“What should I do now, ha? Paano na, bes?”
Napatigil si Hedone sa paghakbang nang biglang paluin ni Fham ang ibabaw ng round table sa unit nya. Kagabi pa sya hindi makatulog sa kakaisip sa nakita nya nang paglabas nya sa unit ni Zeus.
The fact that the girl who's destined to be with him is just living right next to him didn't bother her but the fact that she's moving now that her and Zeus are getting closer. Anong ibig sabihin non? Are they gonna meet again soon and then they would learn that they used to live right next to each other? Kung ganoon man ang magiging scenario sa magiging simula ng forever nila ay masyado naman yatang common ng love story ng mga ito? Tsk!
“Umupo ka nga muna. Kanina pa ako nahihilo sayo kung alam mo lang,” nakaismid na sabi ni Fham at dumekwatro ng upo habang pinapanood syang umuupo sa sofa na katapat nito. Bumuntong hininga sya.
“Ano bang balita sa kanila ni Ryan? Siguro naman ay alam nya kung saan lilipat iyong babae nya?” di nya mapigilang usisa dito. Blangko ang ekspresyon ni Fham nang mapatingin sya dito.
“Actually, bes... parang seryoso na si Ryan sa kanya.” kunot noong napatitig sya dito nang marinig ang medyo panginginig sa boses ng kaibigan. Ilang beses na lumunok ito na tanda ng pagpipigil na maiyak.
“Paano mo nasabing seryoso?” usisa nya. Bumuntong hininga ito at saka nagpipindot sa phone pagkatapos ay ipinakita iyon sakanya. Ryan's sister posted a photo of her family eating together in an exclusive restaurant with the girl who's destined for Zeus. Napatingin sya kay Fham na nanggigilid na ang luha ngayon.
“I know how strict his parents are. Kahit sa mga kaibigan ay sobrang pili lang ang tinatanggap ng pamilya nya. But this girl.. she managed to be with them. To think na wala pa silang isang buwan ni Ryan...” sabi nito at tuluyan ng napaiyak. Agad na nilapitan nya ito at inalo.
“Sus! Ano ka ba, bes? Okay lang yan... besides, they're not meant for each other. That's just temporary, she's just temporary. Kayo parin ang nakatadhana ni Ryan para sa isa't-isa.” pag-cocomfort nya dito at hinaplos haplos ang buhok. Tumigil din naman ito sa pag-iyak pero hindi parin nawawala ang lungkot sa mga mata.
“So, anong sabi ng may-ari ng building? Kailan pa daw iyong babae na yun nakatira dito?” usisa ni Fham maya-maya. Bumuntong hininga sya. Kagabi ay agad nyang tinawagan ang may-ari ng building para pasimpleng magtanong. Base kasi sa dami ng mga maletang dala dala ng babae ay mukhang umalis nanga ito doon. Nagpanggap nalang syang nag-iinquire para sa kaibigan nyang naghahanap ng bagong malilipatan.
“Wala pa daw isang taon.” sagot nya at saka napaisip na naman. “Ang ipinagtataka ko lang ay ang sinabi ng may-ari na hindi daw babae ang nakabili ng unit na yon kundi matandang lalake. She's probably the daughter of the owner, right?”
“Pwede ring sugar daddy nya iyon tutal mukha naman syang papatol sa matanda!” nakaismid na sagot ni Fham. Nakagat nya ang ibabang labi dahil sa kabitteran nito.
“Nakahanap na ngayon ng mas bata kaya iniwan na yung sugar daddy, ganon ba?” pagsakay nya dito. Inirapan lang sya ni Fham at saka nanliit ang mga matang tinitigan sya.
“Oh ba't ganyan kang makatingin?”
“Ano nga palang ginagawa mo sa unit ni Doc. kagabi?” sa tono pa lang ng pagtatanong nito ay may halo na iyong malisya. Umiling kaagad sya.
