NIEL:
HABANG NASA TRABAHO ay bigla akong nanabik sa asawa ko. Hindi ko maintindihan ang kabang nagpaparamdam sa akin sa mga sandaling ito. Napatayo akong napapahilot ng sentido. Napaangat ng paningin si Belle sa akin na nagsalubong ang kilay.
"Hey, what's wrong, honey?" tanong nito na lumabas ng table nitong lumipat sa table ko.
"Wala. Bigla ko lang na-mis ang asawa ko."
"Magseselos na ako niyan."
"Tss. Baka pag nakita mo 'yon eh....mahihiya ka na lang," natatawang tudyo kong ikinabusangot nito.
Napahalukipkip na naupo ng lamesa ko. Napahinga ako ng malalim. Para akong na-e-excite bigla na umuwi at makita ito. Kahit pa kasin lamig ng yelo ang pagsasama naming mag-asawa.
"Bakit hindi mo na lang siya hiwalayan, Nat?" maya-maya'y tanong nitong ikinalunok ko.
"Alam mo ba kung bakit ko siya pinakasalan, Belle? Kasi gusto ko siyang magdusa, maghirap. Kahit doon manlang makaganti ako sa kanya," naiiling saad kong ikinatitig nito.
Mapait akong napangiti. Napahingang malalim na napapahimas ng baba.
"Pero alam mo kung anong nakakatawa? Kinamumuhian ko siya, pero isang umaga nagising na lamang akong, natutuwa na ako sa kanya, na masaya ako sa kanya, na unti-unting minamahal ko na siya. Posible pala 'yon, noh? Na mahulog ka sa taong kinakamuhian mo ng sobra-sobra," naiiling pagkukwento ko dito.
Matamang lang naman itong nakikinig sa pagkukwento ko.
"Now I understand why my twin brother loves her that much. She's rare and one of a kind," aniko na napatingala.
Pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko na maalala ang kakambal ko..At kung bakit ko pinakasalan ang girlfriend nito.
"And now you're falling for her too," saad nitong ikinangiti kong wala sa sariling napatango-tango.
"Yeah. Aminin ko man o hindi, alam ko sa puso kong....mahal ko na ang asawa ko, Belle. Mahal na mahal," nakangiting sagot ko.
Nagpahid ako ng luha na napapasinghot ng sipon ko. Mapait naman itong napangiti na kitang nasaktan sa narinig na sagot ko.
"But the question is, does she loves you too, Nat? I mean, don't get me wrong pero, paano kung magbalik na ang memorya niya? Hwag mong kalimutang, hindi ikaw ang boyfriend niya, ang mahal niya." Pagpapaalala nito.
Napalis ang ngiti kong nanghihinang napaupo ng swivel chair ko. Matiim lang naman itong nakatitig sa aking napapahilamos ng palad sa mukha. Muli na namang sumagi sa isipan ko ang kutob ko ditong nakakaalala na ito. Sana lang ay mali ako.
Tinapik naman ako nito sa balikat na pilit ngumiti bago bumaba ng mesa ko at bumalik ng kanyang pwesto..Napayuko akong napapaisip.
Paano na nga kaya kung makaalala na si Shayne? Sana hwag na lang bumalik ang ala-ala niya. Para mas madali sa akin ang mga bagay-bagay na mapalapit sa kanya. At unti-unting mapalitan si Mak-mak sa puso niya.
Napapahilot ako ng sentido. Panay ang pagbuntong-hininga na nakatutok sa files na nasa harapan ko. Kahit anong focus ang gawin ko ay si Shayne ang nasa isipan ko. Parang may nag-uudyok sa aking umuwi na. Nasasabik akong bigla na hindi ko maintindihan. Nababagalan ako sa pag-usad ng oras. Halos minu-minuto ay napapasulyap ako sa wristwatch ko.
"Relax, honey. Para ka namang tatakbuhan ng asawa mo," natatawang tudyo ni Belle na mapansing hindi pa rin ako mapalagay.
"Tss, hindi mo ako naiintindihan dahil 'di ka pa naman nagmamahal."
Mahina itong natawa sa pagmamaktol ko na itinabi na ang mga nire-review kong files ng mga out patient.
PASADO ALASAIS ng hapon ay kaagad na akong nag-out ng hospital! Halos paliparin ko ang bigbike motor ko makarating lang kaagad ng apartment! Parang lulukso palabas ng dibdib ko ang puso ko pagdating sa floor ng inaakupa naming mag-asawa. Napapahid ako ng pawis sa noo na napahingang malalim bago tumuloy.
"Shayne?"
