Coldness

2008 Words
SHAYNE: LIHIM AKONG napapangiti na buong magdamag akong inalagaan ni Niel. Hindi man ito umiimik ang mahalaga naman ay inalagaan niya ako. Halos ayokong matulog habang inaasikaso niya ako na panay ang punas ng basang bimpo sa mukha at leeg kong mabilis ikinababa ng lagnat ko. "Thank you Niel" mahinang sambit ko habang pinagmamasdan itong nakasubsob sa gilid ng kama katabi ko. Napaangat ako ng kamay na magaang hinaplos siya sa ulo. Nangilid ang luha ko na kaagad tumulo habang nakamata ditong bakas ang puyat at pagod sa gwapong mukha nito. Kahit asawa ko na siya ay hindi ko iyon maramdaman. Marahil napakalamig niya na dama kong hindi niya ako gusto kundi napilitan lang na magpakasal kami. Bagay na ikinadudurog ng puso ko. Napaayos ako ng higa at nagkunwaring nahihimbing pa rin nang gumalaw itong nagising. Pigil-pigil ang hininga ko na baka mapansin nitong gising na ako. May pa'y idinampi nito ang palad sa noo at leeg kong sinasalat kung may lagnat pa ako. Impit akong napasinghap sa isipan sa pagdampi ng palad nitong tila ikinalukob sa akin ng libu-libong boltahe ng kuryente. Napahinga ito ng malalim na muling inayos ang kumot ko at naramdamang iniligpit na niya ang mga ginamit na basin at face towel na pinangpupunas niya sa akin buong magdamag. Napasilip ako ng marinig ang mga papalayo niyang yabag. Nagtungo ito ng banyong dinala doon ang mga ginamit. Ilang saglit lang ay muli itong lumabas na nagtungo sa balcony na may kausap sa cellphone. Hindi naman nagtagal ay muli itong bumalik sa tabi kong naupo sa gilid ko. Panay ang paghinga nito ng malalim ba tila kay laki ng problema. Naiilang ako lalo na't ramdam ko ang matiim niyang pagtitig na nanunuot hanggang buto ko! "Uhmm..." kunwaring ungol ko na papagising pa lang. Unti-unti akong nagdilat ng mga mata at nabungaran nga itong nakaupo sa tabi ko. Nakahalukipkip na walang emosyon ang mga matang bakas ang puyat. Nangingitim ang paligid na napakatamlay ng itsura nito. Pilit akong ngumiti na napakusot-kusot ng mga mata. "G-good morning ba- uhm, Niel" naiilang bati ko na muntik na namang matawag itong baby. Napahinga ito ng malalim na ikinangiwi ng ngiti kong napaiwas ng tingin sa matiim niyang pagtitig. "How do you feel?” walang emosyong tanong nito. "Uhm...better. Thank you" "Tsk. Don't you have eyes? Or commonsence?" sarkastikong tanong nito na iritado ang tono. Napasulyap ako dito na nagtatanong ang mga mata. Salubong na naman ang kanyang maiitim at may kakapalang kilay na ikinabagay naman nito. "Huh?" "Tss! Hindi mo ba nakitang leftover 'yon? Bakit mo pa kinain?" inis niyang tanong. Napaawang ako ng labing napatitig dito na nagtataka. "Dinala mo 'yon sa akin. Malay ko ba? So totoo nga. Dinalhan mo ako ng pagkain ng aso. Hayop na pala ang tingin mo sa akin ngayon ganun ba Niel?" panunumbat ko dito na pabalang umupo ng kama at sinamaan ito ng tingin. Natigilan itong namula ang pisngi at kita ang pagdaan ng guilt sa kanyang mga matang napairap sa akin at napahilamos ng palad sa mukha. "It was an accident. Nagkamali ako ng naabot sa waiter. I'm sorry" mababang saad nitong ikinailing kong nangilid ang luha. "Really? Pero bakit ang hirap paniwalaan?" tanong kong tumulo ang luha na agad kong pinahid. Napakuyom ito ng kamao na nagpantig ang panga. Muling lumarawan ang inis sa kanyang mukha na walang emosyon ang mga matang napatitig sa akin. Kahit kinabahan ako sa nakikita dito ay matapang kong sinalubong ang kanyang mga mata. "Pwes, hwag kang maniwala kung ayaw mo" asik nitong pabalang tumayo at nagtungo ng balcony. Napayuko akong tahimik na umiyak. Totoo ngang leftover ang dinala niya. Paano ko paniniwalaan na hindi niya 'yon sinadya? Kung wala manlang effort na suyuin at ipaliwanag sa akin kung paanong leftover ang nadala niyang pagkain para sa akin. Sa lamig ng pakikitungo niya ay mas maniniwala pa akong sinadya niyang leftover ang dalhin sa akin. Maya pa'y may nag-doorbell na ikinapasok nitong muli ng silid at nagtungo ng pinto. Hindi ako nag-angat ng mukha na pinakiramdaman lang