Careela's POV
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko nang makita ko ang bahay na pag-aari ni Captain Erwin. Hindi lang ito basta malaking bahay, napakalaki nito at alam kong manor o mansion ang tawag sa ganito kalaki na bahay.
Napakaganda at napakalaki ng mansion. Moderno ang estilo nito na may halong Spanish touch. I’m not sure though, but I think may lahing Spanish si Captain Erwin. Base na rin sa kaniyang apelyido na maaaring nanggaling pa mismo sa Salazar Valley sa Navarra, Spain. Puro Salazar ang mga nakatira roon at baka malamang puro kamag-anak din niya ang mga taong nakatira roon.
He is famous in La Union because he is a great man and a f*****g billionaire. Idagdag pa na may sarili siyang paliparan, mga barko at mall. Sorry for the term that I used a while ago. Pero ganito kasi siya ilarawan ng mga tao sa personal man o sa social media account. Isama mo pa sa listahan ang mga kaibigan nito na puro bilyonaryo rin at mahilig magkawanggawa.
Maraming tinutulungan na tao si Captain Erwin sa nasasakupan niyang lugar— which is sa lugar namin. Scholars, senior citizen, homeless people, rape victims and abused victims na mayroong shelter na nag-aaruga para sa mga ito.
Ang daming umiidolo sa kaniya na mga kabataan sa totoo lang. Inspirasyon siya sa iba at kulang na lang ay sambahin naman siya ng iba na parang santo dahil sa kaniyang taglay na kabaitan. Ewan ko lang kung dahil sa pagkakawanggawa lang ito o pakitang tao lang dahil tatakbo siyang senador sa susunod na taon.
I don't know. Hindi ko rin alam ang sagot pero kahit alinman sa dalawa ay wala naman akong pakialam as long as marami siyang natutulungan at napapasaya na tao. Give and take lang, pero sana naman ay magpatuloy siya sa pagtulong sa mga mahihirap front man niya ito real. Sana huwag niyang kalimutan ang mga ito kapag nasa posisyon na siya.
Sa sobrang inis at gigil ko kay Lolo Carlito kanina, hindi ko siya namukhaan agad noong una dahil napakasimple ng kaniyang suot, may suot din siyang sumbrero at natatakpan pa nang bahagya ng kaniyang buhok ang kabuuan ng kaniyang mukha. Wala rin siyang gold jewelry na suot. Tanging dog tag lang ang palamuti sa kaniyang katawan na nakasabit sa kaniyang leeg at tila niluma na ng panahon dahil hindi na ito ganoon kakinang. Nangingitim na rin ang kulay nito na gawa ng matagal na siguro niya itong suot.
I heard he is an ex-AFP. Obvious naman dahil isa siyang piloto at may suot pang dog tag.
“Do you like my place, Caree?” Untag ng piloto sa akin na labis na gumulat sa akin kaya halos mapatalon ako sa gulat at mabuti na lang ay naka-seatbelt ako. Kung hindi, nauntog na ako kung saan.
“Y-yes, Sir. Ang yaman mo po pala. I mean, super yaman po ninyo. Nakakalula po ang bahay ninyo. Pwede po kayong magtagu-taguan ng mga apo mo po riyan sa sobrang lawak niyan,” hindi ko na napigilan ang aking sarili na magkomento ng ganito. Manghang-mangha talaga ako sa laki ng kaniyang bahay at sobrang marangya sa buhay.
“Sinuwerte lang ako sa buhay, hija. Nagsikap ako kahit mag-isa lang ako noon at walang naramay,” nakatawang saad ng lalaki ngunit kita ko naman sa kaniyang mga mata ang kalungkutan.
“Bakit ulila po ba kayo?” Hindi ko napigilan ang aking bibig na nagtanong.
“Yeah, ulila pero marami naman akong mga kaibigan na ang turing sa akin ay higit pa sa kamag-anak at tunay na kapatid.”
“Napakaswerte nga po ninyo kung ganoon.”
“Siguro dahil mabait ako at maluwag kapag nilapitan. Kaya siguro ako pinagpapala ng Diyos ng sobra.” Turan nito na walang halong pagmamayabang.
Nakadama naman ako ng inggit sa sinabi ng piloto. Bakit ako? Mabait naman ako, pero bakit puro na lang kamalasan ang natatamo ko simula ng ipanganak ako sa mundo. Ayaw kong isumbat ito sa Diyos dahil baka may nakatabi siyang plano sa akin pero sana naman last na ito, gusto ko naman maging masaya minsan. Hindi iyong puro na lang stress ang nadarama ko lalo na kapag umuuwi ako sa bahay at dadatnan si Lolo Carlito na lasing at wala pang sinaing!
Ang saklap! Minsan itutulog ko na lang sa sobrang inis ko sa kaniya. Pero kinabukasan, aasikasuhin ko rin ang almusal niya dahil naaawa ako sa matanda.
Ngayon, hindi na ako papadala sa mga emosyon ko. Bahala na sa buhay niya si Lolo Carlito kapag nakawala ako sa kasunduan nilang ito.
“Sana all na lang po sa inyo, Sir Erwin.”
“Naku! Huwag kang mainggit, malay mo isa pala sa mga anak ko ang makatuluyan mo balang-araw at guminhawa ka rin sa buhay,” saad ng matanda sabay tawa.
