Careela's POV
Mabagal akong pumipili ng mga damit ko sa loob ng closet ko at ilang mga importanteng bagay na dadalhin ko sa pag-alis ko mamaya. Tulad ng lotion, perfume, deodorant, at kung ano-ano pa na ginagamit ko sa katawan. Ilalagay ko lang ang mga ito sa isang malaking bag na tanging dadalhin ko sa pananatili ng ilang buwan sa bahay ng matanda. Pang-isang linggong damit lang ang kakasya rito kaya naman wala akong choice kundi pilitin na magkasya pa ang ilang outfit na sa tingin ko ay magagamit ko sa pang-aakit.
Nighties, thong panties, sexy stockings at kung ilang sexy costumes na nakatambak lang dito sa closet ko. Mga kasuotan na never ko pang nasuot simula nang matanggap ko ‘tong mga ito. Niregalo lang naman ‘to sa akin ng mga pasaway kong mga kaibigan na ewan ko kung ano ang trip sa buhay at niregaluhan ako ng mga pang-honeymoon stuff.
May silbi naman pala ang mga ito sa akin. Hindi ko alam na balang araw ay isusuot ko ang mga ganitong klase ng damit. Na magagamit ko pala ang mga ito sa problema na sinuong ng Lolo ko. Lolo ko na sobrang pasaway at kailangan ng turuan ng leksyon!
Matapos ko lang ang misyon ko ay titikisin ko siya. Bahala muna siya sa buhay niya para siya ay magtanda. Sumusobra na siya! Pati ako dinamay pa niya sa pagiging sugarol niya! Huwag niyang gawing dahilan ang kalungkutan at pangungulila sa Papa ko at Lola ko na namatay para gawing libangan ang pagsusugal. Ang tagal na nilang patay. Ako nga wala ng maalala.
Alam ko naman na hindi lang iyon ang dahilan para malulong siya sa sugal. Aminin na kasi niya na addict lang talaga siya.
Mabuti na lang at hindi ko pa tinapon ang mga ‘to. Nagtataka lang talaga ako sa mga lukaret kong kaibigan kung bakit nila naisipan na regaluhan ako ng mga ganito.
Hindi pa naman ako mag-aasawa. Ni wala pa nga akong boyfriend dahil walang magkamali. Chariz! Hindi pa kasi ako nagpapaligaw. Kaka-eighteen ko lang at tsaka hindi naman ako nagmamadali na maghanap ng makakarelasyon. I’m too young for love though aminin ko na ang dami kong crushes sa school. Lalo na mga propesor namin na ang babata at ang popogi.
Ihhhhh!
One more thing kaya hindi pa ako nagpapaligaw kahit marami ang gustong magtangka, ipinangako ko kay Lolo Carlito na magtatapos muna ako ng pag-aaral bago ang pag-aasawa. Babawi muna ako ng utang na loob sa kaniya dahil sa pag-aalaga niya sa akin.
Kaya lang, parang nawawalan ako ng ganang mag-aral dahil kay Lolo. Sa pinapakita niyang ‘to sa akin, parang mas gusto ko pa talagang mamuhay na lang mag-isa. May kita naman ang maliit na kumpanya ni Papa na sana ay hindi pa talaga palugi. Bahala na muna siya sa buhay niya. Itutuloy ko ang plano ko na pag-alis sa poder niya pagkatapos ko sa misyon ko sa bahay ng nakapustahan niya.
Isinara ko ang zipper ng bag at medyo dinaganan ito para hindi bumuka ang zipper. Uulit-ulitin ko na lang na suotin ang mga damit na siyang tangi kong madadala, tutal pwede naman akong maglaba ng mga damit ko every other day. Isang bag pack lang talaga ang dinala ko dahil ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako magtatagal sa poder ng taong pinagkakautangan ng lolo ko.
Magagawa ko ang gusto niya dahil alam kong maaakit ko ang anak niya na pinaghihinalaan nitong bading. Kahit wala akong experience sa pang-aakit, buo ang determinasyon ko na gagawin ko ang lahat matupad ko lang ang napagkasunduan nila ng lolo ko.
After that, aalis na ako sa poder ng Lolo Carlito ko at titira ng mag-isa sa condo na isa sa ipinamana sa akin ng mga namayapa kong magulang. Buo na ang desisyon ko kahit masakit ito sa akin. Tutal, may funds naman ako na magagamit at isa pa nasa tama naman na akong edad. Siguro naman pwede na akong mabuhay na hindi dedepende sa sugarol kong lolo!
Napuno na ako sa pagiging sugarol niya! Hindi ko alam na aabot ito sa ganito. Na pati akong apo niya ay hindi niya palalampasin.
Mabuti na lang at mukhang mabait naman ang matandang lalaki. Iyon lang pala ang kondisyon para makawala ako sa pustahan nilang dalawa ng lolo ko. Mabuti na lang at hindi sa ibang tao niya ako ipinusta. Dahil baka mamaya makahanap siya ng tao na masama ang budhi at gawin pa akong alila at taga-aliw sa kanilang kama.
Kinilabutan ako sa aking naisip. Malamang isusumpa ko si Lolo Carlito ng wala sa oras kapag ganoon ang nangyari.
Nagpasya na akong magbihis nang makita kong papadilim na sa labas. Maya-maya lang ay alam kong pupunta na rito ang susundo sa akin. Ito ang sinabi ng matanda at alam kong hindi niya ito makakalimutan. Mukhang tuso ang matanda at malamang hindi ito malalamangan ng kahit sino.
