Kinabukasan ay maagang nagsimula si Hedone sa pag-check sa mga emails na sinend sa kanya ni Fham. After lunch ay natapos na rin siyang gawin ang payroll para sa buwan na iyon at i-sinend narin agad iyon kay Fham dahil sya na ang bahala sa paghuhulog ng pera sa bangko. Bandang alas dos ay naglinis-linis na rin siya ng bahagya at nagsimulang magluto para sa dinner mamaya.
Napangiti siya nang maalala ang naging usapan nila ni Zeus tungkol sa mga paborito nitong pagkain. Hindi nya akalain na magiging attentive siya sa lahat ng ng sinabi nito dahil ultimo yata paborito nitong flavor ng juice ay natandaan pa niya!
She started preparing the sauce of her favorite seafood pasta. Base sa naging pag-uusap nila nuong mga nakakaraan ay napag-alaman niyang marami talaga silang pagkakatulad. Kahit na ang pagiging pasta lover niya ay naging pareho sila nito.
According to him, he started loving pasta when his step Dad cannot cook anything but that. Ayon dito ay dahil madalas wala ang kanyang mommy sa bahay ay ang step father niya ang halos mag-asikaso sa kanya. The way he mentioned him, mukhang napamahal na talaga ito sa pangalawang ama. Nang tanungin nya kung nasaan ang tunay nitong ama ay nagkibit lang ito ng balikat. Never daw nitong nakilala ang kanyang ama dahil kahit ang kanyang mommy ay hindi ito kilala. Sobrang nakakapagtaka daw iyon pero inisip daw nitong baka gusto na lang kalimutan ng mommy nito ang dating asawa. Gayunpaman, sinubukan daw nitong magtanong sa mga tyahin at mga malalapit na kamag-anak ng ina pero kahit ang mga ito ay hindi daw nakilala ang ama ni Zeus. Basta isang araw ay nalaman na lang daw ng mga ito na buntis ang ina nito at doon na nito mag-isang itinaguyod si Zeus.
She even asked him if he have grudge against his real Dad pero umiling ito at nakangiting sinabi na wala itong galit o kahit na ano pang nararamdaman sa totoong ama dahil lumaki itong puno ng pagmamahal ng kanyang pangalawang ama. Well, she was happy to know that even if he grew up without his real Dad, he was surrounded with good people. Makikita din talaga sa personalidad nitong maayos itong napalaki at mabuti itong tao.
"Ang swerte naman talaga ng babaeng nakatadhana sa kanya..." hindi nya napigilang sambitin at saka bumuntong hininga. Ilang beses nya ring kinastigo ang isip dahil sa buong panahon ng pagluluto nya ng hapunan ay naiisip nyang agawin si Zeus sa babeng nakatadhana para rito. Her thoughts were filled with greed kaya naman naiinis sya sa sarili dahil sa pag-iisip ng bagay na iyon.
Hindi lang buhay ni Zeus ang magugulo kundi pati narin ang buhay ng babaeng nakatadhana para dito. Changing what's destined to happen will only lead to something bad. That's the rule of the universe.
Alas singko nang matapos nya ang pagluluto sa pasta at nagdagdag narin siya ng roasted chicken just in case na gusto ni Zeus ng heavy dinner.
Kakatapos niya lang maligo at nagpapatuyo na lang ng buhok nang mag-ring ang cellphone niya. Unknown number iyon kaya kumunot ang noo nya nang sagutin ang tawag.
"Hello?"
Tunog ng pagsara ng kotse ang narinig niya bago nagsalit ang nasa kabilang linya.
"Hi! I just got off my car. Uh... See you later?" sabi nito. Napalunok siya at hindi nakapagsalita agad nang mabosesan si Zeus.
Even the sound of his voice over the phone was so good! Pakiramdam niya ay hindi nya maibuka ang bibig niya para magsalita.
Maghunos dili ka, Hedone!
"Ah, e.. I guess, hindi tuloy iyong dinner na-"
"N-no! Tuloy tayo...d-dito..." halos batukan na niya ang sarili dahil sa pagkakataranta.
"Alright. See you later, then? M-maliligo lang ako tapos pupunta na ako sayo..." sabi nito.
Pupunta sa akin? Ulit ng isip nya. Kinagat niya ang ibabang labi.
"S-sige. See you..." paalam niya at hinintay na ibaba nito ang tawag. Nang ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin nito binababa ang tawag ay tumikhim siya.
"B-bye. Ibababa ko na?" she asked. Mukha siyang timang na nagtatanong pa bago gawin ang obvious!
"Hmm.. sure." mahina at medyo may katagalang sagot nito. Napapikit siya nang mariin matapos pindutin ang end button. Napahiga siya sa kama at kinapa ang kanina pa nagwawalang puso.
"Ano ba, Hedone!? Umayos ka kaya! Teenager ka? Teenager?" sita niya sa sarili at saka bumangon at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok.
Agad siyang humanap ng pinakasimpleng dress na mayroon siya at saka nag-apply ng light make-up. Hindi na siya nag-abalang maglagay kahit lip tint manlang dahil kung mayroon siyang isang ipinagmamalaki sa bahagi ng mukha niya ay ang kanyang natural na mapupulang mga labi. Kahit si Fham mismo ay kinaiinggitan iyon.
Nang may magdoorbell ay agad na inayos nya ang sarili at saka pinagbuksan si Zeus.
"Good evening- wow! Mukhang may lakad tayo ngayon ah?!"
Halos mahigit niya ang hininga nang imbes na si Zeus ay si Fham ang napagbuksan nya ng pinto!
Imbes na sumagot ay agad na napatingin siya sa suot na relo at halos mapapikit nang makitang ilang minuto na lang ay alas syete na. Iyon ang madalas na oras ng dinner nila ni Zeus!