“Nothing. We just watched a movie. That's it!” kibit balikat nyang sagot. Totoo naman iyon. Well, except for the fact that they drink together at hindi nya na iyon babanggitin kay Fham dahil alam nyang lalo lang itong magiging malisyosa.
“Hmm.. at anong movie naman kaya ang pinanood ng isang babae at isang lalake sa isang malamig at madilim na kwarto?” punong puno ng malisyang tanong nito habang hindi sya nilulubayan ng malisyosang tingin!
“Just a Studio Ghibli film,” simpleng sagot nyang binalewala ang pagiging malisyosa nito.
“But you already finished watching them.” nakataas ang kilay na sabi nito.
“Not all..” mahinang sagot nya at bigla ay nakagat nya ang ibabang labi nang hampasin nito ang braso nya at magtitili.
“Did you watch romance movie?! With him?! Alone?! In the dark room?!” sunod sunod na tanong nito habang niyuyugyog ang balikat nya. Natatawang hinawi nya ang mga kamay nito.
“Well, it wasn't that bad...” mahinang sagot nya nang maalala ang pinanood. It's a very light romantic comedy film. It was actually cute and the OST was quite nostalgic.
“Sus! Bruha ka! Ang sabihin mo, nadala ka lang ng emosyon. Ikaw ba naman ang manood kasama ang isang hot na hot na doktor! Edi kahit horror ang pinapanood mo eh kikiligin ka talaga!” halos tumirik na ang mata nito sa pang-aasar sa kanya.
“Sira ka talaga... pero in fairness, masarap sya—”
“Natikman mo na agad?!” nanlalaki ang mga mata nito. Hinampas nya agad ito.
“Tigilan mo yang kamanyakan mo, Pamela!” singhal nya dito. Tawa lang ito ng tawa habang lumalayo ng bahagya sa kanya. Kumpara sa kanya ay may pagka liberated si Fham at hindi big deal dito ang pakikipagtalik habang hindi pa kasal. Habang sya ay mukhang nasobrahan na sa pagiging Maria Clara.
After lunch ay nagpaalam din agad si Fham sakanya dahil pinapapunta ulit ito ni Vidamarie sa main branch. Hindi nya alam kung anong pumasok sa kukote nya at pasimple nyang pinakikiramdaman ang katapat na unit.
Pagkatapos kasi ng mga napag-usapan nila kagabi ay parang naguguilty sya sa ginawa nyang pag-iwan dito. Ang isiping naisip na kaagad nito na hindi na sya makikipag-usap ulit dito pagkatapos ng mga pinagtapat nito ay isa rin sa dahilan kung bakit hindi sya mapakali maghapon.
Bandang alas singko nang maisipan nyang mag-order ng dinner para sa dalawang tao. Nang maideliver na iyon ay saka naman sya nag-alangan kung ibibigay nya ba iyon kay Zeus o ano.
Ilang beses narin syang nagpataas baba sa elevator para mag-abang sa pagdating nito. Huli na nang marealized nyang para na syang tanga dahil sa ginagawa nya. She didn't even realize that the CCTV might caught her doing that. Kung may magrereview nun ay paniguradong pag-iisipan pa sya nun ng masama.
“What the hell is happening to you, Hedone? Nababaliw ka na ba talaga?” bulong nya habang lumalabas sa elevator para bumalik na sa unit nya.
Sa huli ay natagpuan nalang nya ang sarili na nasa tapat na ng pinto ng unit ni Zeus. Bahagyang inilapit nya ang tenga para makiramdam kung nandoon na ito.
“Hedone?”
Halos masubsob na sya sa pinto ng unit ni Zeus nang magsalita ito mula sa likuran nya. Kulang nalang ay iuntog nya ang ulo sa pader para mawalan na sya ng malay at hindi na nya ito makaharap ng nasa maayos ang wisyo.
