Substitute

2318 Words
NATHANIEL: NAKATULALA AKO sa larawan ng kakambal ko habang nakasalampak dito sa cemetery. Magdidilim na ang paligid pero para akong nawalan ng lakas na kumilos. Sobrang bigat sa loob na kung kailan successful na kaming dalawa ay saka naman siya binawi sa amin ng kapalaran. Dahil sa isang tao. Napakuyom ako ng kamao na nagngingitngit ang mga ngipin na maalala ang puno't-dulo ng pagkamatay ni Mark Daeniel at Alena. Sa tulong ng pamilya ni kuya Alp Castañeda ay nagawa kong makapag-aral ng medisina sa ibang bansa. Ilang taon ang tiniis ko na hindi nakasama ang pamilya ko. Lalo na ang kakambal kong sanay kaming magkasanggang-dikit. Pero kung kailan ganap na akong doctor at nagbabalik ng bansa ay saka naman mangyayari ang bangungot sa pamilya namin. Kung saan damay pati ang babaeng tinatangi ng puso ko. Si Alena. Kapwa ko doctor si Alena na purong france's. Pero dahil naging magkalapit kaming magkaibigan ay natuto itong mag-tagalog dahil sa akin. Ilang taon ko din binakuran ito. Hanggang sa makapagtapat ako ng nararamdaman dito at kalauna'y sinagot niya ako. Umuwi kami ng bansa para sana maipakilala ko na siya personally sa pamilya ko. Pero hindi ko lubos akalaing ito pa pala ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan. Sana pala hindi na lang kami umuwi. Kung alam ko lang. "I'm sorry in advance bro, pero titiyakin kong....magdudusa sa piling ko ang Shayne mo. Pagbabayaran niya sa mga kamay ko, ang pagkawala niyo ng babaeng pinakamamahal ko" pagkausap ko sa larawan ng kakambal ko kasabay ng muling pagtulo ng luha ko. Napatayo na ako ng magsasara na ang cemetery at nilapitan na ako ng mga guard. Napapahid ako ng luhang may mapait na ngiti at bagsak ang balikat na lumabas ng cemetery. Sobrang bigat ng loob at bawat yabag ko palayo sa puntod ng kakambal ko. Hanggang ngayo'y hindi ko kayang tanggapin na ganon-ganon lang sila nawala sa akin ni Alena. Kung sana hindi biglang sumulpot ang kasintahan nito at ginulo kami ng girlfriend ko ay hindi umabot sa ganto ang masaya sanang pag-uwi ko ng bansa. Napahinga ako ng malalim na napapahilot ng sentido bago in-start ang engine at tumuloy na sa syudad. Nasa hospital pa rin hanggang ngayon si Shayne na sumalpok ang minanehong kotse. Ayon kay kuya Alp gising na ito. Kailangan ko na ring masimulan ang paniningil sa babaeng'yon. KUYOM ANG kamao na pumasok ako ng silid kung saan naka-admit si Shayne. Sa lahat ng kapatid ni kuya Alp ay ito ang hindi pa namin nakakasalamuha. Hindi katulad ng mga kuya niya na palaging dumadalaw noon sa probinsya kasama ang magulang nila. Si Shayne at Iris ang dalawang babae sa pamilya ng bayaw kong si kuya Alp Castañeda. Ang napangasawa ng ate Mikay namin. At ngayon nga ay sa probinsya na sila namumuhay ng tahimik at masaya kasama ang kanilang binuong pamilya. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng pinto at unang bumungad ang katahimikan ng silid. Napasulyap ako sa babaeng prenteng nakahiga sa gitna ng kama. Naka-swero ang kamay at kasalukuyang nahihimbing. Dalawang linggo na rin. Dalawang linggo ang nakalipas pagkatapos ng aksidente sa kanilang tatlo ng kapatid at girlfriend ko. Pero sa kasamaang palad ay ang babaeng ito pa ang nakaligtas na hanggang ngayon ay humihinga pa rin! Kuyom ang kamao na lumapit ako dito. Gustong-gusto ko na siyang sakalin at tuluyan. Pero masyadong magaan ang sintensya niya kung tatapusin ko kaagad ang paghihirap niya. Naupo ako sa gilid ng kama na pinakatitigan ito. Napangisi at iling na lamang ako habang pinagmamasdan