Careela's POV “Tapos na kaya sila?” bulong ko sa aking sarili habang nagtatago sa dilim. Hindi na kinaya ng puso ko ang mga nakikita at naririnig ko kanina kaya hindi na ako sumilip. Masakit para sa isang ama ang makarinig ng mga ganoong salita sa sariling anak. Kung ako man ang nasa kalagayan ni Tito Erwin, I will be hurt with his son's hurtful words. Parang pana kung tumarak sa puso ang mga salitang binitiwan ni Erwhan sa kaniyang ama. Masyadong masakit at makirot. Noong una ay iyong tungkol sa favotism ng kaniyang ama sa isang tao ang siyang pinagtatalunan nila. Hindi ko alam kung kaano-ano nila ang taong binanggit pero tingin ko malapit ito sa kanilang dalawa. Steven, ito iyong narinig ko na pangalan. Ito iyong medyo naging palaisipan din sa akin na hanggang ngayon ay iniisip ko p