Umuwi agad si Jake pagkatapos ng kanyang meeting dahil tila ba nawawala siya sa sarili dahil halos oras oras nakikita niya ang magandang mukha ni Shane sa kanyang isipan.Nagmemeeting sila ni Mr. Santellices kanina pero ukopado ang isip niya kaya minabuti niyang magpaalam na agad dito nang makauwi ng maaga pero hindi niya nadatnan ang kapatid at si shane.Sinabi ng katulong nila ay mag mamall daw silang dalawa.
Naghintay ito ngunit ilang oras na ang nakakalipas ay wala parin ang dalawa.Inis na inis na siya sa paghihintay kaya kumuha siya ng isang bote ng alak at isang kopita para uminum.Halos sumabog siya sa pagkabalisa sa kagustuhang gusto na niyang pauwiin ang dalawa Kaya hindi na siya nakatiis pa at tinawagan ang kapatid.
"Where are you!? anung oras na pero nasa labas parin kayo!" hindi na siya nakatiis at napagtaasan agad niya ng boses ang kapatid paano ba naman kasi kanina pa sila lumabas pero mag gagabi na at wala pa sila.
"Kuya pauwi narin kami masyado ka namang maaalalahanin ngayon hahaha."
"I'm serious jacky kaya wag kang tumatawa tawa dyan!"
"Bakit ba high blood ka?may nangyari ba?kasasagot ko lang ng tawag mo pero bungad mo agad saakin sigaw ang sakit kaya sa tenga." pailing iling na turan ni jacky sa kapatid.
"Don't ask me many questions jacky wala ako sa mood kaya wag mong sabayan ang init ng ulo ko."
"Oh scary......Namimiss mo lang ako eh,ang tanong ako nga ba?hahaha."
"What the!!?you brat! wag mo ng paikliin pa ang pasensya ko at umuwi na kayo!" paninigaw neto sa kapatid.Halos sumabog siya sa inis sabayan pa ng ugaling mapang asar na kapatid.
"Namimiss mo lang si Shane eh ahahaha." narinig niyang napamura sa kabilang linya ang kuya kaya napangiwi siya sa isiping galit na galit na nga ito.
"Oo na uuwi na kami kaya don't worry makikita mo na ang prinsesa mo." tawang tawa pang sabi ni jacky pero napahinto din sa pagtawa sabay tingin sa screen ng phone dahil inoff na pala ito ni Jake dahil sa galit habang si shane naman ay nakikinig lang sa panay tawa at pang aasar sa kapatid.
Pag kauwi ng dalawa pagpasok palang sa bakuran ay biglang parang natahimik si jacky,napapaisip tuloy si shane na baka sobrang galit nga ang kapatid neto kaya ngaun nakakaramdam ng konting takot ang kaibigan.Napailing nalang si shane pano ba naman kasi lakas mang Alaska ayan tuloy.
Pagpasok nila nadatnan nilang nakaupo si Jake sa gilid ng pool na nakaupo habang umiinum ng alak.Nilapitan nila ito ngunit ng Makita silang papalapit ay biglang kunot noo netong tinignan ng masama si jacky.
"Anu namang klaseng tingin yan kuya we're here na oh." pang aasar na tanong ni jacky pero halatang may konting takot at kaba sakanya nung lalong ikinadilim ng mukha neto ang sinabi niya habang si shane naman ay tahimik lang sa likuran ni jacky at nag iiwas ng tingin dahil sa pagtitig ni Jake at sa kabang nararamdaman. Nararamdaman dahil sa nangyari sakanila o kabang dahil sa galit netong awra sa tuwing magtatama ang kanilang paningin?
"Hindi niyo ba talaga alam ang tamang oras ng uwi sa tuwing naglalakwatsa kayo?" sabay tayo neto at nilagpasan sila at dere deretso itong nagtungo sa kanyang silid.Napatingin nalang si jacky sa kaibigang si shane at napangiwi.
"Oh oh....mukhang galit nga hehe." sabi ni jacky habang napapakamot sa kilay at naisip na hindi nalang pala talaga sana niya ito inasar.
"Ikaw kasi eh inasar mo pa ng inasar,wag ka na ngang tumawa dyan galit na ang kuya mo tapos ganyan kapa."
"kinabahan ako Doon ah hahaha." pahabol pang sambit ni jacky.
"Ako din kaya halos di ako makatingin sakanya." kibit balikat nalang si jacky na may patawa tawa pa at napagdesisyunan nilang pumasok na at magpahinga.
11 na ng gabi pero hindi parin makatulog si shane dahil sa pag iisip sa nangyari sakanila ni Jake.Sa guestroom na siya natutulog dahil napaayos na ni jacky itong kwarto kanina habang nasa mall sila binilinan niya ang kasambahay na ayusin na ito.
Bumaba si shane upang pumunta sa kusina at para makainum ng tubig dahil sa pag iisip sa init na nangyari sakanila ni jake ay nakaramdam siya bigla ng matinding pagkauhaw.Pagkababa niya ay madilim na ang buong paligid tanging maliit na lampshade lang na nakadikit sa pader ang nagbibigay liwanag.
Umiinum siya ng malamig na tubig habang nakaharap sa lababo ng biglang may lumingkis na mga braso sa kanyang bewang na ikinagulat niya.Nilingon niya ito patalikod dahil kahit nagulat siya ay hindi parin umalis sa pagkakayakap neto sa likuran niya.Nanlaki ang mata niya ng makitang si Jake pala ang yumayakap sakanya ngayon.
"Bakit gising kapa?" bulong neto sakanya na nagbigay init sa kanyang katawan.
"Bigla kasi akong nauhaw,ikaw bakit gising kapa?galit ka parin ba?"
"Hindi naman ako galit."
"nakakatakot ka kaya kanina tapos hindi galit?"
"forget it." sabay halik sa batok ko at gilid ng leeg ko.
"BAKA may makakita saaten."
"Tulog na sila." at nagpatuloy sa paghalik sa batok at leeg ni Shane na nakapagpapikit sakanya.pinaharap siya neto at sinandal siya sa lababo saka niyakap at hinalikan ng punong puno ng pagkasabik. Nag iinit nanaman ang katawan nilang dalawa dahil sa marubdub nilang halikan.Ang akala ni Shane ay pagkakamali lang ang nangyari sakanila dahil sa alak pero ngayon nakumpirma niyang ginusguto pala talaga nila ito.Naghiwalay ang mga labi nilang pareho na hingal na hingal dahil sa madiin at tagal ng halikan nila.
"Lets go upstairs." bulong ni jake
"Baka Makita nila tayo ano nalang ang iisipin nila." Singit ni shane pero bago pa ulit makapagsalita ay hinalikan na siya ni jake ng mabilis at madiin saka binuhat papunta sa kwarto.Hindi nagreklamo si shane neh konting pagtutol ay wala dahil feeling niya sabik na sabik siya sa mga haplos,yakap at halik neto.
Simula ng may mangyari sakanila lagi ng ganito ang set up nilang dalawa kahit pa sa office basta maabutan sila ng init ng katawan.Si shane naman ay walang reklamo dahil ramdam niyang nahuhulog na ang loob niya dito.ALAM din ni jacky na nahuhulog na ang loob ng kuya sa kaibigan pero minabuti niyang wag nalang itong sabihin sa kaibigan at hayaan nalang silang dalawa. Dahil sa lagi itong nakangiti at maganda ang mood Unti unti itong bumabalik sa dati na gustong gusto niya kesa sa pagiging masungit neto at estrikto,nahuhuli din neto na madalas nakatingin sa kaibigan kaya napapa smile nalang siya sa laking pagbabago ng kuya.
Tatlong buwan na silang ganito na hindi alam kung anu ba ang estado nila sa isat isa dahil wala naman silang nagiging usapan tungkol sa kanilang mga feelings kahit pa alam ni shane na hulog na hulog na siya dito pero hindi niya masabi basta init ng katawan ay sumisige lang sila agad ng walang pag aalinlangan hanggang sa dumating ang araw na ikinatatakot ni shane.