Careela's POV
“Huh! Hah!” Hinihingal na bulalas ko habang hawak ko ang tapat ng puso ko. Parang pakiramdam ko ay hinabol ako ng sampung demonyo sa sobrang lakas ng t***k nito kahit hindi naman.
Kung bakit naman kasi ako nagtatakbo palabas ng opisina ni Erwhan! Pinakita ko lang sa baklang iyon na affected much ako sa pananakot niya na aalisin ako sa trabaho kapag hindi ko matandaan ang mga sasabihin niya mamaya.
Asar!
Dapat hindi ganoon ang inakto ko. Pero kasi, masisira ang diskarte namin ng mga magulang niya kapag hindi ako nagpaawa effect sa kaniya. Tsaka, iniisip ko rin ang lolo kong makukulong dahil sa malaking utang niya kapag pumalpak ako sa deal nila ni Tito Erwin. Kahit naman nagawa akong ipangpusta ng matanda ay hindi ibig sabihin no’n na titikisin ko na siya. Matanda na siya para makulong. Isa pa, kami na lang ang magkakampi sa mundo kaya dapat kaming magtulungan.
Pero nakakainis pa rin siya! Kami na nga lang ang magkakampi sa buhay, nagawa pa niya akong ipahamak!
Hay buhay parang life!
Minsan hindi maintindihan at parang gusto mo na lang talagang sumunod sa agos ng buhay. Gaya ng ginagawa ko. I just go with the flow for now but soon I will be free from this mess that my grandfather has made.
Sana naman magsilbing aral na ito sa kaniya at minsan isipin naman din niya ang kapakanan ko. Paano na siya ngayon kung wala ako sa bahay?
Sino na ang magluluto ng pagkain niya?
Sino ang maglilinis ng bahay?
Sino ang mag-aasikaso sa kaniya kapag nalasing siya?
Wala.
Nakakain pa kaya siya ng maayos?
Nakakatulog din ba ng mahimbing?
I hope kahit papaano ay oo. Ayos lang naman ako rito pero siya…I don't know…
Nakadama ako ng matinding lungkot at pag-aalala para sa kaniya. Kahit naman kasi abot-langit ang galit at inis ko sa kaniya. Hindi mapagkakailang concern pa rin ako kahit gigil na.
Pinunasan ko ang ilang butil ng luha na umagos sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit naiyak na lang akong bigla. Naisip ko na mahal na mahal ko pa rin ang lolo ko kahit napupuno na ako sa dami ng atraso niya sa akin.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at kinalma ang damdamin ko.
Balik na muna ako sa reyalidad bago ako madala sa mga emosyon na pilit na umuusbong sa aking dibdib.
Kailangan kong maging handa sa paghaharap namin ng boss ko mamaya. Ipapakita ko na deserve ko na manatili sa trabaho ko.
Totoo naman kasi ang sinabi ko. Wala naman akong matandaan na sinabi ni Ms. Glenda sa akin na ganoon. Malay ko ba na sila rin pala ang nag-o-operate ng canteen. Hindi ko na naisip na hindi pala nila ito pinarenta sa iba. Sabagay, they own the building. Bakit pa nila ito paparentahan sa iba where in they can operate it too? Common sense na lang iyon lalo na at mayaman naman sila at dagdag kita rin ito sa kumpanya nila lalo na at mukhang hindi lang dalawang daan ang nagtatrabaho sa matayog na building na ‘to.
Ang tanga ko lang kasi sa point na hindi ko naisip iyon! Hindi kasi ako nag-iisip minsan aaminin ko!
Isa pa, nataranta rin kasi ako kanina lalo na at may atraso pa ako sa kaniya.
Nagpahinga ako saglit para ikalma ang puso ko bago ako tutuloy sa pupuntahan ko. Sumandal ako rito sa pader ng hallway malayo sa kwartong pinanggalingan ko habang panay ang tulo ng pawis sa patilya ko.
Nakakatawa. Dito sa parteng ito talaga ako pinagpapawisan ng madalas. Ewan ko ba pero dito lang talaga lalo na kapag kabado ako at natataranta.
Weird.
I know.
Ako rin ay nagtataka dahil sa dami ng pwedeng pagpawisan ay dito pa talaga. Hindi man lang sa noo o kaya ay sa leeg.
“Na-badtrip ko ng sobra si Erwhan. Sana naman pagbalik ko mamaya sa opisina niya ay good mood na siya,” bulong ko sa aking sarili habang naglalakad na ako patungo sa aking dapat puntahan. Bibili na ako ng pagkain niya at saka rin ako babalik. Subalit bumwelta ako ng lakad patungo sa HR department nang maalala kong kailangan ko nga pa lang puntahan si Ms. Glenda bago pa man siya mapahamak. I need to warning her para alam niya ang kaniyang sasabihin at gagawin if ever man na ipatawag siya ni Erwhan para kumprontahin.
