SHAYNE:
PALAKAD-LAKAD AKO dito sa gawi ng swimming pool ng mansion. May hawak na glass wine at panakanakang sumisimsim. Pasado hatinggabi na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok kahit anong gawin ko.
"Sweetie?" nahinto ako sa nakakahilong palakad-lakad ko na marinig si daddy Alp na nagsalita.
"Dad" nakangiting tugon ko.
Ngumiti itong lumapit. May dalang kape na inilapag sa round table dito sa lounge chair na nakahilera dito sa gilid ng pool. Pilit akong ngumiti nang senyasan ako nitong lumapit.
"How's my youngest princess hmm?" malambing tanong nitong ikinayakap ko ditong umunan sa kanyang malapad na dibdib habang nakahiga kaming magkatabi sa iisang lounge chair.
"I don't know Dad. I feel empty" nguso kong pagmamaktol.
Napahinga ito ng malalim na marahan akong hinahagod-hagod sa likuran ko at panay din ang halik sa ulo ko.
"What's the right thing to do Dad?"
"Well, it's simple sweetie. If you feel unwanted, empty inside and tired? Why don't you take a rest sweetie. You deserve it. Set things free" makahulugang saad nitong ikinalapat ko ng labi.
"You think it's better to let him go Dad?" napapalabing tanong ko.
Napahinga ito ng malalim. Hinaplos ako sa ulo na ikinaangat ko ng mukha at napatitig sa malalamlam niyang mga mata. Bakas ang lungkot at awa sa mga iyon na matamang nakatitig sa mga mata ko. Bumaba sa pisngi ko ang palad nito na may mapait na ngiti sa mga labi.
"He doesn't deserve my Shayne. Let him go sweetie. Bata ka pa. Marami pang darating sayo na mas karapat-dapat kaysa sa kanya. Pero kung sakali at kayo pa rin in the future? Siguro naman on that time deserving na si Nathaniel sayo. But before that thing happen? Patunayan niya ang sarili niya sayo" maalumay pero malalim na pagpapayo nito.
Nangilid ang luha kong napalapat ng labing napatango kasabay ng pagtulo ng luha ko. Tama naman ang pamilya ko. Pilit ang lahat sa amin ni Nathaniel. Hindi siya ang mahal ko kundi ang kamukha nito. Nakikita ko si Niel na boyfriend ko sa katauhan niya. Habang siya ay pinakasalan ako para matupad ang minimithi nitong paghihiganti sa akin. Pero mali. Dahil habang tumatagal ay lalo lang kaming nagkakasakitan.
"Okay po"
"When everything's meant to be happen, it will happen sweetie. Right place, right time, right one" anito na may ngiti sa mga labi.
"Thank you Daddy"
"It's nothing sweetie. Anything for my little girl" napangiti akong yumakap ditong pinaghahalikan ako sa ulo habang hinahaplos ako sa ulo.
"Uhm, what's going on here? Bakit nagkaka-dramahan ang mag-ama ko" natatawang pagsulpot ni mommy.
"Mommy"
"Baby" panabay naming saad ni daddy na ikinahagikhik nitong nakisiksik dito sa kinahihigaan namin ni daddy na pinagitnaan ako.
Walang pagsidlan ang tuwang nadarama ko ngayon sa puso ko na yakap-yakap ako ng mga magulang ko. Katulad noong bata pa lang akong palaging nakapagitna sa kanilang dalawa at nakakulong sa mainit nilang yakap. Para akong hinahaplos sa puso. Panatag ang loob at isipan na napasiksik pa sa kanilang dalawa. May ngiti sa labing pumikit at nagpatangay sa antok. Kahit paano'y gumaan ang loob ko dahil sa pamilya kong laging nandidito para sa akin. Lalong-lalo na ang mga magulang naming napaka-understanding.
KINABUKASAN AY pinirmahan ko na ang annulment papers namin ni Nathaniel na dala-dala ni attorney Jefferson. Ang personal lawyer ng pamilya namin. Magaan ang loob na pinirmahan ko ang annulment kasabay ng pagtulo ng luhang, pinapakawalan ko na si Niel. At ang napangasawa kong kakambal nitong si Nathaniel. Kailangan kong magsimulang muli. Ibangon ang sarili. Habang kaya ko pa siyang pakawalan. Habang, may dignidad at pride pa akong natitira para sa sarili.
Matapos kong maipadala kay Nathaniel ang annulment namin ay napagdesisyunan kong umalis ng bansa. Iyon din ang suhestyon ng pamilya ko lalo na si mommy na pinag-book kaagad ako ng hotel na matutuluyan sa Turkey. Napapailing na lamang ako na doon pa talaga niya ako ipinadala.
Alam naman naming mga anak nila ang naging love story nila ni daddy kung saan umalis din ito noon ng bansa at iniwan si daddy sa pag-aakalang niloloko lang siya nito. Umalis siya ng bansa at nagtungo ng Turkey kung saan daw maraming nagkalat na gwapong hayop sa paligid. Madali lang daw akong makakalimot at makakapagsimula doon dahil bukod sa maganda ang lugar ay friendly din ang mga tao doon.
Magaan sa loob ko na nagpaalam sa pamilya ko. Gabi na ng makarating ako ng airport namin pa-flight ng Turkey. Hindi na rin ako nagpahatid sa pamilya ko. Alam ko namang busy din sila at pagod sa company. Malaki na ako at kayang i-handle ang sarili.
Napapabuga ako ng hangin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Hindi naman ito ang unang beses kong mag-travel abroad na mag-isa pero, dinaig ko pa ang baguhan sa sobrang kaba ko!
Akmang papasok na ako ng departure nang may makasabayan akong ikinabunggo namin sa isa't-isa!
"Ahhh!"
"Oh, I'm so sorry mis--"
"Khiranz!?"
"Shayne!"
Panabay naming bulalas na makilala ang isa't-isa! Napahalakhak kaming pabiro kong nahampas ito sa dibdib.
"Why are you here hmm?" pagtataray ko dito. Umakbay naman itong pinisil ang ilong kong ikinabusangot ko.
"Bakit? Bawal ba ako dito hmm?"
"Tsk. May iniiwasan ka na namang babae mo" natatawang ismid kong ikinahagikhik nitong napaghahalataang guilty.
Siya si kuya Khiranz Montereal. Matalik na magkakaibigan ang mga magulang namin. Quadruplets sila, si kuya Khiro, Khiranz, ate Catrione at Cathleen. Nasa sampung taon din ang age gap ko sa kanila pero ayokong tawagin silang kuya. Naiilang ako at ayaw din naman nilang tawagin namin sila nun. Mas gusto nilang sa pangalan sila tinatawag. Pakiramdam daw nila ay tumatanda sila lalo kahit 'yon naman ang totoo tss. Aarte. Lalong-lalo na ang Khiranz na 'to.
"Saan ka?"
"Turkey"
"Really?"
"Uhm..Why?"
"Sa Istanbul din ako eh" anito na ikinamilog ng mga mata ko!
"Talaga?! Sabay ba tayo ng flight!" bulalas kong ikinatawa nitong tinignan ang ticket.
Sa sobrang tuwa kong makakasabayan ko ito sa flight ay napatili akong napayakap ditong tatawa-tawang niyakap din ako. Pasimple pa akong sininghot sa leeg haist. Playboy talaga ng lalakeng 'to kahit kailan. Mabuti na lang at may naligaw pa ring nagpakasal dito sa pagiging babaero nito.
"S-Shayne"
Natigilan kaming unti-unting napabitaw sa isa't-isa na may baritonong boses ang tumawag sa akin mula sa likuran ko. Napapalunok akong nangatog ang mga tuhod. Dahan-dahan kaming napalingon ni Khiranz sa likuran namin at nabungaran si Nathaniel na tila pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura. Sabog-sabog ang buhok maging ang suot na polo ay wala na sa ayos. Namumugto ang mga mata na nakakaawa ang itsura.
Napakuyom ako ng kamao. Pinipigilan ang sariling manlambot dito.
"Hindi siya si Niel, Shayne. Hindi ka dapat maawa sa kanya" kastigo ng utak ko sa sarili.
Nanatiling walang emosyon ang mga mata kong nakatutok ditong dahan-dahang lumapit. Napapitlag ako ng hapitin ako ni Khiranz sa baywang na ikinatigil din ni Nathaniel at saka lang napasulyap kay Khiranz na katabi ko.
