Careela's POV Unang lumabas ng sasakyan si Erwhan. Hindi niya ako nilingon man lang at tila galit pa na binalibag ang pintuan. Napapikit na lang ako ng mariin habang hawak ko ang dibdib ko at pilit na pinakakalma ang kabang nadarama ko rito. Dapat ko ng ihanda ang sarili ko. Kung ano man ang naging pasya ni Tito Erwin ay susunod na lang ako. If my grandfather will go to jail then be it. Wala na akong magagawa para roon dahil sinubukan ko naman na isalba siya. Kung ito man ang dahilan para magtino siya, bahala na ang Diyos sa kaniya sa loob ng kulungan. Siguro naman makaka-survive naman siya roon. Hiwalay naman ang kulungan ng mga mas bata sa mga matatanda. Hindi naman na siguro pagtitripan ng ibang preso ang lolo ko sa loob ng kulungan dahil matanda na. Kung mayroon man, hindi naman pap