FLOW

1783 Words
Alas onse ng umaga nang makareceived si Hedone ng text mula sa kaibigang si Fham. She's asking for a favor to accompany her on their main branch because they will be meeting a possible client today. "Franchise?" tanong nya kay Fham nang napagsolo sila sa maliit na opisina sa taas ng main branch ng H&F Salon. "Yes, bespren. I told her on the phone that we aren't ready for franchising yet pero sabi nya ay personal daw syang makikipag-usap sa may-ari. By the way, she's the aunt of one of our VIP client na syang nagrecommend sakanya dito. She's also a handler of some popular young artists." paliwanag nito. Sa sinabi ni Fham ay napaisip din sya. May plano naman talaga silang maging open for franchising pero ang balak nya ay kapag mayroon na kahit sampung branch ang H&F kahit sa buong Maynila lang. "I want to consider her proposal but it depends on the location. Kung outside Manila ay okay lang pero kung dito, hindi na muna." "Of course! Mas priority parin natin ang main goal natin na kompletuhin ang 10 branches dito sa Manila, 'no!" sang-ayon naman nito. Tumango tango sya at nakipagkwentuhan kay Fham habang hinihintay ang babae. Bandang alas dose nang dumating ito doon kasama ang pamangkin nitong VIP client nila. Her preferred location was within Metro Manila but when she heard that they will only consider franchising if the location is outside Manila, sinabi nitong kakausapin pa ang pamangkin tungkol doon. But the good thing is, irerecommend nya ang ibang hinahandle nyang artista na doon na sa kanila magpaayos. "Grabe, bes! Hindi ako makapaniwalang may gusto na agad mag franchise sa atin kahit ilang taon palang tayo sa industry na ito! Gosh! Mukhang totoo nga yung kasabihang kapag swerte sa business o career ay malas sa pag-ibig! Kita mo nga, pareho tayong sawi!" litanya nito nang matapos silang sabay na mananghalian sa labas at pabalik na sa salon para magpaalam kay Vida. "Malas agad? Hindi ba pwedeng sadyang tanga lang sa pagpili ng lalake?" kontra nya sa sinabi nito. Sumimangot ito pagkatapos ay tumango narin. "Uyyy may point ka dyan! Siguro nga nakatadhana talagang maging magbestfriend tayo kasi pareho tayong natangahan sa pagpili. Tapos yung mga napili natin pareho pang lumandi sa iisang babae. Grabeng katangahan na 'to, bes! Hindi nalang yata malas to kundi sumpa na! What do you think?!" Napailing nalang sya habang natatawa dahil pumasok sila sa salon at nagsimula ng bumati ang mga empleyado. "Vida, uuwi narin kami. Dumaan lang kami para magpaalam-" Napatigil si Fham sa pagsasalita nang mapansin nito ang tila pagbubungisngisan ng ilang babaeng empleyado nila. Nang sundan nya ang tinitignan ng mga ito ay halos malaglag ang panga nya. "Wow ha, bes? Mukhang kailangan mo na talaga ng haircut kasi humahaba na yung hair mo. Natatapakan ko na, oh?" mahinang kantyaw agad ni Fham sa kanya nang makilala si Zeus na halos tapos ng magupitan ng hair stylist nilang si Alexis. Hindi sila nito napansin dahil mukhang busy ito sa pakikipag-usap kay Alexis. Tumaas ang kilay nya at inisip kung naikwento ba nito dito na sya ang may-ari ng salon na ito. Pero agad din nya iyong binura sa isip dahil mukhang malaki ang posibilidad na regular customer nila ito doon dahil hindi naman kalayuan ang unit nito. "Kanina pa iyon?" hindi nakatiis na usisa ni Fham kay Vidamarie nang makalapit na kami sa counter. Sinundan naman nito ng tingin ang gawi nila Zeus na ngayon ay mukhang tapos ng