Galing si shane sa clinic upang magpatingin dahil neh minsan hindi pumalya ang buwanang dalaw niya pero sa pagkakataong ito nag iba na. Nanlulumo siya sa sulok ng apartment niya ng tignan niya ang hawak hawak niyang papel na ang laman ay ang ultrasound ng kanyang sinapupunan.Gusto niyang matuwa pero hindi niya magawa dahil sa kalituhan at kung anu ang dapat gawin.Iyak siya ng iyak habang hawak hawak ang maliit pang tiyan.Napag alaman niyang nagdadalang tao siya at itoy mag isang buwan na. Nalulungkot siya dahil hindi niya alam kung paano ito sasabihin Kay Jake neh minsan hindi nagtapat ng nararamdaman sakanya ang lalaki.Natatakot siyang magsabi kahit pa na alam niya sa sarili na Mahal na Mahal na niya ito.Hindi niya alam kung matutuwa ba ito o magagalit.Paano kung ayaw pala niya?sa sobrang pag iisip,naisipan nalang niyang tawagan si jacky at sabihing hindi muna siya makakapasok.
Sa tagal niyang nagtatrabaho sa mga ito ngayon lang siya nagpaalam na hindi makakapasok,ginawa niyang dahilan ang hindi magandang pakiramdam pero ang totoo ay dahil sa magulong pag iisip.
"Jacky pakisabi nalang sa kuya mo ha?"
"Ganun ba sige sasabihin ko pero paanu iyon?aalis na si kuya the other next day diba wala ba kayong usapan na magkikita muna bago siya umalis?" Bigla siyang kinabahan sa narinig at halos mabitawan ang cellphone na hawak.Nakaramdam siya ng lungkot na may halong takot dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Sa-saan siya pu-pupunta?" Halos hirap niyang tanong dahil pakiramdam niya may nakaharang sa lalamunan niya.
"Gaga babalik na siya ng London wag mong sabihing hindi niya sinabi sayo ang bagay na iyon o jinojoke mo lang ako?" Hindi siya nakasagot agad sa tinuran ng kaibigan dahil wala siyang alam sa pag Alis neto.ALAM niyang limang buwan higit na andito si Jake sa pinas pero hindi niya inakalang hindi ito magsasabi sakanya neh banggitin man lang ang pagbabalik ay wala.Napaluha siya sa sobrang lungkot at kirot na nararamdaman ngayon,feeling niya down na down na siya at gustong bumigay ng katawan dahil sa mga iniisip dagdag pa ang pag alis ni jake ng wala siyang kaalam alam.Pinigilan niyang humikbi para hindi marinig ng kaibigan,pero patuloy parin sa pagtulo ang mga luha niya kaya napahawak siya sa tiyan bigla niya naisip ang anak.
"Hey you still there?" tanong ni jacky na tila nakahalatang may pinoproblema ang kaibigan.
"Yes I'm okay.wala akong alam sa bagay na iyon jacky dahil walang binabanggit saakin si Jake." dere deretso niyang sabi sa kaibigan na may pahikbi hikbi ng maririnig kahit pa anung pigil niya ay hindi talaga niya magawa.Napabuntong hininga naman si jacky at tila Tama nga siya na may problema ang dalawa.
"Hey kung may problema kayo mas mabuting pag usapan niyo.Pumunta ka sa office bukas kapag okay kana okay?at klaruhin mo ang lahat."
Sa pagkakataong ito may tama ang kanyang kaibigan.Dapat talaga silang mag usap kung anu ba talaga ang estado nila at para masabi narin niya ang dinadalang sanggol sa sinapupunan na sila mismo ang may gawa.Naputol na ang kanilang usapan nang magpaalam na si Shane para makapagpahinga dahil sa sama ng kalooban niya at para narin sa pagpunta niya sa opisina ni jake kinabukasan.
Iyong pahinga na sinabi niya ay hindi nangyari dahil hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa pagkabalisa.Balisang balisa siya habang iniisip kung anu at paano niya ito uumpisahang sabihin bukas.Lakad Doon lakad dito ang ginawa niya kahit pa sumasakit na ang ulo kakaisip sa mangyayari.