Angry boss

2006 Words
Careela's POV “I said, what did you put on my coffee?!” Parang kulog ang boses niya na pumailanlang sa loob ng apat na sulok ng opisina na kinaroroonan namin. Hindi ko naman alam ang aking gagawin lalo na nang marinig ko ang mabibigat niyang hakbang nang lumapit siya sa kinaroroonan ko at halos padaskol niyang inilapag ang tasa na mayroon pang lamang kape. Napapitlag ako sa gulat at mabuti na lang ay hindi natapon ang laman ng tasa kung hindi ay natapon na ito sa ibabaw ng lamesa kung saan nakalagay ang mga dokumento na need kong i-scan mamaya. “S-Sir, asukal po ang nilagay ko. Ano po ba ang problema ninyo sa kape na tinimpla ko?” Medyo kinakabahan na sabi ko na halos ayaw kong tumingin sana sa mga mata niya, ngunit mahahalata niya na guilty ako kaya wala akong nagawa kundi tumingin sa kaniya kahit para na akong nauupos na kandila sa sobrang takot ko sa kaniya. Kanina gusto kong humalakhak sa sobrang katuwaan dahil nakaganti na ako sa mga pang-iinsulto niya sa akin. Ngayon, gusto ko ng manginig sa takot at magtago sa galit na nakikita ko sa kaniyang mga mata. Tila nangangako ng isang masamang parusa ang kanyang mga mata. He looked so angry and ready to punish me. Iyon bang parang gusto na niya akong tirisin ng kaniyang mga kuko sa sobrang gigil niya sa akin. Sabi ko na nga ba, dapat hindi ko na tinuloy ang kalokohan ko. Dapat talaga nakinig ako sa anghel na bumubulong sa akin na huwag ko ng ituloy dahil mapapahamak lang ako. But what did I do? Tinulak ko pa rin ang aking sarili sa kalokohan. Heto ngayon at hindi ko alam ang aking gagawin. But I will try to make excuses. Hindi ako gumawa ng kalokohan na hindi ako prepared. Ano pa’t naging honor students ako kung hindi ko malulusutan itong ginawa ko. Sisiw lang ito at sana maniwala siya na hindi ko ito sinadya. “Asukal? Are you kidding me, Careela? Asin! Asin ang nilagay mo rito sa kape ko! Nananadya ka ano? Nang-aasar ka? Dahil ano? Totoo ang bintang ko sa iyo?” Gigil na sabi nito na halos masuka nang malasahan nito muli sa dila ang alat ng kape na sinadya kong asin ang ilagay at hindi asukal. Gusto kong matawa sa itsura niyang diring-diri sa kape subalit aking pinigilan. Mas manggagalaiti siya sa galit kapag nakita niyang pinagtatawanan ko siya. Iisipin niya na sinadya ko talaga iyon. “Asukal nga po, Sir. Iyon po kasi ang nakalagay sa label kaya doon ako kumuha.Alangan naman pong maging asin iyon eh asukal po ang naka-label,” katwiran ko nang bumalik na ang tapang ng loob ko. May ebidensya ako na asukal ang nakalagay na label sa lalagyan ng asin kaya alam kong alam niya na hindi ko sinasadya iyon. Pinagpalit ko ang label ng dalawang condiments dahil halos walang pinagkaiba sa itsura ng mga ito lalo na at maputi, pino, at parang krystal ang mga butil kaya alam kong lulusot ako if ever he find out what I did. “Then show me! Kapag ako pinagloloko mo, you will be fired immediately and my parents have nothing to do about it!” He said and then left me taken aback. I panicked. Baka magsumbong ito sa mga magulang niya. First day na first day palpak ako sa trabaho ko. Mapapagalitan ako malamang nina Tito Erwin at Tita Stella kapag umabot sa kaalaman nila ito. Gusto ko sanang magpaliwang pero ang bilis niyang naglakad palayo sa akin. Akala ko pupuntahan niya mismo ang pantry para i-check kung nagsasabi ba ako ng totoo dahil doon siya papunta pero kumuha lang pala siya ng bottled water at ininom ito. Nanlumo ako. Dapat in-check na niya mismo para siya mismo ang nakakita na nagsasabi ako ng totoo. But he didn't do it. He went back to his seat and waited to show what I was talking about. “Hayyyyy!” I took a deep breath and calmed myself. I