ito. Ilang sandali lang ay isinara din nito ang pinto na nagtungo sa kusina. Napalapat ako ng labi na hinintay itong lumapit na may dalang pagkain. Ramdam ko ang akward sa pagitan namin pagkalapit nito na may ipinatong na tray sa bedside table na katabi ko. "Kumain ka na" walang ganang saad nito. Na utos ang tono. Napapahid ako ng luhang nag-angat ng mukha dahil muli din naman siyang bamalik ng kusina at doon kumaing mag-isa. Napalapat ako ng labing inabot ang dala nito at pilit kumain kahit na parang batong bumubukil ito sa lalamunan ko at hirap kong lunukin. Panakanaka akong sumusulyap sa gawi nito na tahimik na kumakain at walang kalingon-lingon sa akin dito sa kama. Mapait akong napangiting bumaling na lamang sa kinakain kong hindi ko na malasahan. MATAPOS NAMING kumain ay ito na ang nagligpit ng mga pinagkainan bago naligo na walang kaimik-imik. Naiilang naman ako at nag-aalangan na kausapin ito. Ni hindi nga niya ako magawang tapunan ng katiting na sulyap. Nakabusangot na naman ito na salubonh ang kilay. Kitang wala na naman siya sa mood. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay walang paalam itong lumabas ng silid namin. Napahinga ako ng malalim na napasunod na lamang ng tingin sa pintong nilabasan nito. Nanghihina akong napasandal ng headboard at 'di maiwasang pangilidan ng luha. Hindi ko mawari kung galit na naman ba siya? At kung saan nagmumula ang pagkairita niya sa akin. Kung galit siya sa akin, bakit pa siya pumayag na magpakasal kami? Napapikit akong dama ang pagtulo ng luha kong hindi ko mapigilan. Bagong kasal pa lang kami pero heto at ganto na agad ang pagsasama namin bilang mag-asawa. Ilang oras ang lumipas at hindi pa rin ito bumabalik. Napabangon na ako ng kama kahit ramdam ko ang pangangatog pa rin ng mga tuhod ko. Nagtungo ako ng balcony na napamasid sa paligid. Pero aksidenteng nahagip ng paningin ko ang pamilyar na pigura ng lalake sa baba kung saan ang garden nitong hotel. Napalunok akong napatitig dito. Kahit nakatalikod siya dito sa gawi ko ay kilalang-kilala ko ang bulto niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Dahil 'yon ang nakita kong suot niya kanina bago lumabas ng silid. Nanghihina akong napakapit sa railings at nangingilid ang luhang makumpirmang si Niel nga ang lalakeng magiliw na nakikipag-usap sa grupo ng nasa limang kababaihan na nakikipagtawanan dito at hinahampas-hampas pa ito sa braso. Kitang nakikitawa din naman itong sinasabayan ang mga babae na masiglang nakikipagusap dito. Napatuwid ako na akmang mag-iiwas ng tingin sa mga ito pero huli na ang lahat dahil napasulyap na si Niel dito sa kinaroroonan ko at nagtama ang mga mata namin. Hindi ko sigurado kung napangisi ba ito pero kita kong inakbayan nito ang katabi na yumakap sa tagiliran nito at panay ang bulungan na napapahagikhik sa isa't-isa. Para akong kinukurot sa puso. Pero wala naman akong magagawa. Ayaw niya sa akin. Ramdam ko 'yon. Hindi naman ako manhid at bulag para hindi makuha, o makita na napilitan lang siyang pakasalan ako. Bagay na malaking katanungan sa akin. Kung bakit siya, napilitang pakasalan ako. Muli akong napasulyap sa gawi nila Niel na masayang nakikipag-kwentuhan pa rin habang akbay ang katabi. Mapait akong napangiti na bumalik na lamang ng silid. Para akong kinukurot sa puso ko. Magmula magkamalay ako ay hindi pa naging malambing sa akin si Niel. Lalo na ngayon na kaming dalawa na lamang. Kahit naman kasi magtatangka akong makipagkulitan dito ay kaagad ako nitong binabara. Na halatang walang interes sa anumang sasabihin ko. Mariin akong napapikit na nagpahid ng luha. Hindi ko maiwasang magselos sa nakita ko. Kung paano siya nakikipagtawanan sa iba. Magiliw na makipag-kwentuhan. At magawang umakbay sa ibang babae kahit alam niyang nakatingin akong asawa niya. Wala siyang pakialam anuman ang maramdaman ko. Wala siyang, pakialam sa akin. Nang makalma ko ang sarili ay sinubukan kong lumabas ng silid namin. Hindi na ako nag-abalang magbihis pa dahil maayos naman ang damit kong oversized shirt ni Niel na plain