Lagot ako sa kaniya kapag pinagalitan siya ng boss namin. Alam niya kung paano ito magalit.
Grabe nga iyong t***k ng puso ko kaninang kaharap ko ang amo ko at alam kong alam ng matanda kung paano magalit ang boss namin. Naalala ko na parang angry bird kung manggalaiti si Erwhan. Kulang na lang ay nagpalit-anyo ito gaya sa mataba at mapulang ibon na iyon na laging salubong ang mga kilay galit man o hindi.
Akala ko rin ay tatarayan niya ako ng bongga at tatalakan nang tatalakan. Pero iba ang inaasahan ko na mangyari. He acted like an angry man na labis kong pinagtataka. May dalawang katauhan yata na nakatira sa loob ng amo kong lalaki. Ang isa ay masungit na binabae at isa naman ay antipatikong lalaki!
Ngunit hindi pa rin nawawala isipan ko ang itsura ng aking amo na kaakit-akit sa kakisigan at kagwapuhan. His perfectly chiselled jawline and defined cheekbones still lingered on my mind. Parang ito ang pinakagusto ko sa parte ng mukha niya dahil napakaperpekto nito na tila nililok ng isang iskultor para mas lalong maging kaakit-akit sa paningin ng tao.
Mukhang hindi si Erwhan ang maaakit sa akin. Mukhang ako ang mahuhulog sa kaniya. Wala siyang ginagawa kundi sungitan ako pero sobrang akit na akit na ako sa kaniya. Samantalang ako ay wala pang ginagawa para maakit ito. Init ng ulo ang binigay ko sa kaniya ngayong umaga dahil lang gusto kong makaganti sa mga pang-iinsulto niya sa akin.
Anyway, babawi ako sa mga susunod na araw. Pahuhupain ko muna ang inis niya sa akin at saka ako iisip ng paraan kung paano ko siya aakitin.
Mapuntahan na nga muna si Ms. Glenda at ng ma-warning-an siya.
Sa HR department na muna ako bago ako tutuloy sa canteen. Bahala si Erwhan na maghintay sa akin. Alam naman niya na bago lang ako rito sa building nila at hindi alam ang pasikot-sikot ng bawat floor kaya malamang magkandaligaw-ligaw ako. Hindi na lang kasi tumawag doon at magpa-deliver na lang ng pagkain niya. Pero dahil mautak ako, humingi ako ng sketch kay Ms. Glenda kanina para alam ko kung saan ako pupunta kapag inutusan ako ni Erwhan. Ako pa talaga kasi ang inutusan. Sabagay, siya ang boss!
Maghintay siya kahit siya ang boss. Gusto ko munang makausap si Ms. Glenda para ma-inform ko siya sa ginawa kong kalokohan na baka madamay siya.
Agad ko namang nakita ang ginang na abala sa kaniyang mga hawak na dokumento at mukhang inaayos niya ito isa-isa sa mga folder na nakalapag sa kaniyang table.
Napakasipag talaga.
Hindi pa ba siya nagpapahinga mula kanina?
Break time na. Siya lang kaya ang naiwan dito?
Alanganin pa sana akong lumapit sa kaniya dahil baka may ibang tao ngunit nang masilip kong wala dahil break time at malamang nasa canteen ang lahat o baka may kani-kaniyang restaurant na pinuntahan ay lumakas ang loob ko na lumapit.
Ayaw kong magkaroon ng kasamaan ng loob sa trabaho lalo na at mabait ang matanda sa akin. Wrong move iyong move ko kanina dahil hindi ko naisip na pwedeng mapahamak siya.
Matanda na si Ms. Glenda at hindi na dapat binibigyan ng stress sa buhay.
“Ms. Glenda…” tawag ko sa pangalan ng ginang. Agad na lumingon naman siya sa gawi ko at ngumiti ng maluwag.
Guilty naman agad ako lalo na at kabaitan at pinakita ng matanda sa akin.
“Yes, Caree? May kailangan ka ba?” Agad na usisa ng matanda nang makita niyang papalapit ako sa kaniya. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at humakbang din palapit sa akin.
“A-ahmn…ano po…” bulol na sabi ko na hindi makatingin sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang ginawa ko. Nahihiya ako.
“Spill it, hija. Paano kita matutulungan kung hindi ka magsasabi sa akin ng sadya mo?” ani niya sa maamong tono. Napansin siguro niya na balisa ako at alanganin na magsabi sa kaniya.
“Sorry po, Ms. Glenda…” sabi ko pagkalipas ng ilang minuto. Naglakas-loob na ako dahil sayang ang oras.
“Why?” Kumunot naman ang kaniyang noo at nagtataka.
“Ahmn…ano po kasi...” Sabi ko na nabubulol pa rin at hiyang-hiya na magsabi.