magupitan. "Ah, si Doc. Zeus po ba? Opo kanina pa nung umalis kayo ni Ma'am Dawn." sagot nito. Sa pagkakabanggit nito sa propesyon ni Zeus ay mukhang hindi ito ang unang beses na nagpunta ito doon. "Talaga? Regular ba natin yan? Kasi parang wala naman sya sa list ng mga VIPs." usisa parin ni Fham. "Bagong regular lang po kasi kaibigan ni Sir Lex." "Oh... may kaibigan naman palang disente ang herodes na yon..." wala sa sariling komento ni Fham. Siniko ko sya dahil napapalingon ang iilang empleyado sa gawi nila. She doesn't want their employees to hear that their bosses are bad mouthing them. Tumikhim si Fham pero umirap parin ang maldita nyang kaibigan. Nagpipigil ng tawa si Vida na halatang may alam sa silent war na namamagitan sa kanyang bestfriend at sa kanilang hair stylist. Nang dumako ulit ang tingin nya sa gawi nila Zeus ay halos mapasinghap sya nang magtama ang paningin nila mula sa malaking salamin sa harapan nito. It was as if he was waiting for her to look at his direction! Nang tumayo ito at magpaalam kay Alexis para lumapit sa gawi nila ay ilang beses syang napalunok. His new hairstyle looks so damn good on him! Hindi nya matukoy kung dahil ba iyon sa galing ng stylist nila o sadyang gwapo lang talaga ito at babagay ang kahit na anong hair style. "Ang consistent naman talaga!" kantyaw agad ni Fham sa kanya na tinusok pa ang tagiliran nya. Sa ginawa nitong iyon ay napaatras sya dahil sa lakas ng kiliti nya doon. Muntik na syang matumba kung hindi lang mabilis ang reflexes ni Zeus at mahigit agad ang braso nya! "Oops! That was close," nakakunot ang noo nito at tinignan si Fham. "Be careful. That might put her in danger." he said it as if he was scolding Fham! Sa pagkakataas ng kilay ni Fham ay nakikini-kinita na nyang kakantyawan sya nito ng bongga kapag napagsolo na sila! "Sorry, Doc. Peace?" nakangiwing paumanhin nito. Halos matawa na sya sa itsura ni Fham nang tumango si Zeus. "You okay?" tanong nito sa kanya. Pasimpleng hinila nya ang braso nyang hawak parin nito bago sumagot. "Okay lang, nagulat lang ako tsaka malakas kasi ang-" "Malakas ang pagkakatulak ko sakanya! Oo! Kaya sorry na talaga Doc.!" singit ni Fham at saka agad na nagsumiksik sa gilid nya at saka bumulong. "Ano ka ba, bes? Magkamatayan na pero wag na wag mong sasabihin sa lalaki kung saan ang kiliti mo! Baka isipin nyan gusto mong magpakiliti sa kanya!" Halos batukan nya si Fham dahil sa pinagsasabi nito. "Anyway, I didn't know that you're the owner of this salon. Alexis just told me." "Oh... Hindi ko rin alam na regular customer ka pala dito." "No one touches that bastard's hair but me." singit ni Alexis. Nahihiyang tumawa si Zeus bago ibinalik ang tingin sa kanya. Sambakol na agad ang mukha ni Fham nang mapansin nya. Halos lumuwa na ang eyeballs nito sa pagroll eyes. "We're best of friends. Kaya kung saan sya ay ako ang sumusunod dahil nagtatampo ang buhok ko kapag iba ang gumugupit. I don't know why," paliwanag ni Zeus na medyo nahihiya pa. Napangisi sya nang ikwento ni Alexis ang pinaka masaklap na nangyari sa buhok ni Zeus nang iba ang gumupit dito dahil ilang buwan daw na nanatili si Alexis sa ibang bansa kaya napilitan itong magpagupit sa iba. "You can't get over it!" nakangusong reklamo ni Zeus nang hanggang sa kotse nito ay tawang tawa parin sya dahil sa kinwento ni Alexis. Dahil kotse ni Fham ang ginamit nila kanina at may lakad pa daw ito kaya pinasabay na sya kay Zeus, naikwento nito ng buo ang pangyayari nang mapagsolo sila sa kotse nito. "Kasi naman hindi ko maimagine na naging kinky yang hair mo eh super straight kaya oh?" natatawang sabi nya habang wala sa sariling inabot ang buhok nito. Napatigil sya at agad binawi ang kamay nang mapatingin sakanya si Zeus. Kitang kita nya ang pagiging tensyonado nito dahil ilang beses tumaas baba ang adam's apple nito. Gusto nya tuloy batukan ang sarili dahil sa ka-recklessan! "S-sorry," "It's okay. I usually don't mind if someone's touching my hair but suddenly I got tickled when you... you touched it." he bit his lower lip. Bigla tuloy syang na awkward kaya hindi na sya nagsalita at tinuon nalang ang mga mata sa daan. Nang pasakay na sila sa elevator ay akala nya babalik din ito sa sasakyan para bumalik sa hospital pero nang bumukas ang elevator ay sumakay rin ito. "Aren't you going back to the hospital?" "Nope. It's actually my rest day that's why I took the chance to have my hair cut. I was really surprised to see you there. I thought I was losing my mind coz I'm seeing things." pag-amin nito. Nangingiti sya pero hindi sya nagpahalata. "I see.." tanging nasabi lang nya. Nang tumunog ang elevator sa floor kung saan naroon ang unit nila ay nagsalita ulit ito. "Are you busy later?" nakahawak sa isang tenga na tanong nito. Umiling naman sya. "Hindi naman. Bakit?" "How about... we watch movie together?" medyo nakayukong tanong nito. Sa pagkakataong iyon ay medyo tumikhim na sya para tuluyang mapigil ang pagkawala ng ngiti. "I can't watch movies outside. I'm sorry." nakagat nya ang ibabang labi. She can't really expose herself to a lot of people kaya iniiwasan nya ang matataong lugar at isa nanga doon ang sinehan. "How about in your unit?" subok ulit nito. Nagtatakang napatingin na sya dito. "Huh?" "I.. don't really mean watching movies outside, actually. Mas gusto ko din manood ng movie sa condo lang that's why I made the other room for that." napahawak sa batok na sabi nito. "Ohh.." she was lost for words. Damn it! "So?" pangungulit nito nang nasa tapat na sila ng unit nila. "Alright. I'll just freshen up a bit then I'll go there." sabi nya. "You... sure? We can watch movies there in your unit if you aren't comfortable-" Natawa sya at nakapameywang na hinarap ito. "As if there's a difference. Mag-isa din naman ako dito." He bit his lower lip at tumango tango. "Okay, see you later, then? Sasabay na akong maligo sayo-" Napatigil sya sa pagsasalita at nagmura ng mahina. "I mean, sasabay na ako habang naliligo ka." Tumaas ang kilay nya. Nang ihilamos nito ang kamay sa mukha ay tuluyan na syang natawa. Pulang pula ang mga dulo ng tenga nito na halatang hiyang hiya sa mga pinagsasabi. "I got it. You don't have to explain more. Lalo lang nagiging ano!" nanliliit ang mga matang panunukso nya dito. Bago pa ito makapagsalita ay kumaway na sya at agad ng binuksan ang unit. Ngiting ngiti sya nang maisarado ang pinto. Biglang sumagi sa isip nya ang sinabi ng kaibigang si Fham na baka isa lang sya sa mga magiging daan para makilala nito ang babaeng nakatadhana para dito. Bumuntong hininga sya. May kaunting pagtutol man sya sa ideyang iyon ay pinagsawalang bahala nalang nya. Besides, kung talagang nakatadhanang maging parte nga sya ng kapalaran ni Zeus ay hindi nya kahit kailan mapipigilan ang tadhana. Things are bound to happen, anyway. So, be it. Just go with the flow....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD