SHAYNE:
LUMIPAS ANG ARAW, linggo, buwan na kasa-kasama ko si Collins dito sa Turkey. Mabuti na lang at may kunsensya ang mokong na todo alaga sa amin ni baby. Madalas tuloy ay napagkakamalhan nila kami ditong mag-asawa at ang mokong kong kaibigan ay tuwang-tuwa naman. Nakakatuwa lang na ang isang katulad niyang arogante at snobero ay napakamaasikaso niya sa amin ni baby. Hindi naman ako naiilang sa prehensya nito dahil kahit certified womanizer ang mokong ay hindi ako nakakadama na minamanyak niya ako. Parang nakababatang kapatid ang turing sa akin at laging nandyan para maalalayan ako. Dahil sa kanya ay hindi ako nahirapan sa paninimula ko dito sa Turkey lalo na't napakaselan ng paglilihi ko sa mga naunang buwan na halos mangayayat na ako sa sobrang kapayatan ko.
Anim na buwan na ang tyan ko at napag-alaman namin ni Collins na lalake ang baby ko. Mas excited pa nga ito na makita ng lumabas si baby. Feeling daddy ang mokong na Montereal. Limang buwan na rin na nandidito kami. Malayo sa lahat. Malayo kay Nathaniel. Naging tahimik ang buhay ko sa hindi nito panggugulo. Bagay na ipinagpapasalamat ko. Hindi na rin ako nakiki-balita sa kung anong nangyayari sa kanya sa Pilipinas. Iniiwasan kong maalala ito dahil nasasaktan lang ako sa mga pinagdaanan ko dito.
Napangiti ako habang hinahaplos ang tyan kong malaki na rin ang umbok na halos hindi ko na makita ang mga paa ko kapag nakatayo.
"Hi there little sweetie. Kumusta ka dyan sa tummy ni mommy? Excited ka na bang lumabas?" nangingiting pagkausap ko.
Para namang may isip na itong napapasipa sa loob na naririnig akong ikinahagikhik ko. Nakakakiliti kasi sa tuwing sumisipa itong tila naiintindihan ang mga sinasabi ko sa tuwing hinahaplos ko siya at kinakausap. Sabi naman ng ob doctor ko dito ay naririnig na ni baby at nare-recognize na ang boses kong ina nito kaya maganda rin para sa development ng bata ang kinakausap ko siya lagi. Iwas din sa lungkot, stressed at pagpupuyat dahil kung ano daw ang nadarama ko ay nararamdaman din iyon ni baby. Kaya kahit mahirap ay nililibang ko lagi ang sarili ko. Sa tulong na rin ni Collins na laging nandyan para patawanin ako at samahan sa lahat. Dahil sa kanya ay hindi ako nakakadama ng kalungkutan at pag-iisa dito sa Turkey. Palagi din kaming nag-uusap ng pamilya ko via videocall pero pansin ko ring iniiwasan nilang magbanggit ng tungkol kay Nathaniel. Marahil dahil nakikita naman nilang maayos-ayos na ako dito. Nagpapatuloy sa laban sa buhay. Alang-alang sa anak ko.
"Pag 'yan sinagot ka"
"Ayt! Collins!" halos mapatalon akong napatili na biglang nagsalita si Collins sa tapat ng punong-tainga ko!
Pinaningkitan ko itong tatawa-tawang napaatras na ini-angat ang dala-dala nitong box ng strawberry cake na nakahiligan ko! Napalapat ako ng labing pinipigilan mapangiti. Pero ang mga mata ko ay nagniningning na rin at natatakam sa pasalubong nito na alam na alam kung ano ang mga hinahanap namin ni baby kainin!
Napahalakhak ito nang hindi din ako nakatiis at lumapit sa gawi nito sa kusina habang binubuksan ang box ng cake.
"Thank you Collins"
"Hmm...ayoko ng thank you honey" napataas ako ng kilay ditong napapangising aso na naman. Ang sarap niya talagang kutusan kung hindi ko lang siya kailangan eh!
"Fine what do you want hmm?" taaskilay kong tanong na napapulot ng buong-buo pa na strawberry topings at sarap na sarap isinubo.
"Uhmm..." napaungol akong napapikit na ninanamnam ang kinagat kong strawberry.
"Collins!" napatili akong pinandilatan ito na tatawa-tawang isinubo ang strawberry na nakagatan ko at ang walang hiyang Montereal ay pati daliri ko nakisubo nito!
Nag-init ang mukha kong pinaningkitan itong ngingisi-ngisi lang at napapataasbaba ng kanyang itim na itim na kilay. Kung hindi lang talaga siya sobrang gwapo eh! Sipain ko ito palabas ng unit niya.
"Masarap nga" kindat nitong napapanutnot sa sinubong strawberry.
Napaismid ako ditong muling kumuha ng topings at sinawsaw sa icing nito sabay subo na nakamata dito. Namula itong napaiwas ng tingin. Lihim akong napangisi na pinamulaan siya ng pisngi sa pagkakatitig ko ng matiim. Kung ibang lalake lang siya ay noon pa niya ako nagalaw. Bagay na hinahangaan ko sa kanya. Minsan kasi ay nagiging horny ako dala ng pagbubuntis ko. Nag-iinit ako na naghahanap ang katawan ko ng sēx kaya naman natatagalan ako minsan sa shower room at napapalaro sa sarili sa tuwing nag-iinit ako maibsan lang ang init na nadarama ko sa tuwing nagiging horny ako.
NAPAYAKAP AKO sa sarili habang nakamasid sa paligid na nakatambay dito sa gawi ng balcony. Pasado alasotso na ng gabi pero hindi pa ako dalawin ng antok. Nasa sala naman si Collins na nanonood sa netflix. Mabuti na lang at nakapag-adjust na itong sa sofa natutulog. Mukhang sanay na nga ang mokong hindi katulad noong una na panay ang reklamo nito sa akin na masakit ang katawan. Pero hindi naman pumapayag na ako sa sofa at siya sa kama. Nakakailang din naman sa aming dalawa kung magtatabi kaming matulog sa iisang kama lang.
Napahinga ako ng malalim. Muling sumagi sa isip si Nathaniel. Ang mga nangyari sa pagitan namin magmula nang magkamalay ako noon sa hospital na tanging siya lang ang naaalala ko. Buong akala ko talaga ay siya ang Niel na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Kaya kahit nasasaktan at nahihirapan ako sa kanya ay nagtitiis ako. Inaakala ko pang baka may malaki akong kasalanang nagawa kaya naman ibang-iba ang pakikitungo niya sa akin na mas malamig pa siya sa yelo. 'Yon pala ay ibang tao ito.
"Hey, it's getting late honey. Makakasama sainyo ni baby ang magpuyat" anito na inabutan ako ng mainit-init pang gatas na tinimpla nito para sa calcium namin ni baby.
"Thanks acting daddy Collins" nakangising saad kong ikinailing nitong mahina akong pinitik sa noo.
Napangiwi ako na uminom sa gatas na dala nito. Hindi ko talaga gusto ang lasa pero para kay baby ay kinakaya ko. Kaya kahit natatabangan ako sa lasa ay pilit kong iniinom dahil para naman sa ikakabuti ng anak ko.
"Can I touch him?"
"Hmm?"
Napaawang ang labi ko nang lumuhod ito at hinaplos ang may kabilugan ko ng umbok. Nangingiti akong nakatunghay ditong marahang inilapat ang tainga sa tyan ko at pinapakiramdaman si baby sa loob.
"Hello there little buddy. Are you sleeping?" malambing saad nitong ikinagalaw ni baby.
"Oh fūck! He moved! Did you feel it? He heard me right?" namamanghang bulalas nitong mahinang ikinatawa ko.
"Syempre naman mararamdaman ko" natatawang saad ko ditong kakamot-kamot sa ulo na muling inilapat ang tainga sa tyan ko.
"Hey, I'm your tito Collins. The most handsome amongst all your tito's little buddy" pagkausap nitong ikinabatok ko dito.
"Siraulo!" asik kong ikinahalakhak nitong napatayong kakamot-kamot.
"What? I'm just being honest honey" ngising saad nitong ikinangiwi kong napaikot ng mga mata.
Napapailing na lamang akong pumasok ng unit at tumuloy ng silid kaysa makinig sa mga pahangin nitong laging bida ang sarili. Gwapong-gwapo masyado sa sarili ang mokong na Montereal tss.
MABILIS LUMIPAS ang buwan at ngayo'y buwan na ng pagsilang ko. Kabado ako. Lalo na't normal birth ang option na pinili ko. Nasa labas naman ng delivery room si Collins na hinihintay ang pamilya ko. Hindi ko na sila mahintay dahil panay na ang paninigas ng tyan kong humihilab sa paglabas ni baby!