“H-h-hi! Hi!” utal utal at di magkandatutong bati nya sabay ngiti ng pilit dito. Sa itsura nito ay mukhang kararating lang nito galing ospital. Naisip nya pa kung normal lang bang maging ganoon ka-fresh ang mga doctor kahit na maghapon na ang mga ito sa ospital.
“Were you waiting for me?” tanong nitong halos ayaw nya ng sagutin. Dahil kung magdedeny sya ay magmumukha lang syang engot dahil obvious na obvious namang naghihintay sya sa pag-uwi nito dahil halos magkapalit na sila ng mukha ng pinto kanina!
“O-oh! Umalis kasi ako agad kagabi... Ahm... How about... dinner? My treat!” sabi nya at pilit binalewala ang papalakas na t***k ng dibdib. He gave her a warm smile.
“It's okay... If you're doing this because—”
Sunod sunod ang iling nya at pinigilan itong magsalita.
“No! I don't feel bad about you. Hindi ako naaawa o natatakot sayo or something. Promise! Nagulat lang talaga ako and I'm really sorry for that.” sincere na sabi nya habang pinapanood ang reaksyon nito. Ilang sandaling nakatitig lang ito sakanya bago muling ngumiti. This time, it's his usual heart fluttering smile. Napangiti narin sya dahil doon.
“Is that a 'yesʼ?” nakangiti parin na tanong nya. Tumango ito at napayuko ng konti.
“Saan ba tayo magdidinner?” tanong nya.
“Ah, dito nalang sa unit mo. Nakapag... order na ako.” halos mahimatay sya nang makita ang halatang gulat sa ekspresyon nito pagkatapos ay napahawak ulit sa dulo ng tenga.
Hindi ito nagsalita at tumitig lang sa kanya.
Tumikhim sya dahil hindi nya magawang salubungin ang titig nito.
“M-magreready lang ako at dadalhin ko na yung foods dito!” sabi nya at agad ng nagpaalam para tumawid sa unit nya.
“Ugh! Bakit ang awkward awkward mo naman kanina?!” halos sabunutan na nya ang sarili nang maisarado ang pinto ng sariling unit.
Agad na inayos nya ang mga inorder na pagkain at saka sinipat ang sarili sa salamin bago nagpasyang tumawid sa kabilang unit.
She composed herself before pressing the doorbell. Sa pangalawang beses na pagpindot nya ay saka lang bumukas iyon at muntik na nyang mabitawan ang dala dalang mga pagkain nang tumambad sa harapan nya ang nakatopless lang na si Zeus.
“I'm sorry, naligo pa kasi ako...” sabi nito sabay kuha sa kanya ng mga dala dala nya. Umiling sya at nag-iwas ng tingin.
“Ano.. Ako nalang. Mag... magbihis ka na muna...” sabi nyang pinipilit na balewalain ang naaamoy na pinaghalong sabon at aftershave na ginamit nito. Tumango ito at agad ng naglakad papasok sa kwarto.
“Shaks... ang init naman sa unit nya ngayon. Hindi pa nya nabubuksan ang aircon?” bulong bulong nya habang pinapaypayan ng kamay ang mukha.
Ilang sandali lang ay lumabas narin si Zeus. Dump hair, white sando and gray shorts. His visuals really look like a character in a book. Naalala nya na naman ang unang beses na nakita nya ito sa Café. He's indeed living up to his name like how a Greek God in a book of myths looks like.
Tumulong na ito sa pag-aayos ng hapag habang sya ay hindi maalis ang titig dito. Nang mahuli nito ang titig nya ay nag-iwas sya ng tingin.
“Aren't you comfortable seeing me like this? Should I change my clothes?” tanong nito. Agad namang umiling sya. Akala nya ba ay magbura lang ng memory ang kaya nitong gawin? Bakit mukhang kaya rin nitong makabasa ng isip ng tao? Napairap sya sa naisip. Baka mamaya nyan ay mabasa nito ang iniisip nya at baka akalain pang pinagnanasaan nya ito!
