“Come in,” nakangiting bati ni Zeus kay Hedone nang magday off ulit ito at magyayang manood ng movie.
She enjoyed the last time he invited her to come over. Masaya at makulit itong kausap at halos magkasundo sila sa mga genre ng movies. He's also a gentleman and didn't take advantage of her kahit na nga ba napagsolo sila ng matagal sa unit nito at gabi pa iyon. Napansin nyang maasikaso din ito. He always pay attention to her.
Nakita nyang dumiretso si Zeus sa mini kitchen nito at gulat na gulat sya nang makita ang mga pagkain na nakahanda na sa lamesa.
“Whoa! Akala ko magmomovie marathon tayo? Bakit mukhang food trip pala ang gagawin natin ngayon?” natatawang tanong nya at naglakad pasunod dito. Zeus bit his lower lip and gave her a shy smile.
“Mauna ka na doon sa movie room. I'll just carry this—”
“Tulungan na kita!” mabilis na alok nya at saka inabot ang box ng pizza pati narin ang isang bucket ng chicken nuggets.
Si Zeus naman ay binuhat ang mga drinks at iilan pang mga snacks. Mayroon ding ilang plastic ng chips at napansin din nya na mayroong nakalabas na isang lata ng beer. Kumunot ang noo nya at napako ang atensyon doon.
“Are you going to drink that alone?” hindi nya napigilang usisa.
“Huh?” tanong nito na hindi matukoy kung alin ang sinasabi nya.
“You have a can of beer,” sabi nya sabay nguso sa hawak nito. Napatingin naman ito sakanya at napahawak sa batok.
“Ahh... I have troubled sleeping these days because I am taking the all nighter's shift. Pampaantok lang sana... But if you aren't comfortable, mamaya nalang ako iinom kapag wala ka—”
“Hey! Ang ibig kong sabihin, iinom ka nyan ng mag-isa? Ayaw mo bang mag-share ng alak?” nangangantyaw na sabi nya. Napatitig naman si Zeus sa kanya. Mukhang hindi agad nag-sink in dito ang sinabi nya.
“Do you... want to drink with me?” hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango sya ng sunod sunod.
“Can I?”
“Are you sure?”
Nanliit ang mga mata nya at nagkibit balikat. “Why not? Are you afraid that I might get drunk and mess around here?” she tilted her head.
Nalaglag ang panga nito at natatawang umiling iling.
“No. Hindi naman yon ang iniisip ko...” sagot nito at naging malikot ang mga mata. Nanliit lalo ang mga mata nya.
“What were you thinking then? Some kind of a dirty stuff?!” tanong nya habang nakataas ang kilay. Laglag ang panga ni Zeus.
“Wha—what?” hindi magkandatutong tanong nito at napahawak sa dulo ng tenga. Hindi nya mapigilang mapabungisngis dahil sa nakikitang reaksyon nito.
He's really cute when he's blushing like this! Natutuwa tuloy si Hedone na asarin ito ng asarin.
“Let's go?” natatawang yaya nya na. Huling huli pa nya ang pagtingala nito habang bumubulong ng kung ano. Naiiling na nilampasan nya ito at nagtuloy na sa movie room.
This time, they have decided to watch a film from Studio Ghibli. She's quite surprised that he also likes this kind of movie matapos syang mag-scan sa mga downloaded files nito at makita iyon. Halos lahat na ng Studio Ghibli film ay napanood nya but not that particular movie na nahanap nya sa files ni Zeus. She doesn't like watching romance movies. Palagi nga ay inaasar sya ng kaibigang si Fham dahil bitter na bitter daw sya.
Nagtatawanan sila ni Zeus matapos nyang ikwento iyon pagkatapos ng pinapanood nila.
“Sinabihan pa akong manood ng mga romance movies para magkaroon daw ako ng sweetness sa katawan!” nakangiwing kwento nya habang nag-iinuman sila at inuubos ang ilang snacks na natira.
“What for? Mukha ka na namang sweet ah?” komento nito. Natatawa nyang tinignan ito.
“Well, lahat ng nagsasabi nyan sa una ay binabawi rin kapag nai-date na nila ako.” umikot ang mata nya. Sa lahat yata ng naging boyfriends nya ay iyon at iyon nalang ang reklamo ng mga ito. Na mukhang hindi sya seryoso sa pakikipagrelasyon dahil hindi sya sweet at maalaga sa mga ito.
“Talaga? Eh mababaw pala ang mga naging ex mo,” nakangising sabi ni Zeus. Natatawang umiling sya.
“They have a point, though. Sanay na kasi akong mag-isa at malayo ang loob sa ibang tao, e. I'm an outcast eversince kaya wala talaga akong naipong pakialam sa ibang tao. Sweet bones pa kaya?” naiiling na sabi nya habang nilalaro ang lata ng beer na hawak.
Nang lingunin nya ito ay matamang nakikinig ito sa mga sinasabi nya.
“Ano na? Inaantok ka na ba? Sabi ko sayo mas effective pang pampatulog ang kwento ng buhay ko kesa sa alak!” tumawa sya. Ngumiti ito pero hindi naman iyon umabot sa mga mata.
“May I know why you isolated yourself from the crowd?” imbes na sakyan ang biro nya ay seryosong nagtanong ito. Sumimsim muna sya sa iniinom na beer bago sumagot.
“You probably won't believe it...” sagot nya habang tinitignan ang reaksyon nito.
“Try me,” hamon nito at tinuon ang buong atensyon sa kanya. She sighed. She really couldn't believe that she'd have this kind of conversation with someone she barely even know.
Sa isip nya, siguro nga ay totoong mas madaling magkwento sa taong hindi mo kilala dahil malayong huhusgahan ka nito agad.
“Do you believe in supernatural things?” tanong nya habang sinasalubong ang titig nito. Ni hindi manlang nya ito nakitaan ng pagkagulat dahil sa tanong nya.
“Why would you think I wouldn't believe in those?” he asked instead of answering her.
“Because you're a doctor?” she shrugged. Tumaas ang kilay nya nang naiiling na tumawa ito.
“Just because I am a doctor doesn't mean I wouldn't believe in anything that is still unexplainable even by science.” seryosong sabi nito at muling binalik ang titig sa kanya.
“Besides... I, myself, have one...” sabi nito na labis na ikinagulat nya. Titig na titig ito sa kanya na para bang nakasalalay sa magiging reaksyon nya ang kahihinatnan ng magiging usapan nila ngayon.
“W-what do you mean you have one? You have a supernatural power?” halos hindi na sya huminga habang hinihintay ang magiging sagot nito. Tumitig ito pabalik sakanya.
“You are looking at me like I'm sort of a con artist or something...” nangingiting sabi nito. Napabuga sya ng hangin at sunod sunod na umiling.
“Answer me. Do you....” sunod sunod ang tango nito.
“Yeah.. I have. And please, don't ask me why and how I've got this coz I really dunno and I am dying to know the answer, too...” tuloy tuloy na sabi nito na hindi na sya pinatapos sa pagtatanong.
Sunod sunod na napalunok sya at napatitig pa lalo kay Zeus.
In her 28 years of existence, wala pa syang nakikilalang katulad nya ay mayroon ding kakaibang kakayahan. Kung co-incidence paring matatawag na makilala nya ito ay hindi na sya sigurado kung hanggang saan sya dadalhin ng pagkakataong pinaniniwalaan nyang dahilan kung bakit nya ito nakilala.
“I guess, this will be the last time that I'm gonna be with you...”
Agad na napatingin sya kay Zeus nang muling magsalita ito pagkatapos ng matagal na pananahimik nya. She was too shocked to even give reactions to what he said. Agad na hinanap nya ang mga mata nito.
His yes were full of sorrows and... regrets? Totoo ba ang nakikita nya o imagination nya lang iyon?
Nang akmang tatayo ito at mukhang iiwanan na sya ay agad nya itong pinigilan. Napatingin agad si Zeus sa kamay nyang nakahawak sa braso nito at saka inilipat ang tingin sa mukha nya. Confussions were so evident in his eyes.
“What... supernatural powers do you have?” nanuyo ang lalamunan nya habang tinatanong iyon.
Ilang sandali pa itong nakatitig sa kanya bago nagpasyang sumagot.
“I... can erase someone's memories.” pag-amin nito na hindi nakatingin sa kanya. Napasinghap sya at nabitawan ang braso nito na tila napapaso. Lumamlam ang mga mata nito at malungkot na ngumiti.
“Iwanan mo na ang mga iyan dyan. Ako na ang bahalang magligpit mamaya...” sabi nito at tumayo na ulit.
“W-wait!” habol nya nang nakatalikod na ito sa kanya. Kitang kita nya ang pagbuntong hininga nito pero nanatiling nakatalikod sa kanya.
“How do you... do it?” curious parin na tanong nya. Kung sya ay nakikita ang kapalaran ng isang babae kapag hinahawakan nya ang mga ito sa gawing dibdib, paano naman kaya ang kay Zeus?
“What do you mean?” tanong nito na mukhang hindi nakuha ang sinabi nya.
“I mean, how do you... erase someone's... memory?”
Sa pagkakataong iyon ay lumingon na ito sakanya. Hindi nya mabasa ang ekspresyon nito.
“Why are you still here? Aren't you afraid of me?” tanong nito sa halip na sagutin ang tanong nya. Napalunok sya bago dahan dahang umiling. Biglaan syang nagsisi dahil sa walang tigil na pagtatanong nya. Of all people, sya dapat ang nakakaintindi sa nararamdaman nito dahil pareho sila ng sitwasyon. Pero eto sya at hindi manlang inisip ang nararamdaman nito. Maybe she's just thrilled coz finally, may nakilala syang katulad din nya ng sitwasyon.
“I'm sorry... I... I shouldn't have asked.” sabi nya at nakayukong iniwanan ito.
Tuloy-tuloy sya sa paglalakad hanggang sa makalabas sa unit nito at maisarado ang pinto. Sumandal muna sya doon at iniisip kung ano ang posibleng nararamdaman nito ngayon. Napakapa sya sa kanyang dibdib.
Hindi parin maawat ang kabog ng dibdib nya na hindi nya matukoy kung para saan.
Huminga sya ng malalim at nagpasyang bumalik na sa sariling unit para makapag isip ng maayos.
Pahakbang na sana sya para tumawid sa kabilang unit kung saan naroon ang unit nya nang biglang bumukas naman ang pinto ng unit na katabi ng kay Zeus.
Pumihit sya paharap doon at halos mapako sya sa kinatatayuan nang makita kung sino ang babaeng lumabas mula doon.
“What the...” mahinang usal nya.
It was the girl who tried to steal her ex-boyfriend and also the girl who's currently dating Fham's boyfriend.
And also...
The one who is destined for Zeus.