Palakad-lakad ako dito sa delivery room habang hinihintay ang tamang paglabas ni baby. Napapa-squat pa ako para ma-stretch ako at hindi mahirapang mag-ire. Pinagpapawisan ng malapot na sobrang lakas ng kabog ng dibdib. Mariin akong napapikit na kinakalma ang puso at isip ko. Halo-halong emosyon ang nadarama ko sa pagsilang kay baby. Excited, natatakot, masaya na kabado ako. Panay ang buga ko ng hangin. Pero kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari sa araw na 'to!
"Aahhhh!" napadaing akong napasapo sa tyan ko na sunod-sunod na ang paghilab nito!
Nataranta namang lumapit ang mga nurses dito na inalalayan akong makahiga. Panay ang buga ko ng hangin. Para akong hindi makahinga ng maluwag sa samo't-saring emosyong nararamdaman! Hindi ko maiwasang mangilid ang luha! Pakiramdam ko'y hindi ko siya kayang ilabas na lalo kong ikinakakaba!
"Here we go, get ready ma'am. I'll count one to three and then you push" ani ng doctor sa paanan kong tanging tango lang ang naisagot ko.
"One, two, three...and push!"
"Uuurrggghhhh!" mahabang ire ko na halos mapigtasan na ako ng ugat sa leeg! Napanganga akong naghahabol hininga!
"One more ma'am, you can do it. Common one more, breath in breath out and push!" muling saad nito na ikinasunod kong napapahingang malalim bago muling napaire ng mahaba!
"Aaaahhhhhh!"
Nanigas ako na maramdamang tila may lumabas sa pwerta kong ikinaawang ng labi kong natulala!
"Congratulations ma'am, it's a healthy baby boy!" dinig kong masiglang bati ng doctor. Nagpalakpakan pa ang mga nurses kasabay ng pag-iyak ni baby na ikinahagulhol kong napatitig sa anak kong duguan pa!
"Anak"
"What's your baby's name ma'am?" magalang ng isang nurse na may hawak na patient chart.
"Nathan, Castañeda" nanghihinang saad kong nakamata lang sa anak ko.
Naghihingalo akong hinang-hina habang inaasikaso ng mga nurses na nilinisan ako at binihisan kasabay ni baby. Kahit inaantok na ako at pagod na pagod ay nilalabanan ko. Mas nangingibabaw sa puso ko na makayakap na ang anak ko.
Ilang minuto lang matapos kaming linisan at bihisang mag-ina ay itinabi na nila sa akin si baby para mapadede at makatabi ko muna bago nila ilipat sa nursery room. Tumulo ang luha kong sa wakas ay nandidito na siya. Ligtas kong naisilang at healthy siya. Marahan akong napahalik sa kanyang noo at hindi maipaliwanag ang sayang nadarama! Pakiramdam ko'y nananaginip ako ng gising sa mga sandaling ito na nakamata sa anak ko!
"Hi Nathan...kumusta ang anak ko" malambing bulong ko habang nakatagilid ako dito ng higa na pinapadede.
Napapangiwi ako na maramdaman ang kakaibang kirot sa kanyang pagsupsup sa nīpples kong tila nasusugat! Pero kahit sobrang kirot ay tinitiis ko dahil walang kapantay na saya ang nakikita kong nakakadede ito ng maayos sa akin.
Tumulo ang luha kong nangingiti na hinaplos siya ng marahan sa pisngi nitong malambot at makinis na namumula pa. Hindi ko maalis-alis ang paningin dito na kinakabisa na kaagad ang bawat hulma ng kanyang mukha. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na ligtas ko siyang naisilang. Na hindi ako nagkaproblema sa pagsilang dito lalo na ang health nito.
"I'm sorry anak, kung hindi buo ang pamilyang kagigisnan mo. Pero hwag kang mag-alala, bubusugin ka ni mommy ng pagmamahal, hindi lang si mommy kundi lahat ng nakapaligid sayo. Kahit wala ang daddy mo. Hinding-hindi ka namin pababayaan....mahal na mahal kita, Nathan" malambing saad kong mariing napahalik sa kanyang noo.
Maingat ko itong ikinulong sa bisig ko. Yakap-yakap ang anak kong inilipat kami ng mga nurses ng recovery room kung saan naghihintay ang buong pamilya ko. Pagpasok pa lang namin ay nagsitayuan na ang mga itong lumapit sa aming mag-ina. Bakas ang tuwa sa kanilang mukha na nagniningning ang mga matang nakatutok kay baby na yakap-yakap ko.
May ngiti sa labing napapikit na ako ng aking mga matang kanina pa inaantok. Kampante na ang loob na walang mangyayari sa anak ko dahil nandidito na ang buong pamilya ko para, alagaan at protektahan....ang Nathan ko.