Careela's POV
“This is your room, Caree. If you want to change anything in this room, you can inform us,” Mrs. Salazar told me when we entered a huge room. Napa-wow ako at halos malaglag ang mga mata ko sa ganda ng kwarto na pinagdalhan sa akin ng asawa ni Captain Erwin. Napakalaki naman nito para maging kwarto ko. Parang pwede pa akong mag-bike rito paikot sa lawak nito.
At ano raw, i-inform ko raw silang mag-asawa kapag may gusto akong baguhin sa loob ng kwartong ito?
They are giving me the right to do that? Iyon ba ang ibig sabihin ni Tita Stella?
Hindi pa nga ako maka-get over sa gusto nilang itawag ko sa kanila, where in I will call them Tito and Tita. Tapos heto, ginulat na naman ako ng ginang sa sinabi niya na kung may gusto akong ipabago sa kwartong ito ay magsabi lang daw ako sa kanila. Parang part ako ng pamilyang ito kung ituring nila. Hindi ko tuloy mapigil ang mamangha at magtaka. Tiwala sila na magagawa ko ang misyon. Kaya naman kailangan kong magpursige, nakakahiya kung hindi ko magawa. Isa pa, I need to succeed. Nakasalalay sa misyon na 'to ang kabayaran ng Lolo ko sa pustahan nila ni Captain Erwin.
Umikot ako para pagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Wala akong nakikita na dapat pang baguhin dito. It's almost perfect, the designs, the colors and even the appliances and other things that are here are too perfect in my eyes. Malamang may architect sila na kinuha to design this room.
Gustong-gusto ko ang combination ng kulay ng kwartong ito. Dark pink to baby pink. I love the color of pink. It makes me girly. Lalo na ang pink na kama na nasa malapit sa baby pink na kulay ng bintana. Ang carnation pink na set ng couch na malapit sa tapat ng malaking telebisyon na napapalamutian ng pink na bulaklak na disenyo ng estante na kinaroroonan nito. Every thing that I see here is color pink. Parang sadyang ginawa ang kwartong ito para sa akin. Lahat ng gusto kong makita sa loob nito ay narito.
Ang tanong, seryoso ba ang mag-asawa na rito ako tutuloy? Kanino ba ito kwarto? Hindi ba kay Cindystella? Nakakahiya kung kaniya ito tapos ako ang gagamit. Pero tingin ko ay hindi kaniya, parang hindi siya mahilig sa pink. Hindi rin siya girly pumorma. Parang may pagka-boyish siya pansin ko lang. Short ang cut ng hair niya, panlalaki. Tapos ang kaniyang porma ay fitted na top tapos loose sa ibaba. Parang iyong pormahan ng mga millenial ngayon. Tapos black leather boots din ang suot niya sa sapin sa paa. Wala siyang make up, natural ang beauty na nakuha niya sa kaniyang ina. Sayang lang dahil ang boyish niya or baka magbago pa ang porma niya kapag nagdalaga na siya. She is just seventeen yata, hindi ko na tanda.
Hindi ba roon dapat ako sa maid's quarter kung saan ako dapat nababagay. Tauhan lang din nila ako rito bakit nag-e-effort pa ang mag-asawa na bigyan ako ng magarang kwarto. Hindi rin naman ako magtatagal dito. Matapos ko lang ang misyon ko ay aalis na ako rito.
“Tita, ang laki naman po ng kwartong ito. Baka po mas may maliit dito? Doon na lang po sana ako.” Naisipan kong i-request kay Tita Stella, baka nabibigla lang sila na patuluyin ako rito. Oh baka naman kasi nakita na nila ang pasampol kong performance sa harapan ni Erwhan kanina nang magkaroon kami ng engkwentro. Baka nakita nila na ako ang susi para lumantad ang tunay na kulay ng kanilang anak. Oh, baka nakakita sila ng pag-asa na may babaeng bibihag sa puso nito para hindi tuluyang bumigay na bading.
Mukhang hindi naman bading si Erwhan. Kahit saang anggulo ko siya tingnan, lalaking-lalaki siya. Well, except sa pagpilantik ng kaniyang mga daliri na napansin ko nga kanina.
Parang nakakakilabot na makita siyang pumipilantik ang mga daliri. Kaya naman hindi ko masisi si Captain Erwin na paghinalaan ang kaniyang anak na bading ito. Kahit ako, kakabahan. Imagine, dalawa lang ang anak mo. Tapos alanganin pa ang gender ng panganay.
Ang gwapo pa naman ni Erwhan. Kasing-gwapo ni Captain Erwin.
Sayang naman kung hindi ito makapaglahi. Daks pa naman ang tingin ko sa kaniya. Iyong nangwawasak ng kepyas at pati bahay-bata ay abot ng batuta. Tapos kapag sinubo mo, mabibilaukan ka agad dahil sa sobrang laki at taba.
Ay!
Gusto kong tampalin ang ulo ko. Bakit ba puro kalaswaan na lang ang tumatakbo sa isip ko? Narito ako sa misyon ko para mang-akit. Hindi para manghula ng size ng nota ni Erwhan.
“Why? Ayaw mo ba sa kwartong ito?”
Muntik na akong mapapitlag sa gulat nang biglang magsalita si Tita Stella. Sa kakaisip ko ng size ni Erwhan, nakalimutan ko na magkaharap pala kami ng Mommy niya.
“Ahm, hindi naman po sa ganoon, Tita. Pero tauhan lang din po kasi ako rito. Nakakahiya naman po kung bigyan ninyo ako ng special treatment tulad ng kwartong ito.” Sabi ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Mas mabuti ng maging prangka para wala akong maging problema.
“You're not an employee here, Caree. You have a special mission here to accomplish. Isipin mo na lang na bisita ka namin ng asawa ko rito at nagbabakasyon lang kaya dapat lang na rito ka sa kwartong ito ka manatili hanggang narito ka sa poder namin.”
“Pero, Tita. Magtatrabaho po ako sa anak niyo ni Tito Erwin. Baka po paghinalaan niya ako ng iba kapag dito ako nanatili at hindi sa maid’s quarter,” katwrian ko. Baka hindi pa ako nagsisimula ay ligwak na agad ako sa misyon ko.
Naisip ko agad iyong bintang niya sa akin kanina. Gold digger daw ako at puntirya ko ang Daddy niya. Ang hindi niya alam, siya ang pinunta ko rito. Magtatrabaho ako sa kaniya para akitin siya, para patunayan sa mga magulang niya na mali sila ng akala sa kaniya. Kapag hindi ko siya naakit, isisiwalat ko na lang tunay niyang pagkatao na dapat ay tanggapin na lang ng mag-asawa kahit masakit.
Hindi ko alam kung magsasabi ba ako sa mag-asawa o hindi ng paratang ng kanilang anak sa akin. Nakakainsulto, sabagay…baka higit pa rito ang matamo ko kapag nagtagal pa ako rito. Hindi naman totoo pero parang ang sakit paratangan ng ganito.
“Hindi, kami na ang bahala riyan ng asawa ko. Isa pa, nakalimutan mo na yata na napag-usapan natin kung bakit ka narito."
"Ay, oo nga po pala, Tita..Sorry, na-amnesia agad ako."
Sinabi ng mag-asawa na rito muna ako pansamantala na tutuloy habang naghahanap ako ng apartment na tutuluyan. Ang pakilala nila sa akin ay anak ako ng isa sa empleyado nila na sobrang malapit sa kanila na humingi ng pabor para ipasok sa trabaho ang anak niya.
Mukhang kinagat naman ni Erwhan dahil wala na itong naging usisa pagkatapos nilang sabihin na ako ang magiging sekretarya niya simula bukas.
"Magpahinga ka na, Caree. Mukhang pagod ka sa biyahe at lumilipad na ang isip mo sa kung saan. Don't worry, you will be safe here. Hindi ka rin namin pababayaan kaya relax ka lang," ani ni Tita Stella.
"Maraming salamat po at nagtitiwala po kayo sa akin ni Tito Erwin."
"Naku, oo naman! Kung ako lang, hayaan na lang niya si Erwhan kung bading man siya o hindi. Ako kasi tanggap ko, pero ang Daddy nila hindi. Sayang daw ang lahi."
"Sayang po talaga. Malamang habulin po siya ng babae kahit ganoon siya."
"Oo naman. May naging ex-girlfriend naman siya, marami. Pero ewan ko ba kung ano ang nangyari at naging tahimik siya bigla at pumipilantik na ang mga daliri." Nalolokang sabi ni Tita Stella na parang hindi niya kayang tanggapin na pumipilantik ang daliri ng kaniyang anak.
Nahulog naman ako sa malalim na pag-iisip dahil dito. Baka na in despair kaya si Erwhan kaya biglang nag-iba ang takbo ng isip na pati ang puso nito ay iba na ang gusto, imbes na babae, lalaki na ang gusto.
"Ganoon po ba?"
"Oh, baka dahil nalaman niya na pinagkasundo siya ni Erwin sa anak ng kaibigan niya."
"Ang babaw pong dahilan niyan, Tita. Pwede po siyang tumanggi kung ayaw niya..."
"Sabagay, tama ka riyan, Caree."
Dito natapos ang usapan namin ni Tita Stella. Nang makita niyang ayos na ako rito, iniwan na niya ako at nagtungo na sa kwarto nila ng kaniyang asawa.
Nahiga naman ako sa kama at dinama ang kalambutan nito. Parang kama ko lang sa kwarto ko, water bed din kasi iyon.
Naglinis muna ako ng katawan ko bago ako nagpasyang magpahinga na rin. Maaga pa ako bukas. Ang sabi ni Tita Stella, sumabay na raw ako sa pagpasok ni Erwhan sa kaniyang trabaho.
Na-curious ako nang makita kong may balkonahe pala itong kwarto ko. Sinilip ko kung ano ang itsura sa labas pero sana hindi na lang pala ako lumabas dahil nakita ko sa kabila si Erwhan na hubad-baro at tanging boxer lang ang suot. Tapos may kausap siyang lalaki sa cellphone dahil naka-loudspeaker ito. Gusto ko sanang pakinggang ang usapan nila ngunit nakita kong lumingon siya sa gawi ko kaya naman dali-dali akong bumalik ng kwarto ko.