Nakapagtataka lang na hindi ako sinundan dito ni Lolo. Akala ko lang pala iyon dahil maya-maya lang ay narinig ko na siyang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
“Ano po ‘yon, Lo?” walang gana kong tanong sa kaniya pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pinto. Niluwagan ko ang bukas nito at agad siyang tinalikuran dahil masama pa rin ang loob ko sa ginawa niya.
“Narito ako para makausap ka, hija.”
“Wala na po siguro tayong dapat pang pag-usapan pa, Lo. Pinagkanulo niyo ang sarili mong apo dahil diyan sa pagsusugal mo!” Iyak ko na hindi ko na napigilan.
Gusto kong bumalik iyong dati kong Lolo na overprotective sa akin. Bakit ngayon ay siya pa ang naglagay sa akin sa kapahamakan?
“Patawad, apo. Hindi ko ‘to ginusto. Naipit lang ako.”
“Hindi niyo ginusto? Oh, c’mon, Lo! Ang dami na po ninyong ipinatalo sa sugal, pati ba ang mga iyon ay hindi niyo ginusto na gawin?”
Napayuko si Lolo sa sinabi ko. Halatang sising-sisi siya sa ginawa niya.
Ako naman ay mas lalong napaiyak. Siya na nga lang ang tangi kong kakampi rito sa mundo, nagawa pa niya akong ipahamak!
“Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, hija. Patawad, sana mapatawad mo ako.”
Hindi ako umimik sa sinabi ni Lolo. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.
Hanggang sa maramdaman ko na lang na lumabas siya at sumara ang pinto.
Mga ilang minuto lang ay may kumakatok na naman sa pinto ko. Sisigawan ko sana si Lolo sa pag-aakalang siya ito nang bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki na mukhang goons.
Napasiksik ako sa headboard ng aking kama at niyakap ang aking sarili. Hindi ito ang mga kasama ni Captain Erwin kanina! Baka mga natalo ni Lolo ito sa sugal at gusto rin akong maging kabayaran!
“S-sino kayo? A-anong kailangan ninyo?” Naiiyak na sabi ko habang hindi ko alam kung paano ako siksik sa kinaroroonan ko. Makokorner nila ako rito at alam kong wala na akong ibang matatakbuhan.
Nasaan na ba si Captain Erwin? Mas safe roon sa bahay niya!
“Natakot ka ba sa amin, Miss? Pasensiya na, pinagmamadali kasi kami. Pinapasundo ka na ni Captain. Tara na raw para makahabol kayo sa hapunan,” wika ng isa sa boses na parang kapre.
Napahawak ako sa puso ko at huminga ng malalim. “Bakit kasi bigla na lang kayong pumapasok sa kwarto nang may kwarto?”
Napakamot ang isa. “Kanina pa kami kumakatok, Miss.”
“Ah, eh ganoon ba? Sorry.”
Hindi na umimik ang dalawa. Binitbit ng isa ang bag niya at ang isa naman ay binitbit din siya na parang baboy na kakatayin!
“Hoy! Ano ba kuya?! Kaya kong maglakad! Put me down!” Histerikal na sabi ko. Hindi ako kumportable sa posisyon ko. Parang lahat ng dugo sa katawan ko ay napunta sa ulo ko.
Hindi naman ako pinansin ng may buhat sa akin at dire-diretso lang na lumabas ng kwarto ko.
"Ibaba mo na ako, Kuya!"
"Hoy! Ano ba!"
Sigaw ako nang sigaw hanggang sa makarating kami sa sala kung saan naroon ang lolo ko na mukhang nag-aalala ng sobra sa akin. Nagtama saglit ang aming mga mata ngunit una akong bumitiw at nagsisigaw muli. Hindi ako humingi ng tulong sa kaniya. Alam kong wala rin naman siyang magagawa.
Pagdating namin sa labas ay maingat akong binaba ng lalaki. Halos mahilo pa ako nang humawak ako sa pintuan ng kotse at saglit na pumikit para mawala ang hilo ko.
"Pasok ka na, Miss. Naiinip na si Kapitan," tinig ng isang bodyguard na may hawak sa bag ko.
Sinamaan ko lang ng tingin ang lalaki bago ako gumilid at hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan.
"Magandang gabi, Caree. Ready ka na ba para sa iyong misyon?" bati sa akin ng piloto nang makita ko siyang nakaupo sa kabilang banda ng kaniyang sasakyan.
"Opo, Sir. Basta safe po ako sa kamay ng anak mo."
"Yes, of course. Mabait naman ang anak ko. Wala naman problema sa kaniya. 'Yon lang, I am not confident with his gender. I guess his hiding something from me and his mother." Malungkot na saad mg matandang lalaki at mahinang bumuntong-hininga.
"Tinangka na po ba ninyong kausapin siya about sa hinala niyo po?"
"No need to ask, hija. Kitang-kita naman na kumekembot at pumipilantik ang mga daliri," nakangiwing saad ng matanda sabay mahinang napamura.
Hindi naman ako nakahuma lalo na nang maisip ko na may pagkakahawig sila ni Captain Erwin.
Sayang naman ang lahi nila kung mahahaluan ng berdeng dugo.
"Sige po, gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para mapatunayan sa inyo kung ano ang totoong dugo ng anak. ninyo."
"Good luck sa iyo, hija."
"Paano po kung tama kayo sa hinala niyo ng asawa mo, Sir?"
"Well, wala akong magagawa kundi tanggapin kung ano siya. Pero kung magagawa mo siyang akitin, it's more better. I will give you a reward, hija."
Mariin akong umiling sa sinabi ng matanda.
"No need na po, Sir. Magawa ko lang po ang misyon ko ay ayos na iyon."
"Alright."