Careela's POV “Is that the reason why you leave our town?” Maarteng tanong ni Chelsea sabay maarteng pinulot ng chopsticks niya ang karne na inihaw niya sa ibabaw ng barbeque plate. “Yes. Wala akong choice…” malungkot na sabi ko at uminom sa baso ng ice tea ko. Kinuwento ko sa kanila ni Deborah ang tunay na dahilan kung bakit hindi na ako bumalik ng HNU after naming mag-take ng final exams. Ayaw ko itong ilihim sa kanila sa totoo lang pero hindi ako magkaroon ng time na magsabi sa kanila. Hanggang kumustahan lang kami sa text at minsan ay tawag na inaabot lang minsan ng ilang minuto dahil kung hindi ako ang unang nagpapaalam, sila naman ang abala sa kanilang ginagawa. “Nakakaawa ka naman, Caree… If we only knew about your situation, kami ang unang tutulong sa iyo, alam mo 'yan," malu