“Huwag po kayong magbiro ng ganiyan at baka magdilang-anghel po kayo, Sir.” Saad ko naman sabay tawa ko rin.
“Well, ayos lang sa akin,Caree. Lalo na kapag napatayo mo ang ano ng anak ko—I mean, nagawa mo siyang tunay na lalaki.” Tawa ng matanda sa sarili nitong kalokohan.
Sana nga mapatayo ko—I mean mapatino.
“Naku! Yakang-yaka po iyan!” Buong kumpiyansa kong sabi kahit na ba parang nag-alangan ako bigla sa sinabi ko. Hindi pa kami nagkikita ng anak niya. What if closet queen talaga ito at wala ng pag-asa na mapatuwid ang pagkatao nito?
Bahala na si Tarzan!
Basta ako, narito ako para makalaya sa kasunduan nila ng lolo ko!
“Let's go inside. Ipapakilala kita sa aking asawa at anak kong sina Erwhan James at Cindystella.”
“O-okay po,” nauutal na sabi ko.
Heto na iyon. Wala ng atrasan ito.
Shutanginess!
I feel danger!
Parang hindi talaga magiging madali ang misyon ko!
"This way, hija."
Sumunod ako sa paglalakad ng matanda. Nakasunod naman sa likuran namin ang kaniyang mga bodyguard na bitbit ang mga gamit ko.
Pumasok kami sa magarang pintuan at naglakad patungo sa napakalawak na living room. Doon, nakita ko ang kaniyang diyosa na asawa, magandang anak, at ang lalaking sirena na nagtatago sa gwapo at maskuladong mukha!
Oh my gosh!
I think daks si Koya!
Ang laki ng palad niya na humawak sa kamay ko ng ipakilala ako ng kapitan dito.
"N-nice meeting you, Sir." Pa-cute na sabi ko sabay kagat sa aking labi. Uumpisahan ko na ang move ko. Pero ang siste, hindi man lang ako tiningnan.. Binitiwan lang niya ang palad ko at nag-excuse sa amin.
"Hayaan mo siya, Caree. Ganiyan talaga ang anak ko, ikaw na lang ang mag-adjust sa kaniya at sana magawa mo ang misyon mo," nakatawang saad ni Ma'am Stellaris na malawak ang ngiti sa akin.
Nakaka-insecure naman ang ganda niya. Ang perpekto ng kaniyang kabuuan tapos ang ngiti niya ay parang nakakasilaw.
"Opo, ako na po ang bahala."
"Good girl. Good luck sa iyo."
"Salamat po, Ma'am."
"Naku! Huwag ng Ma'am, Tita Stella na lang ang itawag mo sa akin, 'di ba darling?" Baling nito sa asawang piloto na abala sa pakikipag-usap sa anak nilang babae.
"Yes, darling. Tito na lang din ang itawag sa akin ni Caree."
Napamulagat ako sa sinabi ni Sir Erwin. Seryoso sila?
"K-kayo po ang masusunod, Tito...Tita..."
"Nice! I like you already, Caree! Gustong-gusto ko talaga iyong masunurin na tao at hindi na maraming kiyeme at chechebureche sa katawan."
Napangiti ako sa sinabi ng ginang. Mukhang magkakasundo kaming dalawa. Napakabait din niya gaya ni Sir Erwin, sana ganoon din ang mga anak nila sa akin. Pero I think, except kay Erwhan na mukhang mainit ang dugo agad sa akin nang makita ako kanina.
Pailalim kasi siyang tumingin at halata ang disgusto sa kaniyang mukha nang magtama ang aming mga tingin.
Nakadama agad ako ng panganib at tila sinasabi na niya sa akin na hindi ako magtatagumpay sa binabalak ko kung ano man iyon.
"Halina kayo, kain na tayo ng hapunan bago pa lumamig ang pagkain," maya-maya ay aya ni Sir Erwin.
Agad naman nagsitayo sina Ma'am Stella at Cindystella.
Tumayo na rin ako nang makita kong sumulyap sila sa gawi ko.
Sinundan ko sila kung saan sila patungo at halos malaglag na naman ang mga mata ko nang makita ko ang marangyang dining room na bumungad sa mga mata ko.
"Wow!" Hindi ko napigilan na ibulalas. Natulala ako at muntik nang maestatwa sa aking kinatatayuan kung hindi lang sa nakakayamot na boses na nanggaling sa aking likuran na bigla na lang nagsalita.
"You're so obvious, young lady. Isa kang gold digger na nagtatago sa maamo at magandang mukha," wika ni Erwhan sa nakakayamot na tono.
Hindi naman ako agad nakapagsalita. Napasinghap lang ako at nakangiting humarap sa kaniya.
"Hindi ako katulad ng iniisip mo, Sir."
"Really, huh? The way you looked at my Dad, parang gusto mo siyang agawin sa aking ina." Paratang nito habang masama ang tingin niya sa akin.
Nakadama ako ng inis sa sinabi niya. Hindi naman ito totoo pero nakakainsulto ang sinasabi niya. Pero hindi ako nagpatinag, ngumiti ako ng matamis sa kaniya at mapang-akit na ngumiti.
"Bakit ako mag-aaksaya ng oras sa iyong ama kung pwede naman na ikaw ang aking puntiryahin?"
Nakita kong napalunok ang lalaki. Tapos biglang kumunot ang kaniyang noo at nagtagis ang mga bagang.
"Try harder then, young lady!"