SHAYNE:
MAPAIT AKONG napangiti na pinagmamasdan ang asawa kong nahihimbing sa kama. Napahaplos ako sa kamay nito kung saan nakasuot ang aming wedding ring. Asawa ko na nga siya. Pero parang hindi. Hindi ko siya maramdaman. Damang-dama ko ang panlalamig nito. Na napakalayo ng loob nito sa akin. Kahit ang mga mata niya ay walang kakinang-kinang kung makatitig sa akin.
Napapahid ako ng luhang inayos ang kumot nito bago magaang humalik sa kanyang noo at bumalik ng sofa kung saan ako matutulog. Ramdam kong naiilang siyang magkatabi kami sa kama kaya ako na ang kusang nag-adjust para sa aming dalawa.
Napahinga ako ng malalim na nagpahid ng luhang umayos ng higa sa sofa. Ang bigat ng dibdib ko. Hindi ako sanay na malamig sa akin si Niel. Kaya sobrang nakakapanibago ang kinikilos niya sa harapan ko. Napasulyap ako sa gawi nito na may mapait na ngiti sa labi.
"Goodnight baby. Sleep well. I love you" pagkausap ko dito kahit alam kong hindi niya ako naririnig.
NAALIMPUNGATAN AKO na mataas na ang sikat ng araw! Pupungas-pungas akong bumangon na natigilang mapasulyap sa kama at wala na doon si Niel. Tanging ang magulo at gusot-gusot na kama ang naiwan doon. Napagala ako ng paningin sa kabuoan ng silid pero napakatahimik at walang bakas na may kasama ako dito.
Nagtungo na lamang ako ng banyo at ginawa ang morning routine ko bago. Kahit dito ay nagkalat ang mga damit ni Niel na pinagbihisan nito. Napahinga ako ng malalim na isa-isang pinulot ang mga damit, underwear at towel na ginamit nitong isinilid sa laundry basket na nandidito sa banyo.
Matapos kong makaligo at bihis ay lumabas ako ng balcony. Pasado alasdyes na ng umaga. Kaya naman pala panay na ang pagkalam ng sikmura ko. Mapait akong napangiti na napagala ng paningin sa paligid. Kahit napakaganda ng tanawin at malamig ang klima ngayon dito sa Japan ay hindi ko maramdaman ang saya at excitement na nasa bakasyon ka. Nananamlay ako at sobrang bigat ng katawan.
Napalingon ako sa loob ng silid na marinig ang pagbukas ng pinto. Parang lulukso palabas sa ribcage ko ang puso kong makita si Niel na bagong dating at may dalang pagkain. Nahihiya man ay pumasok ako ng silid at lumapit dito. Nakabusangot na naman ito na tila kay lalim ng iniisip.
"Hindi ka ba kakain?" pigil ko dito sa akmang pag-alis na naman. Napangiwi akong dahan-dahang napabitaw sa braso nito.
Malamig ang mga matang napatitig sa akin na ikinalunok ko. Binundol ng kakaibang kaba sa dibdib na hindi makatingin sa kanyang mga mata.
H-hindi kasi ako sanay Niel. Samahan mo akong kumain please" pakiusap kong ikinakamot nito sa batok na lumarawan ang inis sa gwapong mukha nito.
"Pwede ba Shayne? Matuto kang makuntento sa kung anong kaya kong ibigay sayo. Magpasalamat ka na lang na binilhan pa kita ng makakain mo" iritadong saad nito na napairap at muling lumabas ng silid namin.
Napalapat ako ng labing nangilid ang luhang napasunod na lamang ng tingin dito. Napahinga ako ng malalim sa tuluyang pagtulo ng luha kong kaagad kong pinahid at bumaling sa dala nitong pagkain. Napaawang ang labi ko na masuri ang mga itong parang leftover ang itsurang naghalo-halo at ang iba ay may mga bawas na..Mariin akong napapikit. Parang aso lang ang dinalhan niya ng pagkain. Pero dahil wala naman akong pamimilian ay pikitmata kong kinain ang dala nito kahit para na akong maduduwal at babaliktad ang sikmura ko sa paglunok.
