CHOOSE

1058 Words
Laglag pareho ang panga nina Hedone at Fham nang saktong alas syete ay dumating si Zeus na bihis na bihis at may hawak pang isang bouquet ng white roses sa kamay. “Good evening... Uh... Y-you're here—” “Doc?!” bulalas ni Fham habang titig na titig kay Zeus na halatang nagulat din nang makita ito doon. “Anong ginagawa—” “M-movie marathon!” sagot agad nya bago pa sya maunahan ni Zeus. Sabay silang napatingin sa gawi nya. “Schedule namin ng movie marathon ngayon! D-di ba?” baling nya kay Zeus. Tumaas ang kilay nito pero ngumiti rin at saka tumango. Nakahinga sya ng maluwag pero nang dumako ang tingin nya sa gawi ni Fham ay nakahalukipkip itong nagtataas ng kilay sa kanya. Alam nya kung anong klase ng tingin ang ibinabato sa kanya ngayon ng kaibigan. “Oh.. yeah. Ang boring kasi kung mag-isang manonood.” segunda ni Zeus na lalo lang ikinataas ng kilay ni Fham. “Manonood ng movie ng naka semi-formal? Hmm...” nagdududa parin na sabi ni Fham habang sinusuyod ng tingin ang bulaklak na hawak ni Zeus. “Ah... For you.” sabi nito sabay abot sa kanya ng bouquet. Isang malakas na tikhim ang pinakawalan ni Fham matapos nyang abutin ang bulaklak mula kay Zeus. “T-thanks. Nag-abala ka pa.” mahinang sabi nya at saka pasimpleng inamoy iyon. Eksaheradang tumikhim na naman si Fham at saka hinawakan ang kamay nya. Gulat na napatingin naman sya dito. “Ah, Doc, uuwi na ko. Pauwi narin talaga ako may idinaan lang akong paper works kay Hedone.” sabi nito at pasimpleng pinisil ang braso nya. Agad na tumango sya nang makuha ang ibig sabihin nito. “Oh.. Pasok ka na. Upo ka muna. Ihahatid ko lang sa baba...” paalam nyang tinanguan naman ni Zeus. Nang makapasok ito at maisara na ang pinto ng unit nya ay agad syang kinurot sa tagiliran ni Fham. Napalayo sya agad dahil sa pinaghalong kiliti at gulat. “Aw!” “Ikaw! Nalingat lang ako ng isang linggo nagkajowa ka na!” bulalas agad nito at humalukipkip sa harap nya. Fham pouted her lips na para bang nagtatampo pero nagmamaldita parin! Natatawang nilapitan nya ito at hinawakan sa braso. “Hindi ko pa dyowa si Zeus.” mahinang sabi nya. Agad na nanliit ang mga mata nito at pumalag sa pagkakahawak nya sa braso nito. “Hindi pa? So, may pag-asa?!” Kinagat nya ang ibabang labi at saka nahihiyang napayuko. “Hoy bruha ka wag mo kong yukuan! Tinatanong kita!” sabi nito at saka hinawakan ang baba nya. Natatawang tumango sya. “Oo na nga...” “Tss! Sabi ko na nga ba type ka nun, e! Sus! Sa café pa lang amoy na amoy ko na!” sabi nya at umikot ang mga mata. Unti-unting nawala ang ngiti nya nang mabanggit nito ang café. Parang nagpapaalala iyon na kung ano man ang namamagitan at mamamagitan pa lang sa kanila ni Zeus ay lahat ng iyon ay pansamantala lamang. Dahil higit kanino man, sya ang nakakaalam na hindi siya ang nakatadhana kay Zeus. “Oh bakit?” napatingin sya kay Fham nang muling magsalita ito. “Ha? M-may sinabi ka ba?” Kumunot ang noo nito at napatitig sa kanya. “Sabi ko, bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?” bakas sa boses nito ang pag-aalala. Marahang umiling sya. “W-wala. May naalala lang...” palusot nya. Pero sa paraan ng tingin ni Fham ay mukhang alam nito ang nasa isip nya. “Wag mo munang isipin yung mga bagay na mangyayari palang. Ang mahalaga, kung anong meron ngayon.” sabi nito at inayos ang side bangs nya na nagulo dahil sa pangingiliti nito sa kanya kanina. “Pero, Fham...” “Wala ng pero pero! Nandyan na yan, ano ka ba? Alam ko namang may gusto ka rin sa kanya!” nangangantyaw na sabi nito. Kahit papaano ay napangiti sya. Nawala kahit papaano ang agam-agam na pumuno sa isip nya nang maalala ang babaeng nakatadhana para kay Zeus. “This is the present. Tandaan mo na ang mga mangyayari sa kasalukuyan ang magsisilbing pundasyon ng mga magaganap palang sa hinaharap. Kaya kung ako sayo, live your life without worrying what would happen tomorrow. Mag-enjoy ka. Sulitin mo! Collect good memories and then treasure it. Don't limit yourself in some things just because you are aware what is bound to happen. Choose to enjoy it and be happy. Kahit yun na lang ang iregalo mo sa sarili mo... Ang maging masaya kahit alam mong panandalian lang ang lahat.” nakangiting sabi nito at hinaplos ang braso nya. Kinagat nya ang ibabang labi para magpigil ng luha. Hindi naman sya sentimental na tao pero hindi nya alam kung bakit sobrang emosyonal nya ngayon. Probably because this is the very first time that she longed for something to last. Sa lahat ng taong dumating sa buhay nya ay hindi nya kailanman naisip na mawawala rin ang mga ito. Ni hindi umabot sa isipan nya kung makakasama pa ba nya ang mga ito sa hinaharap. This is actually the first time that she over-think things ahead. Ngayon lang sya nangamba sa mga posibleng mangyari. At sa tinagal tagal ng paniniwala nyang lahat ng bagay o pangyayari ay nakasulat na sa tadhana kaya kahit kailan ay hindi na iyon mababago. Ngayon lang nya naisipang baliin ang paniniwalang iyon. At sa kauna-unahang pagkakataon, gusto nyang paniwalain ang sariling... tao ang gumagawa ng tadhana nito. Na kung ano ang iyong sisimulan sa kasalukuyan ay magiging resulta iyon ng iyong hinaharap. At the back of her mind, parang may kung anong pwersang nagtutulak sa kanyang gawin ang sarili nyang tadhana. Inayos nya ang sarili bago pumasok sa unit nya. Huminga sya ng malalim at ngumiti. Kasabay ng ngiting iyon ang desisyon nyang wag isipin ang hinaharap at sakyan na lang ang mga pangyayari sa kasalukuyan. Today, she's with Zeus at hindi nya palalampasin ang araw na iyon nang hindi nagiging masaya. From now on, she will do things normally and not according to plan. Kagaya ng sinabi ni Fham, she will live in the present and will let things fall in their proper places. From now on, she will make her own destiny. She will choose to be happy. Be happy with Zeus...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD