SHAYNE:
HINDI NAGING madali ang paglipat ko ng Turkey. Wala akong kaibigan o kakilala dito. Kaya naman madalas ay nililibang ko na lamang ang sarili sa pamamasyal. Pero pagbalik ng hotel ay nilulukob na naman ng lungkot ang puso ko. Damang-dama ko na mag-isa ako. At nangungulila sa mahal ko.
Tumulo ang luha ko habang pinapanood sa laptop ang mga larawan at videos namin ni Niel noong nabubuhay pa ito. Ang mga pakulo niya para mapatawa ako. Corny jokes na hilig nito. Ang pagiging malambing at clingy nito lalo na sa tuwing nalulungkot o sinusumpong ako ng kasungitan.
Ni minsan ay hindi kami nag-away ni Niel sa loob ng halos dalawang taon naming in a relationship. Kahit madalas ay nagseselos akong inaaway ito sa mga katrabaho niyang kapwa niya abogado ay hindi nito sinasabayan ang init ng ulo ko. Lagi siyang naglalambing na hindi ako titigilan hanggang magkaayos kami. Hanggang mapatawa niya ako sa kakulitan nitong taglay.
Ngayon ko lang na-realize kung gaano sila magkaibang-magkaiba ni Nathaniel na kakambal nito. Mariin akong napapikit na hinayaang tumulo ang luha ko. Napayakap ako sa laptop kung saan naka-pause ang mukha nitong nakangiti sa video.
"N-Niel" nanginginig ang boses na sambit ko.
Hanggang sa ang tahimik kong pag-iyak ay napunta sa paghagulhol na yakap-yakap ang laptop kong iniisip na si Niel ito. Lalo akong napahagulhol na maramdamang tila lumamig lalo dito sa silid ko at naamoy ang kanyang gamit-gamit na pabango.
NAALIMPUNGATAN AKO sa pagtunog ng alarm clock ko sa bedside table. Naniningkit ang mga mata kong namumugto pa rin sa magdamag kong pag-iyak hanggang nakatulugan ko na ang pagod at antok ko. Mapait akong napangiting bumangon at nagtungo ng banyo para gawin ang morning routine ko. Nasa hotel room pa rin kasi ako. Hindi pa nakakahanap ng malilipatan kaya madalas ay sa labas na ako kumakain.
Matapos kong makaligo at bihis ay lumabas na ako ng room ko. Kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom. Mapait akong napangiti sa sarili. Iniisip kung hanggang kailan naman kaya ganto ang takbo ng buhay ko. Na parang walang direksyon at nagpapalipas na lang ng oras araw-araw. Napasapo ako sa noo na nakadama ng hilo pagkahinto ng elevator. Napakurap-kurap ako na dahan-dahang naglakad palabas ng hotel. Lalo akong nakadama ng pagkahilo na masikatan ng araw! Nanatili akong nakatayo. Mariing nakapikit na hinihintay umayos ang pakiramdam. Pero lalo lang akong nahihilo na tila umiikot ang lahat sa paligid ko!
"Hey, Shayne?" dinig kong pagtawag ng baritonong boses sa gilid kong napaalalay sa akin.
Napahawak ako sa kanyang braso. Naniningkit ang mga matang napaangat ako ng tingin dito. Umiikot pa rin ang paningin ko na nangangatog ang mga tuhod ko!
"What's wrong honey? You look pale" anito na nag-aalala ang tono.
"C-Collins" nanghihinang sambit ko na makilala ito bago tuluyang nagpatangay sa dilim at panlalambot ng katawan ko!
"Shayne! Oh fūck honey!" dinig kong bulalas nitong kinarga ako at ipinasok ng kotse.
TPP COLLINS:
NAPAPANGUSO AKONG palakad-lakad dito sa gilid ng kama ni Shayne ang anak ng ninang Irish kong matalik na kaibigan ni mommy Liezel. Nasa Turkey ako ngayon para sa car racing na sinalihan ko international pero hindi na ako tumuloy na tumawag si mommy mula sa Pilipinas at naglalambing na puntahan ko si Shayne sa hotel na tinutuluyan nito dito sa Istanbul Turkey kung saan ito nagbabakasyon.
Para ko na ring nakababatang kapatid ito na halos kaedaran ko lang. Napatitig ako dito. Hindi naman lingid sa kaalaman kong galing si Shayne sa car accident kung saan nabura ang ala-ala nito. Hindi ako sigurado kung nakakaalala na siya. Pero nakilala niya ako kahit kitang hilong-hilo siya kanina bago nawalan ng malay. Mabuti na lang pala at napadaan ako sa hotel na tinutuluyan nito.
Maya pa'y bumukas ang pinto at niluwal non ang dalawang doctor na may nakasunod na mga nurse sa kanila..Napaayos ako ng tayo na hinintay ang mga itong makalapit.
"Iyi aksamlar efendim" ( Good afternoon Sir! ) bati ng mga ito sa kanilang lenggwaheng turkish na may matamis na ngiting napapayuko sa akin.
"Ben de iyi günler. Hasta doktor nasil?" (Good afternoon too. How's the patient Doc?) tugon ko na ikinangiti ng mga itong binuksan ang dalang chart.
"Teblikrel efendim, esiniz dört haftalik hamile" ( Congratulations Sir your wife is four weeks pregnant ) masiglang saad nitong ikinaawang ng labi kong natutulala sa narinig!
"Ne?" (What?)
"Evet Sir, bayan Shayne dört haftalik hamile" ( Yes Sir, mis Shayne is four weeks pregnant ) anito na nakangiti. Napasapo ako sa noo na napabuga ng hangin.
"Bebek nasil?" (How's the baby?) aniko na napatitig kay Shayne na nahihimbing pa rin.
"Cenin iyi durumda efindim endiselenecek bir sey yok" (Well, the fetus is fine Sir, there's nothing to worry about) anito na ikinatango-tango kong nakipagkamayan sa mga ito.
"Tesek kūrler doktor" (Thank you doc) napatango lang naman ang mga itong nangingiting inasikasong kinunan ng mga vital signs at blood pressure si Shayne bago nagpaalam na lumabas ng silid.
NANGHIHINA akong napaupo sa gilid ng kama. Pagod ang mga matang napatitig kay Shayne. Naaawa ako sa kanya. Kita kasi ang lungkot sa maamo niyang mukha kahit nahihimbing ito. Bahagyang kunot din ang noo na namumutla pa rin. Napahaplos ako sa kanyang pisngi na napangiti.
"Congratulations honey. May baby ka na" nakangiting bati ko na napahalik sa noo nito.
Maya pa'y gumalaw ito na mahinang napaungol. Nanatili akong nakatitig dito na nakaupo sa gilid ng kama. Unti-unting gumalaw ang talukap ng kanyang mga mata na naniningkit pa.
"C-Collins?"
"Hi. How do you feel honey?" malambing tanong ko na hinaplos siya sa pisngi. Pilit itong ngumiti na marahang napailing.
"I'm hungry"
"Silly" mahina itong natawa na ikinailing kong inalalayan itong makaupo ng kama at isinandal sa headboard ang likod nito.
Nangingiti naman itong parang batang nagpapasubo sa akin tsk. Kung hindi lang ito buntis eh. Iiwanan ko na siya dito. Napurnada tuloy ang laro ko sa karera. Paniguradong malilintikan ako kay Devon Smith at Dwight Axelle Madrigal na mga kaibigan kong nandidito din para sana suportahan ako sa laro ko.
"You look handsome today in my eyes Collins" kindat nito matapos kumain na ikinataas ng kilay ko.
"Tsk. I was born handsome honey, period" aniko na may pagmamalaki sa tonong ikinahagikhik nito.
Napatitig ako dito. Mas nagkakulay na ang maganda niyang mukha. Tsk. Kung hindi ko lang ninang si tita Irish isa ito sa mga nabiktima ko eh. Pero tiyak akong hindi lang si mommy Liezel ang tututol at magpaparusa sa akin kundi maging si tita Irish.
"Ang yabang"
"Correction, nagsasabi ng totoo" apila kong ikinailing nitong napapataas ng kilay.
"Anyway. Take good care of yourself honey. Buntis ka pala. Nasaan ang ama niyan" pag-iiba ko ng topic.
Napalunok itong namutla. Kitang kinabahan ito sa sinaad ko. Napakunotnoo akong napatitig dito.
"Hindi mo ba alam na buntis ka?"
"No. May duda na ako una pa lang na nagdadalang-tao ako Collins" anito na namumula at hindi makatingin sa mga mata ko ng diretso.
Napahinga ako ng malalim na pinakatitigan ito. Magkahalong saya at lungkot ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Napahawak ako sa kamay nito na marahang pinisil-pisil na ikinatitig nito sa akin.
"Love problem?" mapait itong napangiting umiling. Nangingilid ang luha na napapalapat ng labi.
"Complicated Collins. Pero maiigi na rin na nandidito ako malayo sa kanya. Kaya ko naman sigurong magpatuloy na wala siya" matamlay nitong saad na tumulo ang luhang kaagad pinahid.
"Sino ang gāgong 'yon at tuturuan ko ng leksyon" mahina itong natawang napailing.
"Hwag na. Wala naman na akong pakialam sa kanya Collins. Pero dito" anito hinaplos ang impis pa nitong tyan. Ngumiti na napailing.
"Hindi niya malalaman ang tungkol sa anak namin. Ngayon may rason na ako para magpatuloy at maging matapang" napangiti akong nahaplos din ang impis pa nitong tyan.
"Yeah. Dapat lang Shayne..Para sa anak ko, maging matatag ka"
NANATILI NA muna ako sa Turkey ng ilang linggo. Sinamahan si Shayne dahil naging maselan ang kanyang pagdadalang-tao. Halos walang tanggapin ang sikmura nitong pagkain na laging isinusuka na lang. Mabilis din nangayayat ito na akala mo'y may karamdaman sa pagpayat nito. Hindi ko naman makayang iwanan na lang siya basta-basta sa sitwasyon niya lalo na't mag-isa lang siya dito. Para tuloy akong nagkaroon ng instant wife sa kanya. Nag-aalaga ng naglilihi na napakaselan.
Bumili din ako ng condo dito na pinaglipatan naming dalawa. Pinaalam naman namin sa pamilya namin sa bansa ang kalagayan nito. Kaya laking pasalamat ni tita Irish na inaalagaan ko ang bunso nito. May mga asawa na rin kasi ang mga anak nito at busy naman sila ni tito Alp na asawa nito sa kaliwa't-kanang negosyo nilang pamilya. Kaya naman wala talagang makakasama dito kay Shayne na mula sa pamilya niya.
Napahinga ako ng malalim. Nahihimbing na naman si Shayne..Halos 'yon na lang ang ginagawa nito sa buong maghapon at magdamag. Ang matulog. Sa tuwing kakain kasi ito ay kaagad din niyang isusuka. Kahit ang mga paborito nitong pagkain ay hindi tinatanggap ng sikmura nito. Kaya naman mabilis siyang nangayayat.
Napapitlag ako na maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Nangunotnoo ako na mabasang si mommy Liezel ang caller na kaagad kong sinagot.
"Mom"
"Hi sweetie. How are you son?" malambing bungad nitong ikinangiti kong napailing.
Naglakad ako palabas ng balcony para makausap ito ng maayos.
"I'm good Mom. Pero si Shayne, nangangayayat na. Hindi ko naman alam kung paano mag-alaga ng buntis" reklamo kong napasandal ng railings. Napahagikhik ito na ikinangiti ko na rin.
"Try to buy something sour son. Effective 'yon sa mga naglilihi lalo na sa katulad ni Shayne na maselan" anito na ikinatuwid ko ng tayo.
"Really? Do you think that can help her? Nag-aalala na din po ako sa kanya" dinig kong napahinga ito ng malalim.
"Try it son. Bilhan mo siya ng prutas. Maganda 'yon sa kanya" pagbibigay payo pa nitong ikinatango-tango ko.
"A'right Mom. Thank you"
"Ako dapat ang nagsasabi niyan Collins. Salamat anak. Sa pag-aalaga mo kay Shayne. Ikaw ng bahala sa kinakapatid mo huh?" napangiwi ako na napakamot sa ulo.
"Opo"
MATAPOS KONG makausap si mommy Liezel ay lumabas ako ng unit at nagtungo sa kalapit na grocery store. Napapanguso akong hinanap ang mga maasim na prutas. Baka sakaling makain nga ni Shayne ang mga iyon.
Napapailing na lamang akong namimili sa mga orange, pinya at hilaw na mangga para dito. Napahagip naman ng paningin ko ang dessert section na ikinatungo ko doon. Parang nahihipnotismong namulot ng mga naka-box ng donut, cupcakes at strawberry cake na iniuwi ko ng unit.
Pagdating ko sa unit ay sakto namang gising na ito. Palakad-lakad na tila hinihintay ako.
"Where have you've been? Gosh Collins! Akala ko umalis ka na!" asik nito.
Napataas ako ng kilay na iniangat sa mukha nito ang mga dala ko. Natigilan itong napatitig sa mga iyon na ikinangiti kong nagtungo ng kusina. Sumunod naman ito na sinisilip-silip ang mga dala ko.
"Gusto mo? Mabisa daw sa buntis ang mga ito" nakangising tudyo ko na iniumang sa mukha nito ang isang hilaw na mangga.
Napaawang ang labing nagningning ang kanyang mga mata. Sa nakikita kong reaction mula dito ay tama nga si mommy. Effective ang maaasim na pagkain para sa mga buntis.
"OMG Collins! May silbi ka pala!" tili nitong napayakap sa aking ikinahalakhak kong mahina itong pinitik sa noo.
"Silly" asik ko dito.
Natatakam ang itsura habang binabalatan ko ang mangga na unang linantakan nitong bakas ang tuwa sa mga mata. Hindi maalis-alis ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi na umaliwalas din ang maganda niyang mukha tss. Parang batang napagbigyan sa gusto nito. Napapailing na lamang ako na pinagmamasdan itong sarap na sarap sa kinakain na parang hindi naaasiman habang ako'y naglalaway at napapangiwing nakamata dito.
"Gusto mo?"
"Aaa" napanganga akong ikinairap nitong dinampot ang bowl ng manggang nilalantakan.
"Ayoko. Bumili ka ng sayo"
"What the fūck Shayne. Pera ko kaya ang pinambili ko sa mga 'yan"
"Opppss. Soweh Collins. Para sa buntis lang 'to. Hwag ka ng makiagaw" malambing saad nitong ikinailing ko. Dinampot nito ang pinya na inihagis sa akin. Napadaing pa ako na sumalo nito.
"Anhin ko 'to?"
"Ngasabin mo, honey" ngising asong saad nitong napatakbo ng sala!
"Shayne!"