Hidden agenda

2224 Words
Careela's POV "Good morning, La Union!" bulalas ko sabay unat ng mga braso ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa totoo lang dahil namamahay ako kapag nasa ibang bahay ako. Nang tumunog ang in-set kong alarm sa cellphone ko ng mga bandang alas-sais ay para akong lumulutang ang isip na agad na nagising at heto nga at naghahanda para sa mga ritwal ko sa umaga. Alas siyete y medya ang alis ni Erwhan patungo sa kaniyang opisina. Ayaw ko naman maiwan kaya heto at alas-sais pa lang ay naliligo na ako. Kahit malambot ang kama, mabango ang paligid, at malamig ang aircon ay hindi ito naging sapat para makatulong na maging komportable ang aking pagtulog. Hindi rin kasi ako sanay na matulog sa ibang bahay kaya siguro halos madaling-araw na nang makatulog ako. Isa pang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ay dahil sa magandang katawan ni Erwhan na hindi sinasadyang nasilip ko sa may balkonahe ng aking kwarto na hindi ko alam na katabi lang ng kaniya. Napagkit na yata sa aking memorya ang kaniyang eight pack abs, broad shoulders, and his muscled hairy chest na parang kaya kang ipaglaban sa kahit na anong laban. Choz! But honestly speaking, kahit saang anggulo ko talaga siya tingnan ay lalaking-lalaki talaga siya! Pero naisip ko na may mga ganitong uri naman talaga ng mga bakla na nagtatago sa katawan ng lalaki. Akala mo hindi binabae dahil sa laki ng katawan. Iyon pala, mas malakas pang tumili kaysa babae kapag nakakita ng gwapo. Nahuli ko rin siya na may kausap siyang lalaki. Baka isa iyon sa mga lover niya na sinusustentuhan niya para makipagrelasyon sa kaniya at paligayahin siya sa kaniyang kama. Baka nag-se-s*x video sila nang makita ko at naistorbo ko na sila! Kinilabutan ako sa aking naisip. I cannot imagine him being f****d from behind! Gosh! It's disgusting! I’m gonna p**e because of that thought! Ewwww! Agad ko itong inalis sa aking isip bago pa man ako masuka. Pero hindi ko lang alam kung bakit ako nakadama ng kilabot nang mapatingin ako sa ibabang parte ng kaniyang katawan kung saan ay natatakpan lang ng boxer brief ang kaniyang tinatagong kahabaan! Bakat ko na malaki iyon! Nagdududa tuloy ako na baka tama si Tita Stella, na nagpapanggap lang siya para hindi matuloy ang engagement nito sa babaeng ipinagkasundo sa kaniya ng kaniyang ama. Parang naging mistulang escape goat niya ito para hindi iyon matuloy. Pero gaya nga ng sabi ko kay Tita Stella, pwede siyang tumanggi. Hindi na niya kailangan magpanggap para lang hindi matuloy ang kasal nito sa babae. Hindi siya mapipilit kung ayaw niya. Tsaka, kung totoong nagpapanggap lang siya, hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niyang pagpapanggap? Sino ba ang lalabas na kahiya-hiya? Kinakabahan ako habang ako ay nagbibihis. Pakiramdam ko papalpak ako sa unang araw ng aking trabaho. Pero hindi dapat! Dapat palakasin ko ang loob ko dahil nakasalalay dito ang paglaya ko sa deal na pinasok ng Lolo. Grrrr! Hindi ko na naman mapigilan ang makadama ng inis everytime I think about that old gambler! Kung hindi dahil sa pagsusugal niya ay wala sana ako sa sitwasyong ito na parang nakakababa ng dignidad dahil mang-aakit ako ng lalaki. I will use my body to seduce my gay boss. Binigyan naman na ako ng instructions ni Tita Stella at Tito Erwin kagabi kaya alam ko na ang gagawin ko pagdating namin ni Erwhan mamaya sa office niya. Mag-aayos ako ng dokumento na kailangan niya sa table niya. Magtitimpla ng kape niya at babasahin sa kaniya ang mga schedule niya para sa araw na ito. I-b-briefing pa naman ako saglit ng dati niyang sekretarya sabi ni Tita Stella bago ako magsimula sa aking trabaho pero mas maigi raw na sinabihan na nila ako ng mga dapat kong gawin para ma-impress sa akin ang boss ko. Ayaw ng mag-asawa na pumalpak ako sa trabaho ko sa unang araw ko kaya kung todo habilin sila kagabi na paghusayan ko. Tsaka hindi rin naman kasi sa trabaho ang focus ko talaga dapat sabi ng mag-asawa. Ang misyon ko ay ang akitin ang anak nila. Gisingin ang pusong lalaki nito at wala akong gagawin kundi ang magpa-cute, akitin ito, at landiin ito. Pero siyempre hindi muna sa ngayon. Palilipasin ko muna raw ang isa o dalawang linggo para hindi mahalata ni Erwhan na may hidden agenda ako, dapat focus pa rin ako sa pagtatrabaho