Nakakarami na ako ng nakain nang mapansin kong may ibang amoy ang kinakain ko. Napasinghot akong sinuri ng amoy ito at kaagad napatakbo sa lababo na makumpirmang may nakahalong panis sa mga itong nakain ko na! Panay ang duwal kong pilit nilalabas ang mga nakain ko pero sadyang hindi ko na mailabas pa!
Naluha akong napahilamos at nanghihinang napasandal ng countertop ng lababo. Ano bang nangyayari sa kanya? Tama nga ang hinala ko. Leftover ang dala niya! Ano bang tingin niya sa akin? Aso na naghihintay pakainin ng amo?! Napakuyom ako ng kamaong pabalang isinilid sa basurahan ang dala nitong pagkain. Nagngingitngit ang loob ko pero wala naman akong magagawa sahil kanina pa ito lumabas ng silid at hindi alam kung saan na naman pupunta o anong oras babalik!
Nanghihina akong nahiga ng sofa. Lalo lang bumigat ang loob ko sa ginawa nito. Napadantay ako ng braso sa noo at hinayaang tumulo ang luha kong ikinapikit ko. Hindi ko namalayang nakaidlip akong muli sa ganong posisyon.
NANGUNOTNOO AKO na napabaling-baling ng ulo na maramdamang nag-aalburoto ang sikmura ko! Napabangon akong ikinaikot ng paligid ko sa biglaang pagtayo ko at nanghihinang napaupo ng sofa. Nanginginig ang katawan ko dala ng lamig. Nagkakasabayan din ang sakit sa ulo at sikmura ko. Nanghihina akong nagtungo ng banyo at inilabas ang sama ng tyan ko dala ng panis na nakain ko kanina. Mariin akong napapikit na tumulo ang luha sa sobrang sakit ng tyan at ulo ko. Nagka-diarrhea pa tuloy ako sa kagagawan niya! Sana hindi na lang siya nagdala ng pagkain dito! Napakasama niya. Sinadya niya 'yon. Ano bang problema niya!?
Padilim na sa labas at sobrang gutom na gutom na ako. Idagdag pang nilalagnat ako at nanghihina pero hindi pa rin ito dumarating. Buti sana kung nadala ko ang cellphone ko para matawagan ito. Pero wala.
"Niel..Nasaan ka na ba?" mahinang sambit ko na nakatitig sa may pinto kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ang tahimik kong pag-iyak ay napunta sa paghagulhol na napayakap na lamang sa sariling nanginginig at nanghihina!
NATHANIEL:
MATAPOS KONG dalhan ng makakain si Shayne ay muli din akong lumabas ng silid namin. Hindi ko kayang makasama siya sa iisang silid. Kahit maluwag doon ay nasisikipan ako sa lugar na nakikita ito.
Mag-isa akong naglibot-libot sa mga kalapit na pasyalan dito sa Japan. Kampante naman akong hindi siya makakalabas ng silid dahil bukod sa sinira ko ang dating cellphone nito ay kinumpiska ko lahat ng cards at bank account nito kaya wala siyang dala-dala at nakaasa lang sa akin lahat ng kakailanganin nito.
Napapangisi ako sa loob-loob na nilibang ang sarili sa pamamasyal at nakaligtaan na si Shayne na naghihintay sa hotel. Magdidilim na nang dumaan ako sa isang resto na nadaanan ko at dito nagpalipas ng oras. Marami-rami naman ang nabili kong pagkain para dito kaninang umaga kaya tiyak akong nakakakain ito. Pero kung mag-iinarte siya at hihintayin ako? Hindi ko na iyon kunsensya pa. Na magpagutom siya dala ng kaartehan niya.