black na abot ang manggas hanggang hitnang hita ko. Naka-short din ako kaya nagmistulang bestida ang suot kong damit. Nakalugay lang din ang buhok na walang ka-make-up-make-up sa mukha. Pagkalabas ko ng silid namin ay palinga-linga akong nagtungo sa kalapit na elevator at nagtungo sa rooftop nitong hotel. Ayoko namang lumabas ng hotel. Nag-aalangan at natatakot din ako lalo na't wala akong dala na magagamit ko sa labas. Napaawang ang labing lumabas ako ng elevator. May garden at pool pala dito sa rooftop at may mga iilang turista ang nakatambay dito. Ang iba ay nagkakatuwaan sa pool. Karamihan ay mga grupo na masayang nagbo-bonding. May mga katulad ko rin na mag-isang nakuntento na napapamasid sa paligid. Kahit paano ay gumaan ang loob kong napangiti at nakahinga ng maluwag na nagtungo aa pinakadulong bench kung saan walang ibang nakapwesto. Napahinga ako ng malalim na nagkasya na lamang sa pagmamasid sa mga nagkakasiyahan sa paligid. Mapait akong napangiti at pinangilidan ng luha. Dama ko ang pagiging mag-isa ko habang nandidito at 'di maiwasang makadama ng inggit sa mga nandidito lalo na sa mga pares na naglalambingan sa bawat sulok. Napatitig ako sa suot kong wedding ring namin ni Niel na ikinatulo ng luha ko. Para akong kinukurot sa puso. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito kung hindi pa kami mag-asawa. Pero kasal na kami. May karapatan na ako sa kanya. Akin na siya. Sa batas ng tao at batas ng Diyos. Pero ibang-iba naman ang pinapakita at pinaparamdam niya. At kahit dayain ko ang sarili ko ay alam ng puso at isip kong.... ibang-iba na siya. Hindi siya kasinlambing ng nasa isip ko. Kundi, kabaliktaran niya ito. HINDI KO NAMALAYAN ang paglipas ng oras. Magdidilim na ng matauhan ako. Mangilan-ngilan na rin ang tao dito sa rooftop at dama kong nilalamig na ako. Yakap ang sarili na bumaba na ako ng floor kung saan ang silid namin ni Niel. Umaasang nandidito na ito pero, nabigo lang ako. Napakatahimik ng silid namin na walang bakas na may tao dito. Napahinga ako ng malalim na mapait napangiti. Ano pa nga ba aasahan ko? Mabigat ang katawan na nagtungo ako ng banyo at nag-quick-shower. Matapos kong maglinis ng katawan ay siya namang sunod-sunod na pagkalam ng sikmura ko. Nagtungo ako ng kusina at piping nagpasalamat na may natira pa kami ni Niel sa pina-deliver nito kaninang umaga. Kahit malamig na ay kinain ko pa rin kaysa naman tiisin ko ang pagkalam ng sikmura ko. Matapos kong kumain at mailigpit ang mga pinagkainan ay nagtungo na muna ako ng balcony para magpahangin. Napayakap ako sa sarili dala ng lamig ng hangin. Napasulyap ako sa kinaroroonan kanina ni Niel at kitang wala na sila doon. Napahinga ako ng malalim. Pasado alasotso na ng gabi. Pero hindi pa rin siya bumabalik. Nasaan na naman kaya siya? Saan na naman nagpunta? Kasama kaya ang mga babae kanina? PALAKAD-LAKAD AKONG nakahalukipkip na hinihintay ang pagdating ni Niel. Pero inabot na ako ng umaga pero walang Niel ang dumating. Pagak akong natawa sa sarili na buong magdamag naghintay sa asawa kong walang pakialam sa akin pero wala din akong napala. Bagsak ang balikat na nagtungo ako ng kama at itinulog na ang mga mata kong halos pumikit na sa kakahintay kay Niel na wala manlang paramdam. Mapait akong napangiting niyakap na lamang ang unan. Kahit anong kastigo ko sa sarili ay hindi ko maiwasang mag-over-think sa mga bagay-bagay kung bakit magdamag itong hindi umuwi. Tumulo ang luha ko hanggang sa napunta sa paghagulhol ang tahimik kong pag-iyak. Sobrang bigat sa dibdib pero wala naman akong magagawa. Dahil kahit asawa ko siya? Harap-harapan na niyang pinapakita sa aking....mas gusto niyang kasama ang iba kaysa sa akin na asawa niya. Ipipilit ko pa ba ang sarili sa kanya? O pakawalan na lamang siya? Pero kaya ko ba? Iisipin ko pa lang na mawawala na sa akin si Niel ay parang katapusan na ng mundo ko. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Niel. Alam ko at ramdam ko 'yon sa puso ko. Kahit pa, napakalamig niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD