nakatadhana sa bruhang babae na yun.
“Great! You go first! I'll just fix myself. Sunod na lang ako sa kotse.” paalam nya at agad ng pumasok sa CR.
Nagsimula na akong maglakad habang nasa isip parin ang imahe ng lalake.
“I definitely met him already!” bulong ko.
The image was so clear as if I knew the guy personally.
Just where the hell did I see that guy?
“Dawn...”
Fham called without looking at me. Nakalabas na pala sya. Inaayos nya ang strap ng kanyang wrist watch habang nagsasalita. I continue walking.
Saan ko na ba sya nakita?
“Let's eat first. I'm starving!” maya maya ay sabi nya.
“Dito?”
“Of course not!”
“Dito?” wala sa loob na sambit ko. Nanlaki ang mga mata ko.
Dito!!
“No way! Ayokong makita ako ni Ryan dito, 'no!”
Sunod sunod ang iling ko.
“Hindi! I saw him here!”
“Huh? Sino?” confused na tanong nya.
“Yung destiny ni bruha!”
“What?!”
I wonder if he's still here, though!
“Nandito pa?” Fham just speak what's on my mind.
I didn't bother to answer her. Nagmamadaling pumihit na ako palabas sa hallway kung saan nandoon ang comfort room.
Fham was calling me but I didn't bother to look back.
I was a bit confused when I realized that even his name didn't appear in my vision.
Dahil ba nagulat ako nung sumigaw yung babae?
“Just what the hell happened?”
No other details. Just a vivid image of him. Just how in the world would I find him? Goodness!
Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa matanaw ko na ang dulo ng hallway. Kulang nalang ay lumipad na ako papunta doon dahil panigurado, kitang kita ko doon ang mga customers sa loob ng café. It would be easier to spot him from there!
Konti na lang.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang marating ang dulo ng hallway at matanaw ang kabuuan ng café.
It was too late to realized that I wasn't the only one standing there.
Isang lalake ang nakatayo sa harapan ko at nakatitig sa akin. Habol habol ko ang hininga habang minumukhaan sya.
“Ikaw—” napatigil ako.
Damn, he's here! He's still here!
But.. Why him?? Of all people, why him???
May kapansanan na nga, mapupunta pa sa two-timer?
Anong kamalasan naman yan?
“Listen, Miss..” simula nya. I gasped and when he saw that, his lips were curved into a grin. “I'm only gonna say two things,”
Gulat na gulat ako nang magsalita sya. There was something in the way he speak that made me flashed. Napalunok ako.
His voice was slightly hoarse na tila ba ibinubulong nya lamang iyon.
“First, I am not mute and deaf,” sabi nito na parang aliw na aliw sa sinasabi.
“Second," he hesitated a bit before he continue. “You can slap me after what I am goinʼ to do. Mukhang magiging sulit naman'yon.”
Just right after he said the last word, his eyes immediately went down to my lips. At bago pa ako makapagreact, he gently grabbed my nape using his left hand and his other hand carefully held my jaw!
Nanlaki ang mga mata ko.
My mind was like telling me,
“Brace yourself, Hedone! Trouble is approaching!”
One swift move and his lips was in mine.
Wait.
No.
Napadilat ako nang maramdaman ko ang hinlalaki nya sa ibabang labi ko.
Did he just... kiss his thumb?
Not my lips?????
And before I can think of anything else, I heard laughs from somewhere.
“Wow! What a deal!”
“Lucky bastard!”
D-deal?
Ano daw?
Just a f*****g deal?!
Confusions filled my mind and my vision slowly became blurred. My eyes automatically shut.
Before I fainted, I heard them calling his name.
Zeus.