HINDI KO NAMALAYAN ang oras at maghahating-gabi na ng bumalik ako sa hotel. Pagewang-gewang na rin ang lakad ko dala na naparami ako ng nainom!
Napakunotnoo ako na madatnan si Shayne sa sofa na nahihimbing at nakabaluktot.
"Tsk. Bahala kang mangawit dyan" ismid kong nagtungo ng banyo at nag-quick-shower para mapreskohan ang katawan bago matulog.
Nakatapis lang ako ng towel sa baywang at nagpupunas ng buhok kong lumabas ng banyo. Pero natigilan na pagkatapat ko kay Shayne ay hinawakan ako nito sa kamay! Napalunok akong bumilis ang t***k ng puso ko sa pagkakahawak nito sa kamay ko at damang-dama na napakainit ng malambot niyang kamay!
Para akong nilukob ng libo-libong boltahe ng kuryente kaya naiwaksi ko ang katawan nito at nagtungo ng kusina para gumawa ng kape. Nangunot noo ako na napatitig sa trashcan na nakasilid doon ang binili kong pagkain nito kaninang umaga. Napapilig ako ng ulo na wala sa sariling nadampot iyon at namilog ang mga matang mapansing..... hindi ito ang pagkain na binili ko para sa kanya!?
Napasapo ako sa ulo na nahimasmasan bigla habang iniisip ang nangyari kanina sa restaurant na kinainan ko at pinag-takeout-an ng pagkain nito.
"Shīt!" napasabunot ako sa ulo na luminaw sa isipan kong may nakasabayan akong matandang babae na humingi ng leftovers sa counter at nagkasabay dumating ang takeout ko at leftover na hiningi nito kung saan.....ang leftover ang nadampot kong iniuwi kay Shayne!!
"Shayne?!" napatakbo akong tinungo ito at parang matatakasan ng bait na inaapoy siya ng lagnat! Hinang-hina at nanginginig ang buong katawan!
"S-Shayne....hey... wake-up" nauutal kong pagyugyog dito!
"N-Niel....help me please" mahinang pakiusap nito na tumulo ang luhang ikinalapat ko ng labi!
"Just a minute baby" anas kong napatayong kaagad humagilap ng maisusuot.
Napahablot ako sa comforter sa kama na siyang pinangbalot ko dito at kinargang inilabas ng silid!
"A-ayoko..." natigilan ako sa mahinang pakiusap nito.
"Huh?" pilit itong nagdilat ng mga matang namumungay at bakas ang panghihina.
Napalunok akong napatitig ditong umiling at yumapos sa batok kong matiim akong tinitigan sa aking mga mata.
"Dito na lang tayo. Ayoko sa hospital please"
Napahinga ako ng malalim at walang nagawa kundi ang ibinalik siya ng silid namin. Hindi naman na ito umimik pa at napasandal na lamang sa dibdib ko. Maingat ko itong inihiga sa kama at walang ibang pamimilian kundi ang asikasuhin siya.
Nawalang parang bula ang inis ko dito at kinain ng kunsensya na nagkasakit siyang nakakain ng dala kong leftover. Hindi ko naman sinadya 'yon. Hindi pa naman ako ganun kabastos at walang pinag-aralan na sa ganong paraan ko siya pahihirapanan.
Napahinga ako ng malalim na napapamura sa isip-isip ko habang pinupunasan ang buong katawan nito. Hindi naman ito umiimik na nananatiling nakapikit at nakalarawan sa magandang mukha nito ang karamdaman. Matapos ko itong mabanyusan at mabihisan ay inayos ko muna ang kumot nito bago muling lumabas ng silid para makabili ng gamot at makakain nito.
Napapailing na lamang ako sa sarili. Bakit ba ako naaawa at nakukunsensya sa nangyari sa kanya? Hindi ko naman 'yon sinadya. Pero siya namang pagsagi sa isipan ko ang pakiusap ni Mak-mak sa akin at ang pangakong binitawan ko dito bago malagutan ng hininga. Ang pangalagaan at pakamamahalin ang babaeng minamahal niya.