Napakunotnoo ako na kakaibang katahimikan ang bumabalot sa buong apartment namin pagpasok ko.
"Baby?" muling pagtawag ko ditong kinatok siya sa kanyang silid.
Napalunok akong binundol ng kakaibang kaba sa dibdib! Pikitmata kong pinihit ang doorknob ng pinto nito at bumungad ang malamig at madilim niyang silid na ikinalakas lalo ng kaba ko! Napa-switch ako ng ilaw at napaawang ng bibig na wala ito dito. Maging ang kama nito ay maayos pa na walang kakusot-kusot.
Nangatog ang mga tuhod kong napapalunok. Lumabas akong nagtungo ng silid ko. Umaasang nandidito siya pero,
bigo ako.
"N-nasaan siya?" nauutal kong tanong sa sarili.
Muli akong pumasok ng silid niya at hinagilap ang mga gamit nito! Nakahinga ako ng maluwag na makitang halos wala namang bawas ang mga damit at gamit niya dito. Kahit mga bag at maleta niya ay nandidito.
"You're being paranoid, Niel!" natatawang kastigo ko sa sariling nahiga ng sofa.
Napapanguso na hinihintay ang asawa ko kung saan man siya nagpunta. Nakakapanibago lang. Ito ang unang beses na lumabas siya ng bahay mag-isa.
"Saan ba siya nagpunta?" n
tanong ko sa sarili na panay ang sulyap sa pinto.
Ilang minuto pa akong naghintay sa pagdating nito. Pero inabot na ako ng kalahating oras ay wala pa ring Shayne ang dumarating! Nababagot akong bumangon at lumabas ng apartment.
PALAKAD-LAKAD ako dito sa hallway katapat ang apartment naming mag-asawa. Panay ang sulyap sa bungaran sa tuwing may bagong akyat na mga tenant. Napapasulyap ako ng wristwatch ko. Pasado alasotso na ng gabi. Dalawang oras ko na siyang hinihintay pero, wala pa rin ito! Hindi na rin maganda ang mga naglalaro sa isipan ko kaya hanggang ngayon wala pa rin ito.
Mariin akong napapikit na hinugot sa bulsa ang cellphone ko. Wala akong pamimilian, napapabuga ako ng hangin na ini-dial ang number ni Ate Mikay. Doon lang naman maaaring magpunta si Shayne.
Sana nga. Sana nga nandoon siya.
Napapakagat ako ng ibabang labi habang nakalapat ang cellphone sa tainga at hinihintay sagutin ni ate ang tawag ko. Palakad-lakad akong hindi na mapakali.
"Nat?" bungad nito sa kabilang linya.
Napahinga ako ng malalim na mariing napapikit at parang batang napakamot sa ulo.
"Ate! Buti naman sumagot ka rin!"
Inis kong asik na ilang beses kong ini-dial ang number nito bago sinagot ang tawag ko, tss.
"Um, bakit napatawag ka?" tanong naman nito na hindi pinansin ang pagsusungit ko.
"Huh? Anong bakit? Hwag mong sabihing wala dyan si Shayne?" kunotnoong tanong ko na pinanghinaan ng mga tuhod!
"Bakit mo hahanapin dito ang asawa mo? Hindi pa naman nagagawi 'yon dito eversince," anito na ikinanlumo kong napasandal ng pinto.
"A-ano? Pero wala si Shayne dito," pagsusumbong kong tumulo ang luha!
"Huh? Bakit? Saan ka ba nagpupupunta at 'di mo alam kung nasaan ang asawa mo!?" tarantang singhal nito.
Napasapo ako sa noo. Tumulo ang luha na hindi ko na mapigilan! Para akong matatakasan ng bait sa mga sandaling ito na hindi alam kung saan nagsususuot ang asawa ko!
"Alp? Tinawagan ka ba ni Shayne?"
Dinig kong pagkausap nito kay Kuya sa kabilang linya. Nanghihina akong napadaosdos pasalampak ng sahig.
"Nasa mansion. Tumawag si Iris," malamig nitong sagot na ikinayuko kong napapalapat ng labi.
"Lumuwas pala si Shayne. Baka dinaanan ni Iris kanina. Galing kasi si Iris dito kanina, Nat." Ani Ate na ikinababa ko ng linya.
Bagsak ang balikat na parang talunang basang sisiw ako na nakasalampak sa harapan ng pinto ng apartment namin. Tahimik na malalim ang iniisip habang patuloy sa pagtulo ang luha.
MAGDAMAG AKONG nagpakalasing sa apartment naming mag-asawa. Para akong pinipiga sa puso. Sa mga nangyayari ay posibleng,
nakakaalala na nga ito. Hindi lang sinasabi sa akin. At posibleng, iniwan na niya ako.
"Ang daya mo. Bakit kung kailan mahal na kita saka ka mang-iiwan?"
Parang hibang kong pagkausap sa larawan nitong naka-profile sa cellphone ko.
Hindi ko mapigilang mapahagulhol na pinapanood ang mga stolen shoots niyang larawan sa cellphone ko. Naninikip lalo ang dibdib ko. Kaya naman pala kakaiba ang nagpaparamdam sa akin kanina pa. Na bigla ko itong na-mis at parang may nag-uudyok sa aking umuwi na.
'Yon pala ay palaalis na siya.
NAALIMPUNGATAN ako na may sunod-sunod na kumatok sa pinto. Pupungas-pungas akong napabalikwas ng upo. Nakatulugan ko palang uminom at magmukmok dito sa sala buong magdamag. Hindi na tuloy ako nakapasok ng trabaho.
Napahilamos ako ng palad sa mukha na inayos ang mga nagkalat na bote ng beer dito sa sala bago nagtungo ng pinto.
"Urrgghhh!" impit kong daing.
Napasapo ako sa ulo ko na biglang sumidhi ang kirot sa pagtayo ko dala ng hangover at puyat! Parang pinipiga ang mga braincells ko sa sobrang kirot nito!
Sapo ang ulo na nagtungo ako ng pinto para pagbuksan ang kumakatok. Umaasang si Shayne ito. Nabuhayan ako bigla na maisip na si Shayne ito!
Matamis akong ngumiti na napahingang malalim bago binuksan ang pinto. Pero unti-unti ring napalis ang matamis kong ngiti na hindi si Shayne ang nabungaran ko.
"Yes?"
Napakunotnoo ako na mapagbuksan ang isang binatang halos kaedaran ko lang. Naka-formal attire ito na halatang may sinasabi sa buhay. May dala itong attache case na matamis akong nginitian at bahagya pang yumuko.
"Good afternoon, Sir Nathaniel." Magalang bati nitong bahagyang yumuko sa akin.
"Good afternoon too, Sir--?"
"Hello, Sir. I'm attorney Jefferson. Personal lawyer ng pamilya Castañeda," magalang at pormal na pagpapakilala nitong ikinanigas ko!
Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig na ikinagising ko ng tuluyan sa narinig na abogado ito ng pamilya nila Shayne!
Anong ginagawa ng isang abogado nila Shayne dito? Hindi kaya....
Napalunok akong binundol ng kakaibang kaba at takot sa dibdib sa sumagi sa isipan ko.
"Um, can I get in, Sir?"
"Oh, I'm sorry, Attorney. Please come in," aniko na niluwagan ang pinto.
Nangangatog ang mga tuhod kong napasunod ditong nagtungo ng sofa at binuksan ang attache case nitong may lamang folder. Napapalunok akong nahihinulaan na ang nilalaman ng dala nitong folder.
"Um, Sir. Pinadala ako ni señorita Shayne. Ang asawa niyo. Pakipirmahan mo po ito," anito na iniabot sa akin ang folder at ballpen nito.
Nangangatal ang kamay na inabot ko iyon na ikinalaglag ng tuluyan ng mga luha ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa na makumpirmang,
annulment papers ang dala nitong pinapa-signature na sa akin. Napahaplos ako sa pangalan nito.
"Shayne Castañeda..." mahinang bigkas ko.
Napapalapat ako ng bibig na makitang bawat pahina ng annulment agreement namin ay,
pirmado na niya.
"A-ayoko. Hindi ko pipirmahan 'to," aniko na ibinalik dito ang folder.
Kimi itong ngumiti na may inilabas na cheque at iniabot sa akin.
"P-para saan?" nauutal kong tanong na tinignan ang cheque.
Blangko pa ang price na nakasulat dito pero may pirma na ng complete name ni Shayne. Para akong pinipiga sa puso. Patuloy ang paglaglagan ng luha ko at natutulala sa mga nangyayari.
"Kabayaran daw po sa pagpirma niyo sa annulment niyo ni señorita. Kayo daw po maglagay ng presyo niyo, Sir." Maalumanay nitong sagot na ikinaawang ng bibig ko.
"A-ano?"
"Sir, ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Pirmahan niyo na po ang annulment niyo ni señorita para makabalik na rin ako ng syudad," maalumanay nitong saad na iniabot ang pen sa akin.
"H-hindi...ayoko. Dalhin mo 'yan pabalik. Hindi ko i-a-annul, ang asawa ko."