“Confirmed!”
Natigil si Hedone sa pagkagat kagat sa kanyang kuko sa hinlalaki nang magsalita ang kaibigang si Fham. Dumating ito ilang minuto lang nang iwanan sya ng kanyang doctor. Kanina pa sya tuliro dahil sa huling sinabi nito. Kinwento nya agad iyon kay Fham dahil may pakiramdam syang hindi maganda ang mga pangyayari.
Kahit kailan ay hindi pa sya nagkamali. Sa lahat ng naging visions nya ay isandaang porsyentong nagkatotoo ang mga iyon; atleast sa mga nahulaan nyang nagpakasal na. Ang iba naman ay on the way na doon katulad nalang sa kaso ng bestfriend nyang si Fham.
Sa kaso ni Zeus, alam na kaagad nya na nakatadhana na ito sa iba at iyon nga ay ang babaeng kinakahumalingan ngayon ni Ryan na nakatadhana para sa bestfriend nyang si Fham.
Sa lahat ng nakita nya ang kapalaran ay ngayon lang siya nainvolved sa isa sa mga iyon. And she doesn't like the idea. Sya pa mismo na nakakakita ng kapalaran ng iba ang magiging hadlang sa magiging kasiyahan ng mga ito? Just the thought of it already creeps her out.
“Confirmed ang alin?”
Napapitik si Fham sa hangin bago sumagot. “Nilalandi ka ng Zeus na 'yon!” tumango tango pa ito na parang siguradong sigurado. Umikot ang mga mata nya.
“Fham, pwede ba?”
“Obvious naman ano!”
Nagdududang tinignan nya ito. Humalukipkip si Fham at tumabi ng upo sa kanya.
“Alam mo ba, bes? Nung mahimatay ka, tumawag agad ako ng staff ng café para buhatin ka pero maya maya nagulat ako dahil bumalik yung staff sa akin. Ang sabi binuhat ka na daw ng boyfriend mo. Wow!” napapatayo pa ito habang nagkukwento.
“S-so, sya ang nagdala sa akin dito?” hindi makapaniwalang tanong nya. Buong akala nya ay si Fham dahil nandoon naman ito ng araw na iyon.
“Mismo!” sabi nito at lumapit sa bintana sabay hila sa blinds para makapasok ang liwanag sa kwarto.
“Kaya naman pala malakas ang loob dahil doctor!” habol pa nito pero biglang napatigil kaya napatingin sya sa gawi nito.
“OMG...” nanliit ang mga mata nito. Tumaas ang kilay nya.
“Ano na naman?”
“Sigurado ka bang hinimatay ka talaga nun?” nanliliit ang mga mata nito. Pinandilatan nya ito.
“Oo nga, gaga! Ano naman akala mo? Nagpabuhat lang ako sa lalaking yon?” nakairap na tugon nya.
Tumango tango naman ito. “Akala ko kasi... alam mo na. Part ng plan. Hehe.” alangang tumawa ito at pagkatapos ay nag-peace sign. Umirap sya.
“Sabi ko idedelay lang natin ng konti yung pagkikita nila ng destiny nya hindi aagawin!” sabi nya “As if naman maaagaw ko yun. Mahirap kalabanin ang tadhana, ano.” humalukipkip sya at napatingin sa bintana.
Mahirap nga ba?
At the back of her mind, hindi nya naiisip ang hirap. Ang naiisip nya ay ang possibilities at kung gugustuhin ng isang taong gumawa ng sarili nyang destiny, gaano kalaki ang posibilidad na maging sila sa bandang huli? Siguradong hindi madali. Alam nya sa sarili nya iyon. And the question is, would it all be worth it?
Would it even be worth giving a try?
Parang tuksong bumalik sa ala-ala ni Hedone ang unang beses na literal na nagkadikit ang mga mukha nila. Na kahit na alam nyang sa daliri nito dumikit ang mga labi ni Zeus ay nag-iwan parin iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Na kahit kakaiba ay aaminin nyang sobrang komportable sya sa presensya nito.
“Hoy! Natulala ka na dyan!”
Kumurap kurap sya matapos syang tapikin ni Fham sa hita. Napatingin sya sa pinapapak na orange nito at halos mauubos na nito iyon. Ibig sabihin ay masyadong napalalim ang pag-iisip nya. Ipinilig nya ang ulo.
She can't be distracted by him. Lalo na at alam nyang nakatadhana na ito sa iba. It's a good thing na alam na nya ang kapalaran nito dahil tiyak nya na makakaiwas na sya dito bago pa man ito maging parte ng buhay nya.
“Paano pala kung binigyan ka nun ng CPR nung nasa kotse ka nya?” biglang sabi ni Fham na ikinalingon nya agad.
“Ikaw ba eh wala ng sasabihing matino, Pamela Juan?” pinandilatan nya ito. Ngumisi lang ito at nagkibit balikat.
“Oh well, he missed that golden opportunity kung ganon!” nakatawang sabi nito na halata sa boses ang pambubuyo.
“Bunganga mo,” inirapan nya ito “Mamaya marinig ka nun sabihin nya pa pinagtitsismisan natin sya.”
“Totoo naman. Pinagtsitsismisan naman talaga natin!”
“Tse!”
“Pero, bes, kung lalandiin ka naman nun, hindi ka na rin lugi, ano!”
Binato nya ito ng unan.
“Katawan pa lang nun naku! Kahit diet ka mapapa-extra rice kang talaga!”
Binato nya ulit ito ng isa pang unan pero nakailag agad ito habang tumatawa. Nakitawa na rin sya.
“Tsaka, bes, napatunayan mo ng kaya kang buhatin!” dagdag pa nito.
“Konek naman nung pagbuhat nya sa akin, aber?”
“Mahalaga sa relasyon yung alam mo kung kaya kang buhatin kasi mas malayo ang mararating nyong dalawa kung kaya ka nyang buhatin.” nakangising sabi nito tsaka kumindat kindat.
Sa pagkakataong iyon ay hindi nalang nya ito binato ng unan kundi hinampas hampas nya na ito.
“Ang kahalayan mo talaga dinala mo pa dito!” tawa ito ng tawa habang umiilag sa mga hampas nya.
Maya-maya ay napatili si Fham at inginuso ang likuran nya. Akala nya ay paraan lang nito iyon para makawala sa mga hampas nya.
“Sabi ko sayo wag mo akong umpisahan—”
“Si Doc!” sigaw nito nang hindi na makatiis. Napatigil naman sya sa paghampas at lumingon sa likuran.
Simpatikong nakatayo ito sa likuran nya at tila aliw na aliw na pinagmamasdan sya.
“Having fun?” nakangiting tanong nito na itinagilid pa ang ulo at kitang kita nya kung paano nito suriin ang buong mukha sya.
Hindi sya ang tipong mabilis maconscious sa kahit na sinong kaharap pero sa pagkakataong iyon ay pakiramdam nya ay nanliit sya.
Pasimpleng hinawi nya ang mga buhok na sumabog sa mukha nya. Si Fham ay tumikhim sa gilid.
“Hi, Doc!” bati nito kay Zeus. “Checheckup-in mo na ba sya? Sige, sa labas muna ako para macheck mo ng maayos.” paalam nito. Tinignan nya ito ng masama dahil obvious na obvious ang pambubuyo nito sa paraan ng pagkakasabi nito.
“It's okay, I will just inform her na pwede na syang umuwi today.” tumingin pa ito sa kanya.
“Talaga? That's good! Pero paano ba yan? Busy ang Daddy nya at kasalukuyang nasa business trip at ako naman ay busy din. Dumaan lang talaga ako dito ngayon. Walang maghahatid—”
“Okay lang, bes! Kaya kong umuwing mag-isa. Magtataxi—”
“Gabi ngayon. Delikado!” pagpipilit nito.
“Saan ka ba umuuwi?” singit ni Zeus.
“Okay lang talaga—”
“Pasay!” sagot agad ng magaling nyang kaibigan. Nakatutok lang ang tingin nito kay Zeus dahil alam nitong ikamamatay nito ang mga tingin nya.
“Really? Pasay din ako. I can drive her home.” sabi nito at nilipat ang tingin sakanya “Kung gusto mo lang naman.” nahihiyang sabi nito.
“Wala syang choice, Doc! Kaya please lang, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko. Bring her home. Safe and whole. Charot!”
Kulang nalang ay magfacepalm si Hedone sa kahihiyan dahil sa sinasabi ni Fham. Nang tumawa si Zeus ay pakiramdam nya pulang pula ang pisngi nya.
“I will. Don't worry, I will never do something she wouldn't want. Unless..” napatingin ito sakanya. Iyong tingin na parang sinasabi nitong kailangan nyang intindihin mabuti ang susunod na sasabihin nito.
“Unless what?” nakataas ang kilay na tanong ni Fham.
“Unless she will give me reasons to do that.” seryosong sabi nito.
Kasabay ng pagsinghap ni Fham ay ang malakas at mabilis na pagkabog ng dibdib nya.
You're in trouble, Hedone!! her mind screamed.