Napakuyom ako ng kamao na muling nabubuhay ang inis at galit ko kay Shayne sa pagkanda-leche-leche ng buhay ko sa isang iglap dahil dito.
Umuwi kami ni Alena ng bansa para pormal kong maipakilala ito sa pamilya ko at mapag-usapan ang pagpapakasal namin sa France. Pero ang akala naming masayang bakasyon ay nauwi sa malagim na trahedya. Na tuluyang ikinawala nito sa akin. At 'yon ay dahil kay Shayne. Napapikit akong tumulo ang luhang maalala na naman ang dalawang taong napakahalaga sa buhay ko. Si Mak-mak, at Alena.
Napakuyom ako ng kamao na napapahinga ng malalim. Matapos makabili ng pagkain at gamot para kay Shayne ay bumalik na ako ng hotel. Baka mamaya ay tumitirik na pala ang mga mata niya. Kunsensya ko pa na mamatay ito ng ganto kaaga.
PAGDATING KO ng silid namin ay nahihimbing na ito. Pero mataas pa rin ang lagnat at panay na ang pagkalam ng sikmura. Naupo ako sa gilid ng kama na marahan itong niyugyog sa balikat.
"Hey, wake-up. Kumain ka muna" paggising ko ditong dahan-dahang nagmulat ng inaantok niyang mga mata.
Nanghihina itong bumangon na pinanood ko lang hanggang sumandal ng headboard. Nanginginig ang kamay na inabot ang dala kong pagkain nito. Hindi ako makakilos at makaimik. Nakamata lang ditong hinang-hina. Na halos hindi mahawakan ang kutsara.
"Tss. Ako na" panenermon kong inagaw ang kutsara dito. Napapalabi itong kita ang pangingilid ng luha habang sinusubuan ko.
"Para kang bata. Stop crying will you?" inis kong asik na pinainuman ito ng gamot matapos kumain.
Napapalapat ito ng labing patuloy sa pagtulo ang luha na hindi makatingin sa aking mga mata. Naiinis ako sa pagiging iyakin nito. Nanlalambot ang puso ko na makita itong umiiyak dahil naaalala ko ang hirap at pasakit na pinagdaanan din noon ni ate Mikay sa kuya nitong si kuya Alp bago naging maayos ang pagsasama nilang mag-asawa. Napapaisip lang ako. Kung magiging maayos din kaya kami ni Shayne in the future? Pero napaka-imposible 'yon. Dahil oras na manumbalik na ang ala-ala nito ay siya na mismo ang magpapawalang bisa ng kasal namin dahil matatandaan na niyang hindi ako si Mak-mak na kasintahan niya. Kaya bago pa dumating ang araw na 'yon? Dapat napagbayad ko na siya sa laki ng atraso niya sa akin.
"S-saan ka pupunta?" mahinang saad nitong napahawak sa kamay ko.
Napahinga ako ng malalim na nagbawi mg kamay dito dahil para akong napapaso. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa kanyang paghawak. Bagay na hindi ko dapat maramdaman.
"Magpahinga ka na. Sa sofa ako matutulog" walang emosyong saad kong tumayo na at niligpit ang mga pinagkainan nitong dinala ko sa kusina bago nagtungo ng sala at sa sofa nahiga.
Ramdam ko naman ang mga mata nitong matiim na nakasunod sa bawat kilos kong ikinaiirita at init ng ulo ko. Napahinga ako ng malalim na pagod ang katawang ibinagsak ng sofa. Pero hindi pa man ako nakakaidlip ay naramdaman ko ang paglapit nito na kinumutan ako at nilagyan din ako ng unan sa ulo. Pigil-pigil ang hininga ko nang maramdamang yumuko ito at napahalik sa noo ko.
"Goodnight Niel. Thank you. For taking good care of me. I love you baby"