“You sure?” paniniguro pa nito. Tumango ulit sya.
“Oo. Tsaka hindi naman ikaw yung tinitignan ko...” mahinang sabi nya na mukhang narinig nito.
“May iba ka pa bang nakikita dito bukod sa akin?” nakangisi na ito nang muling magsalita. Umikot ang mga mata nya at inirapan si Zeus.
“Kumain na nga tayo. Gutom lang 'yan!” sabi nya at wala sa sariling naglagay ng ulam sa plato nito. Nang makita nyang hindi gumagalaw si Zeus ay napatingin sya dito.
“Why? Hindi mo ba gusto tong mga naorder ko?”
Umiling ito habang hindi inaalis ang titig sa kanya.
“I thought you said you aren't sweet...” mahinang sabi nito. Napatigil sya sa ginagawang paglalagay ng kanin sa plato nito.
“Yun ang... sabi nila.” sagot nya at nag-iwas ng tingin dito. Tinuon nya nalang ang pansin sa paglalagay ng pagkain sa sariling plato.
Pansin nya ang paninitig nito sakanya habang kumakain sila. Ilang na ilang tuloy sya at pakiramdam nya ay hindi sya natunawan! Mabuti nalang at nag-alok ito ng kape pagkatapos nilang maghapunan.
“I'm really sorry about last night...” sabi nya habang nakatuon ang atensyon sa tasa ng kape.
“It's okay. Sanay na akong ganoon ang reaction kapag mayroong nasasabihan...” sagot nito at uminom sa sariling kape. Nilingon nya ito. He's really like her. Halos pareho sila nito ng sitwasyon.
“Kailan mo nalamang mayroon ka nyan?” tanong nya matapos ang sandaling katahimikan.
“I was 16 years old when I finally figured it out. Bata palang ako, nagtataka na ako dahil wala akong kahit na anong memories with my mom. Even my mom didn't know that I am her son. Kung hindi ko pa nakita yung mga pictures ko nung bata na kasama sya, hindi ko pa malalaman na sya ang nanay ko. That's so weird. I carried that mystery to myself until I grew up.
I was on my senior year in High School when my classmates kept asking me about this one girl who happened to be my classmate and according to them, we were together. Kapag tinatanong ko naman yung babaeng sinasabi nila, hindi nya rin alam na naging kami. Pakiramdam ko, there was a huge gap in my memory that I missed just like what I had with my mom. Until Alexis told me that he saw me kissing that girl. At dahil wala akong maalalang ginawa ko iyon, inisip kong pinagtitripan nya lang ako. But he even had it filmed! Pinapanood nya sa akin yung video pero kahit anong isip ang gawin ko, wala akong maalalang ginawa ko iyon.”
Umiiling iling ito habang napasabunot sa ulo habang nagkukwento.
“What happened after that?”
“Alexis were so worried about me. He even asked his psychologist uncle to check up on me. But the results were all normal. But he had it figured out when it happened again for the second time. According to him, I've courted another girl and after a week of pursuing her, I totally forgot about her at ganoon din sya sa akin. So, the hypothesis was it all happened because of the kiss. Whenever I kiss someone, her memories about me would immediately lost. At ganoon din ako sakanya.”
Hindi nya alam kung bakit biglang pumasok sa isip nya ang nangyari nang unang beses silang nagkita. Gusto nyang magtanong kung anong meron nang araw na iyon pero tinatamaan sya ng matinding kahihiyan.
“That's the reason why I didn't kiss you that time.” parang nabasa nito ang nasa isip nya nang magsalita ito. Hindi sya nakasagot.
“I'm afraid I'd forget you...” habol pa nito. Lalo syang natameme pagkatapos marinig iyon. Kahit hindi sya nakatingin dito ay ramdam na ramdam nya ang paninitig nito sa kanya. Nagsisimula na tuloy maging abnormal ang t***k ng puso nya!
“I like you, Hedone...” he confessed!