“What it is, hija? Come on. Huwag ka ng mahiya na magsabi sa akin. Susubukan kong unawain kung ano man iyang gusto mong sabihin. Bakit napagalitan ka ba ni Sir Erwhan at nadamay ako?” She asked while raising her right brow. Alanganin na napatango ako sabay kagat sa ibaba kong labi.
Natumbok niya!
“Parang ganoon na nga po…” hiyang-hiya na sabi ko.
I heard her sigh.
“Naku, hayaan mo na iyon. Sanay na ako sa mood ni Sir Erwhan. Sabi ko na sa iyo, ako lang ang nakatiis sa ugali niya simula pa noong first day niya rito as CEO. Sana ganoon ka rin sana, Caree. Sana magtagal ka kay Sir. Mabait si Sir Erwhan, tarantado lang madalas kapag bad mood. Pero sabi ko sa iyo sobrang bait niya to the point na magreregalo pa iyan kapag natuwa sa iyo.” Tawa ng matanda na tila hindi big deal dito ang aking sasabihin.
“Ganoon po ba?” Laking gulat na sabi ko. Sobrang bait? Nagreregalo?
Bakit sa akin hindi?
Pinag-iiisipan pa nga niya ako ng masama.
Ininsulto at pinagsalitaan ng masama.
“Oo naman. Kaya kung ano man iyang sasabihin mo sa akin. Wala iyan. Wala lang sa akin.”
Sure? Walaang talaga sa kaniya?
“Ahm…may ginawa po kasi akong kalokohan…Ms. Glenda. Ano po kasi, sabit po kayo kaya po ako humihingi ng tawad sa inyo.” Sa wakas ay nagawa ko ring sabihin sa matanda. Sabi niya ayos lang sa kaniya ang ginawa ko. Sanay na raw siya sa mood ng boss namin.
“Ano naman iyon?” Curious na tanong niya.
“Ganito po kasi iyon…” sabi ko na saglit na tumigil ako sa aking sinasabi bago ako bumuntong-hininga ng malalim at nagkwento sa matanda.
Sa buong pagkukwento ko ay nakikinig lang ang matanda ngunit nang nasa kalagitnaan na ako ay biglang bumunghalit ng tawa si Ms. Glenda. Sa parte kung saan ay uminom ng kape si Erwhan at nagmura pagkatapos niyang iluwa ang kape na nilagyan ko ng asin instead of asukal.
"Hindi ko akalain na magagawa mo iyon sa boss natin, Caree. Pero thumbs up ako sa ginawa mo. Ang lakas ng loob mong gawin iyon. Nakakatuwa. Ang cute mo," natatawang sabi ng matanda na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko.
Napakamot na lang ako sa tuktok ko. Akala ko magagalit sa akin ang matanda, hindi pala gaya ng sabi niya.
"Pero mali naman talaga ang mga bintang ni Sir Erwhan sa iyo. Alam kong mali na i-judge ka niya na kabit ng Papa niya. Lalo na at hindi lang ikaw ang pwede niyang pagbintangan na babae ng Papa niya. Sa totoo lang, ang daming nali-link na babae ngayon kay Captain Erwin dahil sa pagpasok nito sa pulitiko. Pero kung kilala niya ang kaniyang ama at may tiwala siya rito. Dapat isipin niya na maaaring hindi iyon totoo. Paninira lang iyon dahil alam naman ng halos lahat ng tao kung gaano kamahal ni Captain Erwin ang asawa niya. Kulang na lang ay isama niya ito sa lahat ng lakad niya makita lang ng mga tao na si Ms. Stella lang ang babaeng mahal nito."
"Iyon nga rin po ang nakikita ko sa mag-asawa. Kaya po nagtataka ako kung bakit pag-iisipan ni Erwhan ng ganoon ang kaniyang ama."
"Baka may nakita siya o baka may nakapagtsismis para masira ang samahan nila. Kaya ganoon ka na lang niya pag-isipan ng ganiyan. Kung ako sa iyo, patunayan mo na mali ang iniisip niya tungkol sa iyo."
"Iyan nga po ang patutunayan ko sa kaniya. Ipapamukha ko na mali siya."
"Tama iyan. Huwag kang paapekto sa attitude niya. Mabait iyang si Erwhan, magkakasundo kayo kapag nagtagal."
Napasimangot ako sa sinabi ng matanda.
Sure siya?
Sana nga para makalayas na ako sa deal namin ng kaniyang ama.
"Oh siya, tama na ang daldalan. Sige na, lumarga ka na kung saan ka man pupunta. Ilang minuto na lang tapos na ang break time," ani ng matanda nang mapatingin ito sa relo nito.
"Patay! Iyong order ni Sir!" Tarantang sabi ko na agad na nagpaalam sa matanda at tinungo ko agad ang elevator.