Careela's POV “Steven? Who's that boy?” Gusto kong magtanong kung sino si Steven pero parang panghihimasok na iyon kapag ginawa ko. Baka adviser ito ni Tito Erwin na nagpapakalma sa kaniya kapag ganitong mainit ang ulo niya at sinusumpong ng stress. Gusto ko tuloy bawiin ang mga nasabi ko na. Uminit lalo ang ulo ng kapitan dahil sa pagsusumbong ko na pinag-iisipan akong kabit ng anak niya. Pero kasi, hindi ko na kaya. Iyong kaninang mga binitiwan niyang mga salita ay below the belt. Hindi niya ako kilala para pagsabihan ng ganoon. Hindi porke may mga lumalabas na mga ganoong balita tungkol sa kaniyang ama ay idadamay na niya pati ako na walang muwang. Kung iyakin lang ako kagaya ng iba, I’m sure hindi nila ma-t-take ang mga ganitong klase ng pang-iinsulto. Pero kasi palingkera rin ako