bilang sekretarya niya para hindi ito maghinala. Nag-ask din pala ako kay Tita Stella about sa pag-aaral ko na nakalimutan kong tanungin sa kaniyang asawa kung paano ko iyon isisingit. Isang buwan na lang kasi ay bakasyon na. Tapos naman na akong mag-take ng final exam pero may mga projects pa akong dapat ipasa. Sabi naman ng butihing ginang ay sila na lang daw ang bahala ng kaniyang asawa. Hindi ko alam kung ano'ng aksyon ang gagawin nila. Kung susuhulan ba nila ang mga propesor ko o ano? I heard, kapatid daw ng kaibigan ni Tito Erwin ang dean ng HNU—kung saan ako nag-aaral. Baka si Ma'am Helena na siguro ang pakikiusapan ni Tito Erwin para kumausap sa mga propesor ko na i-disregard na lang ako sa mga projects na kailangan kong ipasa. Ganoon siguro ang mangyayari. Ah! Basta!. Bahala na sila. Basta ang gusto ko lang ay pumasa ako. Mag-e-enrol agad ako once na natapos ang misyon ko rito. Isinuot ko ang pinaka-sexy kong corporate attire na dinala ko talaga para sa misyon ko. Ginamit ko ito nang magkaroon kami ng acquaintance party last June at ang tema ay ganitong attire nga. Plan ko na kumuha ng business administration pagtungtong ko ng college next year kaya naman iniisip ko na lang na parang training na rin ang ilang buwan na pagtatrabaho ko sa office ni Erwhan para sa paghahanda ko sa kursong ito. Marami kasi ang pwedeng maging trabaho ng business administration. Pwede sa accounting department, finance department, human resources, at business manager kaya if ever magkaroon agad ng promotion. Hanggang pangarap na lang muna siguro ako ngayon. Pero siyempre bago ko ito isipin at pangarapin. Baba na ako para mag-almusal bago pa man ako iwan ni Erwhan. Ayaw ko naman magpa-importante sa unang araw ng trabaho ko sa kaniya at baka masungitan niya ako ng bongga. Nauna ako sa hapag-kainan kaysa kay Erwhan kaya naman laking tuwa ko dahil may oras pa akong lumamon. Titikman ko ang lahat ng nakahain sa harapan ko at magpapakabusog ako. Bacon, sunny side up eggs, tapa, longganisa, corned beef, at kung ano-ano pang pagkain na hindi ko akalain na nakahain lahat sa hapag-kainan. Grabe pala kapag anak ka ng bilyonaryo, parang piyesta palagi ang laman ng lamesa. Naalala ko na ganito rin karami ang ulam na nakalapag. Pero iyon ay puro paborito yata ng pamilya dahil sobrang ganado sila sa pagkain. Ako lang ang tamilmil dahil nahihiya ako. Isa pa, hindi ko malunok ng maayos ang kinakain ko. Paano, laging napapadako ang tingin ni Erwhan sa akin na halatang binabantayan ang kilos ko. Akala yata niya ay kabit ako ng Papa niya na bigla na lang sumulpot dito sa kanilang bahay at nakitira. Ang hindi niya alam, siya ang aking puntira para makalaya ako sa bwisit na kasunduan ng lolo ko at papa niya. Patapos na akong kumain nang sumungaw siya rito sa komedor. As usual nang-aarok na naman ang mga mata niya kung tumingin sa akin. Nakadama ako ng takot ngunit isinantabi ko ito dahil walang mangyayari kung magpapadala ako sa paninidak niya. Dapat makipagsabayan ako sa lalaking ito. Paano na ang pangako ko kay Tito Erwin na in just months ay magagawa ko ang misyon ko. “Good morning, Sir.” Kinakabahan kong pagbati sa kaniya pero siyempre nagpa-cute pa rin ako para sa umpisa ng misyon ko ngayong araw. “Morning,” walang buhay na sabi niya at maarteng hinila ang upuan at sinenyasan agad ang katulong na pagsilbihan siya. Gusto kong matawa sa kinilos niya. Ang arte ng pilantik ng kaniyang mga daliri pero ang kaniyang boses ay buo at malalim. But in fairness ang fresh niya. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang three piece suit na kulay itim at halatang plantsado ng maayos. Kagalang-galang ang dating niya at sobrang gwapo niya at hot! Agad kong pasimple na sininghot ang mabangong amoy ng pabango niya nang maging abala ito sa sinasabi sa katulong. Agad kasi na kumalat ito sa paligid at hindi ko mapigil ang aking sarili na singhutin ito. Very masculine. Parang ang sarap magpayakap sa baklang 'to! Ganitong mga pabango ang nangingiliti sa aking ilong. “Napaka-obvious mo Miss. Pinagpapantasyahan mo ako kahit nasa harapan tayo ng pagkain? Bakit konti na lang ba ang nahuhuthot mo sa Papa ko kaya ako naman pupuntiryahin mo na huthutan ng pera dahil alam mong marami akong hawak na negosyo?" nakakalokong sabi nito dahilan para matigil ako sa aking ginagawa at napaupo ng tuwid. Ako? Wala na akong mahuthot sa kaniya ama? The nerve of this man! Ano ang tingin niya sa papa niya sugar daddy ko? Goshhhhh! I cannot imagined myself being a sugar baby! Ang sama naman niya mag-isip! Pinag-iisipan niya ng masama ang sarili niyang ama? "Ganiyan ka na ba kadesperada na makasungkit ng mayaman para lang maiahon ka sa kahirapan? Hindi ako naniniwala na tinutulungan lang kayo ng ama ko kaya ka niya ipinasok ng trabaho sa company namin. Marami namang pwedeng pasukan na trabaho. Bakit sa kumpanya namin? Tsaka isa pa, bakit ka rito pinatira? Marami namang boarding house diyan sa tabi-tabi? Bakit nakikisingit ka pa sa bahay namin? Tell me, tinatago ka bang kabit ng Papa ko? Gaano na kayo katagal? Ilang buwan o baka taon na at matagal na niyang niloloko ang Mama ko?" Hindi ako nakaimik sa mga bintang ni Erwhan sa akin. Shock na shock ako sa mga bintang niya na walang katotohanan. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganitong ideya para pag-isipan niya ng masama ng kaniyang ama. "Ang kapal ng mukha mo, ano?Talagang ni-request mo pa na rito ka niya dalhin? Para ano? Para maitsa-pwera si Mama at ikaw ang maging reyna?" dagdag pa nito na humiwa naman ng labis sa aking pagkatao. Ang sakit niya magsalita huh? Hindi ko malunok ang mga kinakain ko. Pero sorry na lang siya, hindi ako affected dahil hindi naman totoo ang bintang niya sa akin. Though I felt a little bit of shyness dahil limang katulong ang nakarinig sa pang-iinsulto sa akin ng lalaking 'to. Ano naman? Hindi naman nila ako kilala. Tsaka wala ba siyang tiwala sa Papa niya? May naging issue na ba ito noon para pag-isipan niya ito ng ganito? Paano niya nasabi na kabit ako ng Papa niya? I can see and feel that his father loves her mother so much. Kaya paano magkakaroon ng kabit ang lalaking sobrang in love sa asawa niya? May nakita bang kalokohan ni Tito Erwin si Erwhan para maging ganito ang tingin niya sa piloto? Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa totoo lang ngunit hindi na lang ako umimik at diretsong tiningnan siya sa kaniyang mga mata. Hindi naman totoo ang mga bintang niya kaya hindi na lang siguro ako magpapaapekto. "What? Nagagalit ka na niyan?" Maarte nitong tanong sabay irap. Hindi ako umimik. Nag-iwas lang ako ng tingin. Less talk, less hassle. Pero dahil palaban akong tao, hindi ko rin napigil ang aking bibig. "Nagkakamali ka sa iniisip mo. Hindi ako kabit ng Papa mo kaya huminahon ka," sabi ko na hindi ko alam kung saan ko kinuha ang tapang ko at hindi ako pumiyok. "Really, huh? Kung ganoon, ako ang puntirya mo dito huh?" tumawa ito ng nakakaloko. "Huwag kang feeling, Sir. For your information, hindi ako pumapatol sa bakla." Sabi ko sabay tingin sa kaniya at irap. "Huh?" Tangi niyang react sa sinabi ko ngunit agad din naman siyang nakabwelo. "G-good for you then. Hindi rin ako pumapatol sa tira-tira na lang. Tsaka I preferred men that women," mapang-insultong sabi nito at tila diring-diri na kunwari ay naduwal pa raw siya. Napahiya ako sinabi niya at nainsulto. Sabi ko na nga ba ito ang tingin niya sa akin. Ang sakit niya magsalita, huh? Hindi naman niya ako kilala para magsalita siya ng ganito. "Kaya kung ano man ang hidden agenda mo kung bakit ka pumayag na rito tumira, malalaman ko rin iyan at mapapalayas ka ng wala sa oras dito sinasabi ko na sa iyo!" Tumawa lang ako ng mahina para itago ang sakit na nadarama ko sa aking puso. Hindi kasali sa deal namin ito ni Tito Erwin ang insultuhin ako ng kaniyang anak. "Huwag kang papahuli sa akin, Careela. Kapag napatunayan kong kabit ka ng papa ko, sa kangkungan ka pupulutin." "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Sir. At mali ka sa iniisip mo sa akin. Don't judge the book by it's cover. Hindi mo ako kilala para pagsalitaan mo ako ng ganiyan." "Really? Kabisado ko na ang mga ganiyang galawan. Kunwari mabait pero na sa loob naman ang kulo! Tss!" "Kung oo man, can you just mind your own business? Magpaka-busy ka sa panlalaki mo at ako naman ay sa aking trabaho." Napamaang siya sa sinabi ko. Ako naman ay ngumisi sa kaniya at nagpunas ng tissue. Tapos na akong kumain, mabuti na lang at nauna ako. Nakakawalang-gana kung kasabay ko ang isang ito. I like men daw huh? Ewwwww!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD