WAIT

1631 Words
Sunod-sunod na doorbell ang gumising kay Hedone isang umaga. Sa pananatili nya ng ilang araw sa ospital nung nakaraan ay hindi pa gaanong bumabalik sa dati ang body clock nya. Sa bandang tanghali sya inaantok at nagigising bandang alas singko ng hapon kaya sa gabi ay halos hating gabi na sya nakakatulog ulit kaya ang gising nya ay nasa bandang alas nuebe na ng umaga. Naghikab sya nang makitang halos alas syete y media palang ng umaga. Sino namang bibisita sa akin ng ganito kaaga? Nang mabungaran nya ang nakahalukipkip na si Fham sa harapan ng unit nya ay halos mapapalo sya sa noo dahil sa frustration. “Ano na naman bang nakain mo at nagdoorbell ka pa kahit nakaregister naman ang finger mo dyan sa biometrics?!” inaantok pang reklamo nya at saka agad ng naglakad papasok sa loob pero sa isang iglap lang ay nilampasan sya nito at saka nakapameywang na tumigil sa harapan nya. “Hoy, hoy, hoy! Wag na wag mo akong tatalikuran at uunahan sa paglalakad ha?! Anak lang kita!” tunog nanay na litanya na naman nito. Umikot ang mga mata nya. “May inililihim ka ba sa akin? Sabihin mo na habang mababa pa ang presyon ko!” tila nag-eenterogate na tanong nito. Kumunot agad ang noo nya at saka umiling. “Ano na naman ba? Diretsuhin mo na nga—” “Bakit hindi mo sinabi sa akin na magkapitbahay pala kayo ng doctor na lumalandi sayo, aber?! Kailan mo balak sabihin sa akin? Kapag buntis ka na?” sunod-sunod na sermon nito. Halos mawala ang lahat ng antok nya sa huling sinabi nito. “Bruha ka, yang bunganga mo nga. Baka marinig ka non!” sita nya sabay tutop ng isang kamay sa bibig nito. Agad na inalis naman iyon ni Fham. “Wala sya dyan! Kakaalis lang. Nakasalubong ko nga! Fresh na fresh! Mukhang may afterglow galing sa pakikipag s*x!” eskandalosang litanya nito. Hinampas nya ang braso nito at saka nauna ng maglakad papunta sa mini kitchen nya. “Ahh...” tanging reaksyon nya lang. Nakakalokong tumawa ito. “Ahh?” hindi makapaniwalang ulit nito sa sinabi nya. “Matagal na syang nakatira dyan sa tapat. Three years na daw.” paliwanag nya habang kumukuha ng gatas sa ref. Sumunod ito sakanya at kumuha rin ng sariling baso at nagsalin din ng gatas mula sa box. “Tapos first time mo lang sya ma-meet sa café? When all along magkatapat lang ang unit nyo?” Tumango sya. “Ganoon na nga.” “Whoa! I can't believe you are that introverted!” komento nito habang umiinom ng gatas. Nanliit ang mga mata nya. “You know I rarely socialized. Piling pili lang ang mga kaibigan ko at mula ng malaman kong ganito ako, I secluded myself to everyone. So, hindi imposibleng hindi ko nga sya nakita kahit isang beses dito sa building.” she shrugged. “What a coincidence!” “Right? Coincidence lang talaga hindi ba?” “Pwede. O kaya naman...” napatigil ito sa pagsasalita at saka napatingin sakanya. “O kaya naman ano?” “You are part of his destiny. Na baka isa ka rin sa mga magiging daan papunta dun sa talagang babaeng nakatadhana sa'kanya. Ouch! Medyo masakit pero worth it na rin!” nakangising sabi nito. Tumaas ang kilay nya. “Paanong naging worth it yon?” umikot ang mga mata nya. Bumungisngis ito at saka nag make face sakanya bago bumulong. “'Nu ka ba, bes! Lam mo na yon! Hihihi!” pilyang sagot nito at saka nakangising itinuro ang talong na isa sa mga fridge magnet nya! Agad na tinampal nya ang kamay nito. Tumatawang lumayo ito sakanya at gumawi sa living room para sagutin ang phone nito. Naiiling na nag toast sya ng tinapay at saka sinundan si Fham. Nakasimangot na ito matapos ibaba ang tawag. Nagtatakang sinundan nya ito ng tingin habang umuupo sa sofa. Ngayon nya lang narealized na halos isang linggo na syang walang balita dito tungkol sa status nila ni Ryan. Magtatanong na sana sya pero naunahan na sya nito. “Kainis!” himutok na sabi nito. “Sino ba yon at ang aga aga mong imbyerna dyan?” tanong nya habang kumakagat sa toasted bread na ginawa nya. “Tumawag si Vidamarie. Hindi kasi pumasok si Alexis ngayon samantalang may appointment sya sa bagong VIP!” simula nito. Vida is their manager in their main branch at kung hindi sya nagkakamali, Alexis is the head of their stylist. Sakanya halos nagpapaayos ang mga VIP clients nila dahil bukod sa angking galing nito ay isa ito sa mga kilalang hair stylist ng bansa. “Bakit daw? Biglaang nag-absent? Baka may emergency?” Umikot ang mga mata ni Fham. “Sana nga ay may emergency talaga dahil kung trip nya lang na namang hindi pumasok at mababalitaan kong nasa condo lang sya at nagmumukmok, humanda talaga sya sa akin!” nanggagalaiting sabi nito bago nagpipindot ulit sa cellphone. “Hello, Sir! Regarding po sa appointment nyo today with our stylist, Alexis Regala. I'm really sorry for the very short notice....” pinanood nya ito hanggang sa matapos sa pakikipag-usap sa customer nila. Napasapo ito sa noo habang humihinga ng malalim. “Did you settle it?” usyoso nya. Tumango naman ito kaya napatango tango nalang din sya. “Alam mo, bes? Nanggigigil na talaga ako dyan sa Alexis na yan, e! Kung di lang talaga sa mukha nyang kaakit akit kaya tayo nakakaattract ng maraming VIPs matagal ko na iyang tsinugi! Grabe sya mang-stress! Lakas makawala ng youthful glow ng lalakeng iyon!” reklamo nito at saka pumulot narin ng tinapay. “Hayaan mo na. It's not like you see him every freaking day—” “Well, unfortunately, isang linggo ko na syang araw-araw nakakasalamuha dahil alam mo na. Kakabalik lang ni Vida dahil isang linggong na-confine ang anak kaya ako ang tumao sa main habang wala sya.” paliwanag nito. Kaya pala hindi nya ito halos nakausap ng isang linggo. Nag full-time pala ito sa main branch. “So, how is it going with Ryan?” singit nya sa usapan nila. Surprisingly, nagkibit balikat lang si Fham. “Ganon parin. Sila parin ng bruhang destiny ng doctor mo!” nakairap na sabi nito. Tinignan nya ito ng tinging nakikisimpatya. Nang makita nito iyon ay agad ikinumpas nito ang palad sa ere. “Tsk! Ano ka ba? Diba nga sabi mo, nasa phase ngayon si Ryan na kailangan nyang matuto at marealized ang mga pagkakamali nya sa akin kaya okay lang ako. Willing naman akong maghintay dahil alam kong kami rin lang sa huli.” Bumuntong hininga sya. Natutuwa sya na isiping hindi ito naistress sa nangyayari sa kanila ng ex boyfriend na si Ryan dahil alam nito na parte lamang iyon ng kapalaran nito. Pero, sa isang banda, naisip din nya kung paano kung hindi nito alam na sila parin ni Ryan sa huli? Ipaglalaban nya ba ito ngayong naagaw na ito ng iba o maghihintay din ito at ipapaubaya nalang sa destiny ang lahat? Umalis din agad si Fham matapos nilang sabay na mananghalian sa condo nya. May aasikasuhin pa daw ito sa isang branch kaya kailangan na nitong umalis. Bandang alas syete ng gabi nang bumaba sya para kumain nalang sa labas at tuloy ay maggrocery narin pagkatapos. Kanina nya lang napansin na wala na halos laman ang fridge nya nang magreklamo si Fham at maghanap ng pwedeng lutuin. Nauwi tuloy silang dalawa sa pasta na pareho naman nilang paborito. Pasakay na sya nang elevator nang bumukas ang pinto ng unit ni Zeus. Halos mapasinghap sya nang makita ang itsura nito. Nakapambahay lang ito at halatang bagong ligo dahil medyo basa pa ang buhok nito. Naka-tshirt lang ito ng puti na may maliit na print ng isang sikat na brand at saka nakashorts ng black at black and white flip flops! Kahit na nakapambahay lang ito ay mukha parin itong rarampa sa lakas ng dating nito! “Are you going out?” tanong nito. Tsaka nya lang napansin na may dala dala itong plastic bag ng isang kilalang fast food chain. Napatingin sya sa elevator na kakabukas lang. May dalawang matanda doon na naghihintay kung sasakay sya. Umiling sya agad doon at nagpaumanhin. “I'm sorry,” tumango ang mga iyon at saka sinarado na. Napatingin naman sya kay Zeus na ngayon ay naglalakad na palapit sakanya. Nakapamulsa ito at sa kabilang kamay ay bitbit nito ang plastic bag. Naamoy kaagad nya ang swabeng amoy ng sabong panligong ginamit nito. “K-kakain sana ako sa labas tuloy mag go grocery narin,” sabi nya nang makalapit na ito sa harap nya. “Talaga? Tamang tama! Wala narin akong stocks kaya sabay na tayo?” sabi nito. Tumaas naman ang kilay nya. “Lalabas ka ng nakaganyan?” turo nya sa suot nito. Napatingin naman ito sa sariling suot. Huling huli nya ang pagpikit nito at pagkagat sa ibabang labi. Tumikhim sya para magpigil ng ngiti. “Can.. you wait for me? Saglit na saglit lang ako. I'll just change and then—” “How about the food that you are holding?” “Huh?.. Oh, this? Ano kasi... yayayain sana kitang magdinner dyan sa unit mo. Kaso, wala akong mailuto kaya nag-order nalang ako sa drive-through kaninang pauwi.” nagkamot ito sa batok. “Tsk!” nakairap na sabi nya at saka ngumiti. He bit his lower lip. Nauna na syang maglakad pabalik sa unit nya. Nang matantong hindi ito sumunod sakanya ay tinawag nya ito. “Aren't you coming?” “Huh?” “Akala ko kakain tayo sa unit ko?” Tsaka palang ito mabilis na naglakad pasunod sakanya. Naiiling na nangingiti sya nang mahuli nyang magkamot ito sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD