Sunod-sunod na tunog ng doorbell ang gumising kay Hedone kinabukasan. She tried to look at the time in her bedside table with her eyes half-open. Pakiramdam n'ya ay puyat na puyat s'ya kahit na maaga namang umuwi si Zeus kagabi dahil ayon dito ay magiging busy daw ito dahil sa ginagawang research kasama ang team nito. Naawa naman s'ya kaya sinabihan n'ya itong matulog ng maaga para makapag-pahinga ng ayos. Ang resulta, s'ya ang hindi kaagad nakatulog dahil sa kakaisip dito at sa mga napag-usapan nila kagabi.
Nang maalala iyon ay kaagad nagising ang diwa n'ya at napabangon. Nag-init kaagad ang pisngi n'ya nang maalala ang ginawa nitong paghalik sa gilid ng labi n'ya katulad ng ginawa nito noong unang beses na magkita sila. Kinagat n'ya ang ibabang labi at kaagad na winala iyon sa isipan. Nakita n'yang alas sais y media pa lang ng umaga. Sobrang aga naman ng bisita n'ya!
Agad na nag ngising-aso s'ya nang maisip na baka si Fham iyon. Baka makiki-tsismis na kaagad dahil hindi nakaporma kagabi! Sigaw ng isip n'ya at nagmamadaling bumaba sa kama. Hinawi-hawi lang n'ya ang buhok at sinuklay-suklay gamit ang mga daliri. Ngiting-ngiti siya nang buksan ang pinto ng unit n'ya.
“Good morrrrrr—”
“Hi!”
Nabitin sa ere ang pagbati n'ya at awtomatikong naisara kaagad ang pintuan nang imbes na si Fham ay si Zeus ang mabungaran n'ya! Hindi rin nakaligtas sa pandinig n'ya ang halakhak nito dahil sa ginawa n'ya.
“Oh my God!” mariing bulong n'ya kasabay nang pagpadyak ng paa. Ramdam n'ya kaagad ang bilis ng t***k ng puso n'ya nang maalala ang itsura nito. Nakasuot na ito ng kulay puting polo na nakatupi hanggang sa siko at mukhang bagong paligo, samantalang s'ya ay ni hindi pa nakakasuklay manlang ng buhok! Napapikit s'ya ng mariin na agad ding napadilat nang marinig ang katok ni Zeus.
“Open the door, please? May ibibigay lang ako...” sabi nito na halata pa sa boses ang pagkaaliw sa kanya.
“Five minutes!” sagot n'ya na hindi na hinintay ang sasabihin nito at agad ng tumakbo pabalik sa kwarto at agad naghilamos at nag-toothbrush. She just combed her hair and didn't bother to change her clothes. Hindi naman ganoon ka-eskandaloso ang pajama n'ya kaya hinayaan na n'ya iyon.
Iinot-inot n'yang binuksan ang pinto at nakangiti na kaagad si Zeus nang pagbuksan n'ya ito.
“Good morning! I'm sorry for waking you up...” nakangiting sabi nito. Amoy na amoy n'ya ang swabeng amoy ng pabango na palaging ginagamit nito. Tumikhim s'ya at hindi masalubong ang titig nito. Nahihiya s'ya dahil unang araw pa lang na magnobyo sila ay nakita na s'ya kaagad nito na ganoon ang ayos.
“It's okay... N-nagulat lang ako. Akala ko kasi... si Fham...” nakangusong sabi n'ya habang hindi pa rin makatingin dito. Nanlaki ng bahagya ang mga mata n'ya nang hawakan nito ang baba n'ya para masalubong ang titig nito.
“Why can't you look at me? Don't tell me... you didn't mean what you said last night?” bakas ang pag-aalala sa mukha nito kaya agad na umiling s'ya at marahang hinawi ang kamay nito.
“I mean it. Nahiya lang talaga ako dahil nakita mo akong—”
“Bagong gising?” putol nito sa sinasabi n'ya at saka umiling.
“I don't mind seeing you every morning, though. Kung pwede nga lang pagmulat ng mata ko, mukha mo yung makikita ko...”
Titig na titig at nangingislap ang mga mata nito habang sinasabi iyon. Inirapan n'ya ito nang makuha ang sinasabi nito.
“Bawal! Strict ang parents ko!” pabirong banat n'ya. Tumawa si Zeus at pinisil ang baba n'ya.