Napaawang ang labi nitong nagtatanong ang kanyang mga matang bumaling sa akin. Kimi akong ngumiti na niyakap si Khiranz sa baywang nito. At ang walang hiyang Montereal ay napahalik pa sa ulo ko. Hindi ko sigurado pero kita kong nasaktan ito sa nakita at napapalunok na pinangilidan ng luha.
"Nathaniel. Good to see you here. Napirmahan mo na ba?" masiglang saad kong pilit ngumiti dito.
Napailing itong tumulo ang luha. Nangungusap ang mga matang namumugto at namumula.
"S-Shayne, c-can we t-talk baby?" nauutal nitong tanong na patuloy ang pagtulo ng luha.
"Who is he sweetheart?" ani Khiranz na seryoso ang tono.
"Um, nothing. Let's go sweetheart. Baka maiwanan pa tayo" pag-iwas kong akmang tatalikod na kami nang hinabol ako nitong hinagip ang kamay ko.
Nanigas akong bumilis ang kabog ng dibdib ko sa pagkakalapat ng balat namin! Parang may kuryenteng dumaloy sa ugat ko na nagmumula sa kanyang mainit na kamay!
"M-mag-usap muna tayo. Nakikiusap ako Shayne" pagmamakaawa nitong pinihit ako paharap.
Napataas ako ng kilay na pinanatiling walang emosyon ang mga mata ko dito.
"Sabihin mo na. Anu ba kasi 'yon?" iritadong tanong ko lalo na't naga-anunsyo na sila sa mga pasaherong lilipad ng Turkey.
"Shayne please"
"Ano?" asik kong napapasulyap sa entrance kung saan nauna na si Khiranz at naghihintay doon para mabigyan kami ng privacy.
"S-stay. Please. Hwag kang umalis. Hwag mo akong iwan"
Napaawang ang labi kong natulala sa narinig dito. Nang mahimasmasan ako ay pagak akong natawang napailing dito.
"Seryoso ka Nathaniel? Why should I huh? Naghihintay ang boyfriend ko para sa bakasyon naming dalawa abroad. Pinirmahan ko na ang annulment natin. Name your price, kahit magkano mo gusto. Hwag mo na lang ulit, akong guguluhin. Hindi ba't pabor 'yon sayo?" sarkastikong pang-uuyam ko.
"B-boyfriend?"
Napataas ako ng kilay na sa dinami-rami ng nasabi ko ay ang pagtawag ko kay Khiranz na boyfriend ko ang natandaan nito.
"Yes boyfriend. Akala mo ba wala akong reserba?"
"Shayne, mag-asawa tayo"
"Dati 'yon. Higit sa lahat? Sa papel lang tayo mag-asawa Nathaniel" pambabara kong ikinatigil nito.
"S-Shayne"
Hindi ko na ito pinansin at sumakay ng iskalator.
"Shayne! Baby!" pagtawag nito na pilit winawalin ang mga guards na humarang sa kanya dahil wala siyang ticket at hindi allowed na pumasok ng departure.
"Shayne! Mag-usap muna tayo baby! Please! Nakikiusap ako, hwag kang umalis! Shayne!" sigaw nito na pilit kumakawala sa mga umaawat sa kanya para sundan ako.
"I'm sorry Nathaniel, pero....hindi ikaw si Niel. Hindi ikaw, ang mahal ko" piping usal ko.
Mapait akong napangiti na tumulo ang luha. Mahigpit tinututulan ang sariling hwag lumingon kahit panay na ang sigaw nitong tinatawag ako at nakakaagaw na ng attention sa paligid.
"Let's go?" ani Khiranz na naglahad ng kamay.
"Yeah. Thank you Khiranz!" napahagulhol akong nanghihina.
Kaagad naman ako nitong niyakap na inakay na papasok. Kahit maingay dito ay dinig na dinig ko pa rin ang boses ni Nathaniel na nagmamakaawang tinatawag ako.
"Stay strong sweetheart. Bata ka pa. Marami pa dyang iba"
"Tss as if hindi ka playboy"
Correction sweetheart, dati 'yon"
"Tsk"