Ilang araw na ang nakakalipas ng makapag usap kami ni jake.Nabalitaan ko ring after nameng mag usap ay tuluyan na nga itong umalis sobrang sakit para saakin ang lahat ng mga nangyari at nang dahil Doon ay parang nawalan ako ng gana sa lahat ilang araw narin akong hindi pumapasok sa trabaho.
Hindi ko magawang magparamdam kahit isang text Kay jacky ay diko magawa,minsan naaawa na ako sakanya dahil madalas itong tumawag at magtext pero kahit isang beses ay hindi ko ginawang sagutin ang mga iyon.WALA akong ibang gustong gawin kundi ang mapag isa at magmukmok.Sobrang down ako sa mga nangyari may time rin na sa sobrang pag iisip at pag iyak ko ay nakakaramdam ako ng matinding sakit sa puson.Gusto ko nang matapos ang paghihirap ko at magsimula ng panibagong buhay kasama ng magiging anak ko kaya naisipan kong magresign nalang at dinayal ang phone number ni jacky para sabihin ang bagay na napagdesisyunan ko.
"Sa wakas at nagparamdam kana! shane naman sobrang nag aalala na ako saiyo pinuntahan kita sa apartment na tinutuluyan mo pero sinabi nila Doon na lumipat kana daw.Pati ba saakin galit ka?namimiss na kita hindi ko alam kung saan kita pupuntahan neh ayaw mong sagutin ang mga tawag ko."
"I'm sorry jacky sorry talaga." sagot niyang umiiyak.heto nanaman siya at hindi napigilan ang sakit na nadarama.
"Ssssssh......Tama na iyan,saan ka at pupuntahan kita ngayon din."
Sinabi niya dito ang bago niyang address at nagmadaling pinutol ng kaibigan ang kanilang usapan para mapuntahan siya.
Nang makarating ito sa bagong inuupahan ni shane ay hindi na niya ginawang kumatok pa at dali daling pumasok sa loob,nadatnan niya ang kaibigan na umiiyak na nakaupo sa sahig habang umiiyak sa isang sulok.Nanlumo siya sa itsura ng kaibigan,nangayayat ito at halatang napabayaan ang sarili.NAawa siya para dito at halos maiyak narin siya sa sitwasyon ngayon ng kaibigan kaya Dali Dali siyang lumapit at yumakap sa kaibigan.
"Shane I'm sorry wala ako sa tabi mo,sorry talaga.look at you,you suffered a lot pinabayaan mo rin ang sarili mo." halos maiyak iyak na sambit ni jacky habang yakap ito at pinapatahan.
"Hindi ko na alam ang gagawin jacky,I want my normal life back but I can't." hikbi ni shane
"Anu ba ang nangyari at umalis ka nalang nung nagpunta ka sa opisina,neh hindi moko kinausap iyon din ang huling kita ko saiyo tapos umiiyak kapa noon,I ask kuya jake but he ignored me.umalis siya ng walang binabanggit na kahit ano."
Kinuwento niya ang lahat ng nangyari at naging usapan nila ni jake kahit pa hirap sa pagkwento ay ginawa parin niya.Halos mabaliw na siya kakaisip sa mga masasakit na salitang binitiwan ni jake sakanya na paulit ulit rumerehistro sa utak niya na para bang isa itong sirang plaka na paulit ulit na nagrereplay.Gusto na niyang mawala para matapos na ang nararamdaman niya dahil bibigay na talaga siya.
"Wag mong isipin yan! yan ang wag na wag mong gagawin! Hindi ko alam na ganyan ang ginawa ng sarili ko pa talagang kapatid.I thought you two are okay,pero Mali pala ako.Nadudurog ang puso ko ngayon dahil sa ginawa niya sayo,at lalo akong nasasaktan dahil nakikita kitang ganito ngayon.I'm so sorry Shane." paghikbi ng kaibigan at niyakap ulit siya ng sobrang higpit.
Iyak ng iyak si shane habang patuloy siyang pinapakalma ng kaibigan,akala niya kapag may nasabihan siya ng nararamdaman niya ay magiging okay kahit papano ang kalooban niya pero nagkamali siya dahil parang naging doble ngayon ang sakit.Napahawak siya sa kanyang tiyan dahil nakaramdam siya ng pananakit na halos ikasigaw niya naramadaman din niyang para siyang nahihilo.Akma siyang tatayo ng bigla siyang mawalan ng balanse at napakapit nalang sa kaibigan dahil sa pagdilim ng paningin niya.Nanlaki ang mga mata ni jacky at Halos mapasigaw ng may makita sa kaibigan.
"Oh my god!!!!Dinudugo ka! Bakit may du-dugo ka!!?" tarantang sigaw at tanong niya Kay Shane pero hindi na siya neto nasagot dahil tuluyan na itong nawalan ng Malay.
SHANE:
Nagising akong nakahilata sa loob ng isang silid na pawang puti lang na kulay ang makikita.Alam kong hospital ito,naaalala ko ang biglang pagkawala ko ng ulirat pero hanggang Doon nalang ang alam ko.
Nagmasid ako sa paligid at nakita ko ang kaibigan ko sa sulok na si jacky habang may kausap sa cellphone at rinig kong ang bago niyang assistant na si Rica ang kausap neto.Binibilinan niya ito na e 'reschedule ang mga meeting sa ibang araw.Hindi rin niya ako napansin na nakatingin sakanya,kaya ng matapos siya sa pakikipag usap sa cellphone ay napahawak ito sa sentido at minasahe masahe ito.
"Are you okay jacky?"
Gulat at dali Dali itong lumapit saaken. "Oh my god! mabuti at gising kana." niyakap siya neto at maiyak iyak na hinampas siya ng hindi kalakasan sa braso.
"Aray! grabe ka naman kung makahampas at isa pa anung drama iyan may paiyak iyak kapa,patay naba ako?makareact ka eh." pagbibiro ko sakanya pero binulyawan lang ako neto.
"BAKIT hindi mo sinabi saaking buntis ka!" imbes na sagutin ko ang tanong niya ay yumuko nalang ako at dahan dahang nagsidaluyan ang mga luha sa pisngi ko.
"Shane sana inisip mo ang baby nyo ni kuya at ang sarili mo.Anu man ang nangyari sainyo labas Doon ang bata,mas mahalaga ang buhay ng bata.kung hindi ka lang sana na stress ng sobra sana hindi ka nakunan." Bigla akong napaangat ng tingin at deretsong tinignan si jacky na umiiyak.Napahagulgol ako ng mapagtanto ko na sinabi niyang nakunan ako,Napahawak ako sa maliit kong tiyan dinadama ang anak ko kahit pa malinaw saakin ang sinabi niyang wala na ito.
"I'm sorry Shane."iyak niyang sabi saakin habang patuloy akong pinapatahan.Niyakap niya ako at hinagod hagod ang kamay sa aking likuran para patahanin.
"I will tell this to kuya,I can't believe na siya pa ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak niyo!" Galit na galit na si jacky at akmang tatawagan ang kapatid pero pinigilan ko ito.hinawakan ko ang mga kamay niya at nagmakaawa.
"Ayokong malaman niya na minsan siyang nagkaanak saakin please jacky I'm begging you."
"What the f**k shane!! you mean walang alam si kuya sa pagbubuntis mo?!"
"Balak kong sabihin sakanya nung araw na pumunta ako sakanya noon pero hindi ko na natuloy dahil sa masasakit na salitang natanggap ko galing sakanya."
"I really can't believe this,sana saakin mo nalang sinabi!" Galit netong turan
"I don't know what to do that time jacky,kahit anung pilit ko sa sarili ko na mamumuhay ako ng mapayapa kasama ng magiging anak ko ay hindi ko magawa, I'm so weak.it's my fault jacky.kasalanan ko kung bakit nawala ang anak ko."
Napatakip ako sa aking mukha gamit ang dalawa kong palad at umiyak ng umiyak,napapailing nalang si jacky na napayakap saaken.Pagkamuhi ang nararamdaman ko para Kay Jake dahil sa mga nangyari at lalong lalo na sa pagkawala ng anak ko dahil sa kapabayaan ko dulot ng sakit na pinaramdam niya saakin.Naintindihan naman ito ni jacky kaya laking pasasalamat ko dahil andito parin siya sa tabi ko.Paanu nalang kung wala ka baka tinapos Ko narin ang paghihirap ko. Bulong ng utak ko habang yakap yakap siya.