felt relieved. I know makakalusot ako. Pero alam kong hindi pa magtatapos dito ang lahat. Mapapahamak si Ms. Glenda sa ginawa ko kung sakali. Sana huwag naman. Mabait ang matanda at hindi ko na naisip na pwede siyang madamay sa galit ng boss namin dahil sa kalokohan na aking ginawa. “What are you still doing there? Mahalaga sa akin ang bawat segundo kaya kumilos ka na riyan bago ako tumawag ng security at ipatapon ka sa labas ng gusaling ito!” Galit na banta niya nang hindi pa ako kumilos para ipakita ang ebidensiya na magpapatunay na wala akong ginawang kalokohan. “Y-Yes, Sir!” Takot na sabi ko nang ma-imagine ko ang aking sarili na kinakaladkad ng mga tao niya at pinagtitinginan ng mga kapwa ko empleyado. Nakakahiya iyon! Kung bakit naman kasi naisipan ko pa siyang asarin? Heto tuloy at hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko alam kung kakagatin niya ang ginawa ko o hindi. What if he is not? Paano na? Magagalit sa akin sina Tito Erwin at Tita Stella. They will be very disappointed in me. Baka makulong din nang tuluyan ang lolo ko kapag uminit ang tuktok ni Tito Erwin dahil wala siyang napala sa akin. Ang yabang ko pa na in just a month ay may resulta na ang pang-aakit ko sa kaniyang anak. Pero heto first day pa lang ay pinainit ko na ang tuktok ni Erwhan. Ganti ko lang naman iyon sa kaniya dahil nakakainsulto ang mga sinabi niya sa akin. Dali-dali akong tumayo at naglakad patungo sa pantry. Kinuha ko ang tatlong sisidlan ng kape, creamer, at asukal. Tapos nanginginig ang kamay na naglakad ako patungo sa table ng boss ko na masama ang tingin sa akin habang nakasandal at nakadekwatro ang mga binti. Boss na boss ang dating! Nakakainis lang dahil kahit gaano pa siya kademonyong tingnan ngayon, hindi ko pa rin maiwasan na humanga sa kaniyang taglay na kakisigan. Napatulala pa nga ako nang tumigil ako sa kaniyang harapan dahil sa paghanga. Subalit napawi din agad ang paghangang iyon nang taasan niya ako ng kilay at pagsalitaan ng ganito. “Huwag mong subukan na akitin ako sa mga ganiyang tingin mo. Sinasabi ko na sa iyo, hindi kita type.” Malditong sabi nito at saka pairap na humalukipkip. Pahiya ako sa sinabi niya ngunit hindi ko na lang masyadong pinahalata. Kunwari ay balewala ito sa akin at hindi na ito masyadong inintindi. “Heto po, Sir.” Nilagay ko sa harapan niya ang tatlong sisidlan na nakalagay sa isang tray. Agad na pinasadahan ni Erwhan ng tingin ang sisidlan ng asukal at sinipat ito. Then he opened it and tasted it. “f**k!” He cursed. Medyo gulat na napaatras ako palayo sa table niya habang hawak ang tapat ng puso ko. Lagot! Malalagot si Ms. Glenda! Akala ko ay ibabato niya sa akin ang sisidlan lang asukal este ng asin pala. Ngunit nakita ko na tinakpan lang pala niya ito at muling binalik sa tray. “Sige na, alisin mo na! Naniniwala na ako sa iyo. Baka napagpalit ni Ms. Glenda ang paglalagay ng asukal at asin sa mga sisidlan ng mga ito sa dami ng kaniyang ginagawa. Baka hindi na niya tiningnan habang nag-re-refill siya,” sabi ni Erwhan na halatang agad na lumamig ang ulo nang mapatunayan ko na wala akong ginagawang kahit ano. Yes! I did it! Naniwala ang lelong mong bading! Ang saya ko! Super! Agad akong umayos nang makita kong tumitig siya sa akin. Hindi ko naman ito pinahalata sa kaniya. Lumusot nga ako pero nakakakaba pa rin. Paano kung kumprontahin niya si Ms. Glenda? I think wala siyang oras para gawin iyon dahil agad niya akong ipinagtabuyan palayo sa table niya at inutusan na ayusin ang sisidlan ng dalawang condiments. Then, nakita ko na naging abala na siya sa pagbabasa ng dokumento at pagtipa sa harap ng laptop niya. Nakahinga ako ng maluwag. Abswelto ako, nakaganti pa ako. Hi hi hi! Nagsimula akong magtrabaho nang matapos kong gawin ang utos niya. Sa sobrang sigla ko ay tinapos ko ang lahat ng mga kailangan niya bukas. Subalit mga bandang alas-nuebey medya ay para akong napagod bigla at nawalan ng gana. Sobrang tahimik kasi habang abala kami sa kani-kaniyang ginagawa. Tanging tunog ng keyboard ng computer namin at ang tunog ng aircon ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong ito. Nakakabagot, nakakaantok. Wala man lang music. Sinikap ko na lang magawa ng maayos ang trabaho ko tutal mag-t-type lang naman ako ng mga dokumento na kailangan niya para sa susunod na araw. Nakalinya na ang mga gagawin ko sa buong linggo. Organisado magtrabaho si Ms. Glenda at nagpapasalamat ako dahil bawat detalye na gusto kong malaman at matutunan ay matiyaga niyang tinuro sa akin kanina. Kung may hindi man daw ako alam gawin at hindi maintindihan sa mga ipapagawa ni Erwhan sa akin. Tawagan ko lang daw siya o puntahan tutal nasa iisang floor lang naman kami at ilang hakbang lang daw ang pagitan ng office namin ni Erwhan sa kinaroroonan niya. Mamayang break time ay sabay kaming kakain ng matanda. Mag-explore na rin ako para kapag inutusan ako ni Erwhan na magdala ng ganito, ganiyan kay ganito ay alam ko na ang gagawin ko. Halos mangawit na ang likod nang ianunsiyo ni Sir Erwhan na mag-break muna ako. Siyempre tuwang-tuwa ako at agad na in-save ang trabaho ko bago ako tumayo sa swivel chair ko at nagpaalam sa kaniya na lalabas lang ako para kumain. Hahakbang na sana ako patungo sa pinto nang matigilan ako sa boses niya. “Buy me a cup of cappuccino and two big cheesy burgers at the canteen. Humingi ka ng ketsup at hot sauce na rin.” Malamig niyang sinabi na hindi man lang ako nilingon. Abala pa rin siya sa kaniyang laptop hanggang ngayon. Kanina pa siya sa nagtatrabaho at hindi ko man lang siya nakitang nagpahinga. “Yes, Sir.” Sagot ko at naghintay ng bills sa kaniya. Pero lumipas na ang ilang minuto ay wala naman siyang nilalapag sa taas ng table niya na pera habang tutok pa rin siya sa pagtipa sa laptop niya. Napansin niya siguro na hindi pa ako umaalis kaya sinita na niya ako. “What are you still doing here?” Masungit niyang sabi at tinigil ang ginagawa niya. "I'm hungry and I need my food now!" Asik niya na tila mauubusan na naman ng pasensiya sa akin. “Ahm, wala pa po kayong cash na binibigay, Sir. Paano po ako bibili.” Napakamot sa batok na sabi ko. Hindi ko alam kung sapat ang dala kong pera para ipambyad na lang sana. Sisingilin ko na lang sana siya pagbalik ko pero tingin ko mahal ang benta sa canteen at hindi kasya ang perang dala ko. “Akala ko ba na-briefing ka na ni Ms. Glenda?” he asked irritated. “She already did, Sir.” “Then why you're still here? Bakit kailangan ko pang magbigay ng bills sa iyo kung na-briefing ka na niya? Hindi ba niya nasabi sa iyo na lahat ng narito sa building na ito ay pag-aari ng pamilya ko?” Natutop ko ang bibig ko sabay kamot sa batok ko. “S-Sorry, Sir. Wala po akong natandaan na sinabi si Ms. Glenda na ganito sa akin,” katwiran ko na hindi rin sure. What if may sinabi pala si Ms. Glenda at hindi ko lang natandaan? Lagot kaming dalawa! “Impossible!” He hissed. Badtrip na naman siya. “Just tell the cashier that it's mine. Kumuha ka na rin ng sa ‘yo at bumalik ka kaagad! Ako ang mag-briefing sa iyo at kapag hindi mo natandaan ang mga sinasabi ko ay palalayasin na talaga kita rito!” “Huwag naman, Sir. I need this job,” paawa effect na sabi ko. “I don't care! Now! Get out and bring my food!” “Yes, Sir!” Nagmamadali akong tumakbo palabas ng opisina niya bago pa niya ako bugahan ng apoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD