Hindi nakatulog ng maayos si shane na naging sanhi ng eyebag niya at halos mangitim ito.Kitang kita sa mukha neto ang stress na hindi naman niya iniisip.Wala siyang ibang naiisip kundi ang magkausap sila ng lalaki kaya pati ang itsura ay hindi na nagawa pang mag ayos.
Kasalukuyan siyang sakay ng elevator ngayon patungo sa mismong office ni jake.Huminto ang elevator na lulan neto na nangangahulugang may sasakay kaya bago pa bumukas ang elevator ay yumuko na siya.Nag angat siya ng mukha ng magsalita ang babaeng kakapasok lang.
"Oh my god! what happened to you!?bakit ganyan ang itsura mo?" biglang sabi ni jacky.si jacky ang bagong sakay ng elevator.Sa pagkasabi niyang iyon ay napahawak siya sa magkabilaang tenga paano ba naman kasi napalakas ito sa pag sasalita na akala mo Hindi siya maririnig.
"Kulang lang ako sa tulog kung makareact ka naman diyan wagas." inirapan niya ito.
"Tumingin kana ba sa salamin?mukha kasing hindi.my god nakakatakot kaya awra mo ngayon." sabi neto na may papaypay paypay pang nalalaman na akala mo talagang gulat na gulat sa nakita.
"Syempre naman.pupunta ba ako dito ng hindi nagsasalamin baliw ka talaga."
"Oh really huh!?eh bakit parang may black eye ka tapos ung eyebag mo parang tinusok ng bubuyog sa Taba." turo turo pa ang mga mata ni shane habang nagsasalita.
Hindi na lamang siyang nagsalita bagkus ay umiling nalang ito,alam naman niyang dahil sa kakulangan niya ng tulog kaya nangingitim ang ibabang mata niya at mas lalong alam niyang malaki ang eyebag niya sa buong araw ba naman siyang umiiyak kahapon pero ayaw na nyang sabihin pa.
"Siyanga pala nandyan naba ang kuya mo?"
"Yes maaga nga siyang andito eh puntahan mo na para makapag usap kayo ng masinsinan." malungkot na turan ng kaibigan sakanya,ramdam neto ang sakit at lungkot na nararamdaman ni shane kahit pa Hindi niya alam ang totoong dahilan.
Tumango si shane bilang sagot at binigyan ng pilit na ngiti ang kaibigan tsaka ito niyakap.Masaya siyang nagkaroon siya ng kaibigan na gaya ni jacky kahit pa langit at lupa ang agwat ng estado ng buhay nila ay neh minsan hindi pinaramdam sakanya na hindi siya ibang tao kaya Mahal na Mahal niya ito.
Pagkabukas ng elevator ay lumabas na siya at nilingon ulit ang kaibigang si jacky saka sumenyas na pupunta na Kay Jake.Tumango lang ang kaibigan at nginitian niya ito bago tuluyang umalis.Dumeretso siya agad sa opisina ni jake at nang makalapit na ay halos bumigat ang mga hakbang ng kanyang mga paa.Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya nagdadalawang isip kong itutuloy ba niya o aalis nalang pero biglang pumasok sa isip niya ang sanggol sa sinapupunan niya kaya nagdesisyon na siyang itutuloy ito.Kumatok siya ng tatlong beses at ng marinig ang boses ng lalaki na sinasabing pumasok na ay dahan dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at dahan dahang pumasok.
Nagulat si Jake ng makapasok na si shane hindi dahil sa pagpasok niya kundi dahil sa awra niyang sobrang stress na akala mo sobrang pagod at walang pahinga.pati ang mga mata neto ay napansin din niya.
"Can we talk jake?"
"Yes sit down." walang gana niyang sagot
"Jake bakit wala kang binabanggit saakin na babalik kana pala sa London?" Halos maluha luha niyang tanong ngunit hindi siya sinagot ni Jake.Tumayo ito at tumalikod saka humarap sa napakalaking window glass.
Sobrang naninikip ang dibdib niya sa nararamdaman ngayon dahil pakiramdam niya ibang jake ang kasama niya ngayon.
"Jake."
"Look shane una palang alam nateng pareho na hindi ako magtatagal dito diba kaya bakit mo pa tinatanong ang bagay na iyan?" pagsusungit neto na nakatalikod parin sakanya.
"May Nagawa ba akong Mali kaya ganyan ang pakikitungo mo saakin ngayon?"
"WALA." tipid netong sagot na hindi man lang nag abalang tumingin sakanya na lalong nagpasakit sa nararamdaman niya.
"Minahal mo ba ako Jake?" Hikbi niyang tanong na ikinalingon ni jake.Hindi na niya napigilan ang sarili sa pagkakataong ito, kaya kitang kita ni jake na umiiyak na ito.bigla siyang nakaramdam ng awa at pagkainis sa sarili dahil nakikita niya itong nasasaktan ngayon dahil sakanya.Gusto niya itong hagkañ at aluhin pero pinigil niya ang sarili at umiling.
"Anung klaseng tanong yan shane?"
"I'm asking you a simple question jake,sa 4months nateng magkasama neh minsan ba hindi mo ako minahal kahit kaunti man lang?" Hindi sumagot si jake sa tanong niya at nakatitig lang sa luhaan niyang mukha na para bang wala lang sakanya ang pag iyak neto.
"I love you jake,alam kong walang aminan na nangyari saaten about sa feelings pero simula ng magkasama tayo minahal na kita.sobrang Mahal."
Nabigla si jake sa sinabi ni shane hindi niya alam kung anu ang dapat niyang maramdaman dahil sa pagkabigla.Saglit siyang natulala. May parte niyang masaya siya dahil sa nalaman na minamahal siya neto pero mabilis din niya itong iwinaksi sa isipan.
"Jake anu ba!" bulyaw ni shane sakanya dahil sa pananahimik neto
"I'm sorry Shane." na hindi man lang tumitingin sakanya.
"Anung sorry?what do you mean?"
"Thank you kasi minahal mo ako but I'm sorry kasi hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo." para siyang pinagsakloban ng buong mundo dahil sa tinuran ni jake kaya napahagulgol na siya sa pananakip ng dibdib niya.
"Paano yung mga nangyari saaten?wala lang saiyo ang mga iyon?"
"Please Shane stop it.Aalis na ako kaya kalimutan mo nalang ako marami pang iba dyan at tiyak kong mas may deserving para sayo at hindi ako iyon."
"Anung tawag mo sa tuwing magkasama tayo?yung halik,yakap at iba pa na binibigay mo wala lang saiyo ang mga iyon?" Matagal na hindi nakapagsalita si jake na tila ba hindi alam ang tamang sasabihin.Lumapit siya Kay Shane at nagsalita.
"Shane I'm sorry wala lang saakin ang mga iyon.......Paraosan lang kita shane,lalaki ako at hindi mo ako masi......."
*pak!* ....
Naputol ang pagsasalita ni jake ng sampalin siya ni shane.Hindi na niya kaya pang marinig ang sasabihin neto.Masakit na iyong bagay na hindi siya Mahal neto pero mas masakit iyong malaman na isa lamang pala siyang paraosan.Humakbang siyang palabas ng opisina at dere deretsong umalis palabas ng kompanya ng hindi nagpapaalam Kay jacky.Dahil sa sama ng loob at sakit na nararamdaman niya ay nilagpasan nalang niya si jacky at hindi na nagpaalam pa.
"Shane wait!!!" sigaw ni jacky pero hindi na niya ito nilingon.wala siyang ibang nais ngayon maliban sa makalayo sa Lugar kung nasan ang lalaking nagbigay ng dulot ng sakit sakanya.
Kitang kita ni jacky ang mga luhang dumadaloy sa mga pisngi ng kaibigan kaya agad siyang tumayo at pinuntahan ang kapatid.Kinausap niya ito pero tila siya ay hindi naririnig dahil nakatingin lang ito sa malayo na para bang maiiyak.Halos sumigaw na siya sa galit dahil sa nakitang kalagayan ng kaibigan pero heto ang kapatid niya at hindi siya pinapansin na akala mo ay isa lamang siyang hangin na dumadampi sakanya at lilipas din.