Careela's POV “Miss Careela!” Isang matinis na sigaw ang gumising sa nagpapantasya kong isip na kilalang-kilala ko kung kanino boses. Napamulagat tuloy ako ng wala sa oras at naputol ang isang mainit na eksena sa aking isipan. Pagkatapos ay litong gumala ang paningin ko sa loob ng aking kwarto at pupungas-pungas na hinanap ang pangahas na lalaki na akala ko ay kahalikan ko na at kaniig na sa ibabaw ng aking kama. “Shuta! Panaginip lang pala yata ang lahat?!” Bulalas ko na parang lutang pa sa halik ng bading na ‘yon. Ang sarap humalik ni Erwhan. Parang totoong-totoo. Nangangarap na pumikit ako at napahawak tuloy ako sa labi ko na hindi pa nahahalikan ng kung sino mang Poncio Pilato. Tapos napatingin ako sa katawan ko na nakasuot pa naman ng saplot at halatang hindi man lang nagusot.