“Videocall, baby. Just videocall every morning when I wake up. What were you thinking...” sabi nito. Nanliit ang mga mata n'ya nang mahalata ang pang-aasar sa titig nito sa'kanya. Katakot-takot na irap ang ibinigay n'ya dito. Tumatawang hinila s'ya nito para mapalapit sa katawan nito at agad na yumakap. Tsaka n'ya lang napansin ang dala-dala nitong kape at paper bag.
“Hindi ka pa ba nag-breakfast?” kunot-noong tanong n'ya nang makitang dalawang cup ang kape na hawak nito.
“I wanted to eat with you before going to the hospital kaya dinala ko na dito. I hope it's okay?” malambing na tanong nito.
“Hindi ka pa ba male-late?”
“Hindi pa naman. 9:00 am pa talaga ang start ng meeting namin but I intend to go there an hour early dahil mayroon pa akong for check-up patients.” paliwanag nito at pinisil ang pisngi n'ya.
Zeus is a pediatrician at inamin nito sa kanya kagabi na nakiusap lang ito sa doctor na nakatoka sa kanya noong naospital s'ya kaya ito ang nabungaran n'ya pagkagising n'ya. At inamin din nito sa kanya na matagal na s'ya nitong nakikita sa building kung nasaan ang unit nila at ilang beses na raw s'ya nitong nakakasabay sa elevator. Sa lahat ng mga pagkakataong iyon ay wala s'yang maalala o mas tamang sabihing hindi n'ya ito napagtuunan ng pansin. Madalas kasing ilag s'ya sa mga tao kaya hindi na s'ya nagtataka na hindi n'ya ito napansin kahit na nakatabi o nakasabay n'ya na ito kung saan. She usually doesn't care about her surroundings lalong lalo na sa mga tao sa paligid n'ya.
Halos isang oras din silang kumain at nag-usap sa unit n'ya at pinagsaluhan ang dala-dala nitong kape at pancakes. Nagsabi rin itong gagabihin ng uwi mamaya kaya paniguradong hindi ito makakasabay na mag-dinner sa'kanya. Ngiting-ngiti s'ya nang matapos silang mag-breakfast at maihatid ito sa pintuan ng unit n'ya.
“As much as I want to eat dinner with you later kaso, magsisimula na 'yung research ko. I'll be busy the whole week. I'm sorry in advance, babe.. Now I understand my co-doctors sentiments about dating while working.” naiiling na sabi nito na halos ayaw pang bumitiw ng yakap sa'kanya.
Sa totoo lang ay kanina pa s'ya kinikilig sa pagiging touchy nito. He loves holding her hands and wrapping his arms around her. It was as if it's her first time to date someone! Hindi n'ya akalain na masarap pala ang ganoon. Masarap sa pakiramdam na mayroong nagbibigay ng buong atensyon sa'yo. So, this is what a normal couple do. Nasabi n'ya sa isip.
Isang halik sa gilid ng labi n'ya ang nagpabalik ng atensyon n'ya dito. Tiningala n'ya ito at tinitigan. Hindi n'ya maiwasang mapatingin sa mapupulang labi nito. His eyes reminded her so much of a cat's eyes.
Halos mapapikit s'ya nang bumaba ang mukha nito pero napadilat s'ya nang maramdaman ang labi nito sa tenga n'ya.
“For the first time in my life, I wish I never had this supernatural powers...” bulong nito. Napalunok s'ya.
“W-why?” halos bulong lang din na tugon n'ya. Naramdaman n'ya ang pagbuntong hininga nito.
“It's so hard for me not to kiss you. You see, I am struggling already on our first day.” sabi nito sabay halik ng mariin sa pisngi n'ya. Hindi s'ya nakapagsalita. Bumitaw ito ng yakap at tumitig sa kanya. Kitang-kita n'ya sa mga mata nito ang panghihinayang.
“W-what if I will be the one to kiss you? Mabubura din ba ang memories ko kung... ako ang h-hahalik sa'yo?” lakas loob na tanong n'ya. Kitang kita n'ya ang gulat sa mga mata nito. Maya-maya ay umiling ito at banayad na ngumiti.
“I.. haven't tried that. But I can't take the risk.” sabi nito habang umiiling. Nagtatanong ang mga matang tinignan n'ya ito.
“I can't... I'm sorry...”
Tumango s'ya at nginitian ito.
“I understand.” sabi n'ya.
Zeus pulled her closer and hugged her tight.
“I can't afford to lose you for just a single kiss, baby and I am so sorry for that...” he whispered and gave a soft kiss on her forehead.