ito. Hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw ang kapatid ko sa babaeng 'to. Napakaganda nga naman niya. Pero wala akong pakialam. Wala akong ibang maramdaman kundi pagkamuhi at galit para dito. "Nat, buti naman nandito ka na" napatikhim ako na marinig ang boses ni kuya Alp mula sa likuran ko. Napahinga ako ng malalim na tumayo na at napapahilamos ng palad sa mukhang nakiupo ditong naupo sa gawi ng sofa. "Ano bang lagay niya Kuya?" walang emosyong tanong ko. Napahinga ito ng malalim na napasulyap sa gawi ni Shayne. "Wala siyang maalala. Burado tayong lahat sa memorya niya. Pero may isang pangalan ang natatandaan niya na siyang hinahanap niya. Ang kambal mo, si Mak" anito sa mababang tono. Nagpantig ang panga kong napakuyom ng kamao. "Nat, pwede bang makiusap?" "Sige Kuya" pagsang-ayon ko. Humarap ito sa akin na nakikiusap at nagsususmamo ang itsura at mga mata. Napalunok akong napatitig ditong humawak sa kamay ko at tumulo ang luha. "Ingatan mo sana ang kapatid ko. Alam kong hindi madali ang huling habilin ni Mak sayo. Pero...pero kung bubuksan mo lang ang puso at isip mo para kay Shayne? Madali mo lang siyang matututunang mahalin. Kasi si Shayne 'yong tipo ng babaeng hindi mahirap magustuhan at mahalin. Pwede bang, tuparin mo ang habilin ni Mak sayo? Pangalagaan mo...si Shayne" napalunok akong napaiwas ng tingin dito na nanubig ang mga mata. ILANG MINUTO kaming natahimik ni kuya Alp. Kapwa nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag sa nakabibinging katahimikan dito sa silid. Marahas akong napabuntong-hininga ng malalim na napahilot sa sentido. Napalingon ako kay Shayne na nahihimbing pa rin. Napangisi ako sa loob-loob ko. Blessing in disguise na rin na nabura ang ala-ala nito. Hindi na ako mahihirapang mapapayag ito sa mga naglalaro sa isipan ko para makapaghiganti dito. Lalo na ngayon na pamilya na nito mismo ang nakikiusap sa aking pangalagaan ito. "Hwag kang mag-alala Kuya, tutuparin ko naman eh. Ang ipinangako ko kay Maka-mak. Pakakasalan ko, si Shayne" pambabasag ko sa katahimikan namin. Para akong masusuka sa kaisipan na pakakasalan ko ang babaeng kinakamuhian ko sa lahat. Pero kung dito ko siya malayang mapahirapan? Bakit hindi. Hindi ko rin naman ito ituturing na asawa ko. Never. "Salamat Nat, matututunan mo din siyang mahalin. Tinitiyak ko sayong, hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo Nat. Salamat" anito na tinapik-tapik ako sa balikat. Tipid akong ngumiti na napatango-tango na lamang. Kita naman sa mga mata nito ang labis-labis na tuwa at pag-asa sa pagpayag kong pangalagaan ang kapatid nito. LUMIPAS ANG ilang araw at nakalabas na si Shayne ng hospital. Wala nga itong naaalala at tanging ang pangalan ni Mak-mak ang natatandaan. Kahit nasusuka at labag sa loob ko ay inaasikaso ko ito habang nasa hospital kami dahil ako lang ang gustong mang-asikaso sa kanya. Hindi naman ako pwedeng mag-inarte dahil hindi ko pa siya napapakasalan at higit sa lahat ay nakaharap ang buong pamilya niya. Sa iba ay napakalambing niya. Pero para sa akin? Napakaarte niya. Tipong para siyang batang makulit. Nakakairita. Pero kailangan kong pakisamahan hanggang hindi pa kami bumubukod at napapakasalan. Sa unit ni Mak ako tumuloy dito sa syudad. Sayang nga lang dahil bagong bili pa lang nito sa kanyang unit na pinag-ipunan mula sa sariling kita sa pagiging public attorney nito. Mapait akong napangiti na iginala ang paningin sa kabuoan ng unit nito. May dalawang silid na magkatabi. Guest room at ang master's bedroom. Napakaaliwalas din ng ambiece ng unit nito sa all white na tema. Mula sa mga interior design, hanggang sa mga kagamitan. Tumuloy ako ng silid nito at mariing napapikit na naghahari pa dito sa loob ng silid nito ang kanyang prehensya at pabango. Nangilid ang luhang pabagsak na nahiga sa malambot niyang kama. Napadantay ako ng braso sa noo na hinayaang tumulo ang luha. Para akong pinipiga sa puso sa tuwing naiisip ang nangyari sa kanila ni Alena. Pakiramdam ko'y napakawalang-kwenta kong doctor na hindi manlang nailigtas kahit isa sa kanila ng girlfriend ko. Walang saysay ang lisensya ko at pag-aaral sa ibang bansa na hindi ko manlang nagawang iligtas ang mga mahal ko sa buhay. "Niel?" napadilat ako ng mga mata na marinig ang malambing na boses at ang paglundo ng gilid ng kama. "Niel?" pagyugyog nito sa balikat ko. "What are you doing here?" walang emosyong tanong ko na nanatiling nakadantay ang kamay sa noo at kinukubli ang mga matang luhaan. Nanigas ako nang bigla itong yumakap at kalauna'y napahagulhol sa dibdib ko. Hindi ako makakilos mula sa pagkakahiga sa kanyang pagyakap! "Niel, are you mad?" "Hindi" "Why are you so cold to me? May nagawa ba ako?" mariin akong napapikit. Heto na naman siya sa pagiging makulit niya. Nagngingitngit ang mga ngipin ko na napakuyom ng kamao. Napahinga ako ng malalim na napatitig ditong namumungay ang mga matang luhaan. Namumula na rin ang tungki ng matangos niyang ilong at maging pisngi sa pag-iyak. Kung ibang tao lang siya ay lalambot kaagad ang puso ko para dito. Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko si Mak-mak at Alena ay nilulukob ng matinding galit ang puso ko para dito. "Let's get married Shayne" "Do you still want to marry me baby?" napapalabing tanong nito na ikinatango kong may hilaw na ngiti sa labing ikinangiti nitong napayakap muli sa aking nanigas! "Thank you baby! Sige, pakasal na tayo" masiglang saad nitong napasiksik sa leeg ko. Napangisi akong gumanti ng yakap kahit para na akong maduduwal at gusto na lamang ibalibag ito at balian ng buto sa katawan. Napalunok ako nang mag-angat ito ng mukha na hinaplos ako sa ulo at may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "I love you Niel. Mahal na mahal kita baby" malambing saad nitong ikinalunok ko at napipilan. "Didn't you hear me? Sabi ko mahal kita" pangungulit nito na napapahaba ang nguso. Walang kaemo-emosyon pa rin akong nakatitig ditong nakadagan na sa akin habang nakakapit ako sa malambot niyang baywang. Mas lalo namang napahaba ang nguso nito na dinaig pa ang batang nagtatampo. tsk. Napaka-childish niya sa paningin ko. Ibang-iba kay Alena na matured na babae sa murang edad. Habang ito nama'y dinaig pa ang mga bata sa edad na bentesingko. Ano bang espesyal sa kanya bukod sa perpektong hubog ng katawan at hulma ng kanyang maamong mukha. Sa katangian? Wala akong makitang nakaka-attract sa kanya. Nanigas ako sa ilalim nito nang napa-smack-kiss ito sa mga labi kong ikinabalik ng ulirat kong naglalakbay sa kawalan! Napahagikhik itong muling sumubsob sa leeg kong ikinasinghap kong napapisil sa baywang nito. Mariin akong napapikit. Pigil-pigil ang sariling masaktan ito dahil hindi ko pa naman siya napapakasalan. Mahirap ng mapurnada ang paghihiganti ko dito. Napahinga ako ng malalim. Labag man sa loob ay pikitmata ko itong niyakap na natigilan. "I love you too baby" labas sa ilong kong sagot. Mariin akong napapikit at nagtulog-tulugan na lamang kaysa patulan ang kakulitan nito. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makipagkulitan sa kanya. Lalo akong nakukunsensya dahil pakiramdam ko'y natgtataksil na ako kay Alena na pinangakuan kong siya lang ang una at huli kong mamahalin hanggang sa huling hininga ko. ILANG LINGGO ang nakalipas. Kinasal na nga kami ni Shayne. Isang civil wedding lang kung saan dito mismo sa kanilang hotel naganap at mga pamilya lang namin ang dumalo. Hindi naman ito nagreklamo na sa ganong paraan kami ikinasal. Kahit nga wedding gown ay hindi ko ito pinasuot. Naka-formal white off shoulder dress lang ito na light make-up at nakalugay ang mahaba at alon-alon niyang buhok. Pero kahit pinasimple-han ko ang postura nito ngayong kasal namin ay hindi maipagkakailang napakaganda niya pa rin. Na parang dyosang bumaba dito sa lupa anuman ang suotin niya. Matapos ang kasal ay lumipad kami sa Japan. Kung saan dalawang linggo din ang bakasyon namin dito para sa honeymoon namin. Ayoko sanang dito kami pumunta pero naglalambing ito na parang batang maiiyak na hindi mapagbigyan. Tsk. Kung hindi lang nakaharap ang pamilya namin ay hinding-hindi ko ito pagbibigyan. Alam naman kasi ng pamilya ni Shayne na hindi ako ang kasintahan nito dahil isa sila sa nag-sponsor ng pag-aaral at matutuluyan ko sa France habang nag-aaral ako doon ng medisina. Pero dahil nawalan ng ala-ala si Shayne at tanging si Mak-mak lang ang natitirang pangalan na matandaan nito ay pumayag na ang pamilya nitong ipagkatiwala sa akin si Shayne. Alam din nila ang tungkol sa huling habilin ng kakambal ko kaya sila na mismo ang umayos ng lahat. Mula sa pagsasaayos ng mga papeles namin sa pagpapakasal. At hanggang dito sa bakasyon naming mag-asawa sa Japan. Palakad-lakad ako habang may hawak na beer dito sa balcony ng hotel na tinuluyan naming mag-asawa. Hindi ako dalawin ng antok kahit anong gawin ko. Mabuti na lang at nagkusa itong sa sofa natulog dahil hindi ko masisikmurang magtabi kaming dalawa sa kama! Hindi ko kaya. "Baby?" natigilan ako na marinig ang inaantok at malambing niyang boses mula sa likuran ko. Mariin akong napapikit nang yumakap ito sa baywang ko mula sa likuran ko. Hindi ako makakilos na parang natuod. Hindi rin makapagsalita na parang napipilan. "It's too late. Matulog na tayo" paglalambing nito. Napahinga ako ng malalim. Heto na naman siya sa kakulitan niyang nakakairita. Binaklas ko ang mga kamay nito na nakapulupot sa tyan ko at pumihit paharap dito na nakangising aso. Napalunok itong napatitig sa aking mga mata at kita kong naiilang itong lalo kong ikinangisi. "Anong kaya mong gawin Shayne?" "W-what do you mean baby?" "Stop calling me baby, I'm not your baby" walang emosyong saad ko na napatungga sa beer ko. Kita ko namang napakagat ito ng ibabang labi na nangingilid ang luha habang nagsusumamo ang mga matang nakatingala sa akin. Nanatiling blangko ang expression kong tumitig ditong tahimik na umiiyak sa harapan ko. "Can I call you Neil?" humihikbing tanong nito. Napahinga ako ng malalim. Kung pwede lang ay ayoko. Dahil Niel ang tawag sa akin ni Alena. At mukhang Niel din ang tawag nito sa kakambal ko. "It's up to you" walang ganang sagot ko na tinalikuran na itong pumasok ng silid. Napasulyap ako dito at nakitang napayukong tinakpan ng palad ang bibig na napahagulhol. Napapilig ako ng ulo. Makulit siya at masayahin, pero hindi ko alam....na madali din pala siyang masaktan at umiyak. Napangisi akong nagdidiwang sa loob na makita itong umiiyak. "Ganyan nga Shayne Castañeda. Umiyak ka. Masaktan ka. Dahil deserve mo 'yan. Nagsisimula pa lang ang kalbaryo mo, sa mga kamay ko bilang..... substitute ng kakambal kong dahil sayo namatay"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD