Prologue

722 Words
TPOV: EXCITED ANG DALAGA na pinuntahan ang kasintahan sa condo nito sa kanilang unang anibersaryo. Dala ang pasalubong nitong chocolate cake na siya mismo ang nag-bake para sa nobyo. Napapakagat ito ng ibabang labing pikitmatang pumasok sa unit ng binata. Pero ang sanay surpresahin nito ay kabaliktaran ang nangyari dahil ito ang nasurpresa sa naabutang dalawang pares na hubo't-hubad sa sala na kasalukuyang binabayo ng binata ang isang supistikadang babaeng panay ang halinghing habang nakahawak sa armrest ng sofa at nakatuwad sa nobyo nito! "Hayōp ka! Manloloko ka! Manloloko ka! Bakit ngayon pa!" sigaw nitong kaagad sinugod ang dalawang pares na natigilan sa kanyang pagsulpot! Galit na galit itong hinablot ang dalagang katalīk ng kasintahang napadaing sa pagkakasabunot nito at malakas na sinampal ng magkakasunod! "Damn you! Who the hell you are my slap my girlfriend huh!?" buong-buo ang boses na bulyaw ng binata dito at hinablot ito sa braso. "Girlfriend!? Damn you ako ang girlfriend mo dito! Isang taon na tayo tas ito pa ang isasalubong mo sa akin!? Ang kapal ng pagmumukha mo!" gigil na gigil nitong bulyaw sa kasintahan na napakurap-kurap. "How dare you! Dinala-dala mo ako dito at ganto lang pala ang malalaman ko! Magsama kayong dalawa!" bulyaw din ng isang dalaga sa kasintahan na kaagad isinuot ang dress na nagkalat sa sahig. "Alena wait! Babe please let me explain! I don't know who is she. Please... don't leave. Huh, hwag mo naman akong iwan" paghabol nito sa kasintahan na nag-walk-out kaya napahabol sa kanila ang dalagang dating! "Ang kapal naman ng mukha mong harap-harapan akong itanggi sa babaeng 'yan!" asik nitong hinablot sa braso ang binata. "Pwede ba mis? Tantanan mo ako! Hindi nga kasi kita kilala!" bulyaw nito na kaagad sinundan ang kasintahang lumabas na ng unit! Nagkahabulan silang tatlo hanggang parking lot. Siya namang dating ng isang binata na kamukhang-kamukha ng isang binata na pinag-aawayan ng dalawang dalaga. "Alena? What a surprise?! Kasama mo ba si Nathaniel?" pagsalubong ng binata sa dalagang umiiyak at namukhaang ang long time girlfriend ng kakambal nito ito na nakatira sa France. "Mark Daeniel?" "A huh?" "Daeniel! He cheated on me! How dare him!" pagsusumbong nitong napahagulhol na niyakap ang binatang bagong dating na natigilan. Hindi namalayan ng dalaga ang kotseng humaharurot na bumunggo sa kanilang dalawang ikinagulong-gulong nila at sa lakas ng impact ay halos maligo na sila sa dugo sa pagkakabagok ng kanilang ulo. Siya namang dating ng dalawa na nagtatalo pa rin at nanigas na mapatingin sa dalawang pares na nakahandusay sa parking kung saan naliligo ng sariling dugo!! "Alena!?" "Daeniel!?" Panabay nilang sigaw na tinakbo ang kanya-kanyang kasintahang nag-aagaw buhay na! "Fūck! Bro!? Babe!?" frustrated ang binata na napasabunot sa ulo at hindi malaman kung sino sa kakambal at kasintahan ang unang sasaklolohan! "Baby? Oh my God! What's happening" nanginginig ang boses na hagulhol ng dalaga sa kasintahan. Nagpantig ang panga ng binata na marahas hinablot sa braso ang dalagang impit na napadaing sa diin ng pagkakapisil nito sa kanyang braso! "Ipagdasal mong mabubuhay ang kapatid at girlfriend ko mis. Pasalamat ka hindi ako nananakit ng babae. Pero oras na may mawala sa kanila? Ikaw ang kauna-unahang makakatikim kung paano ako magparusa" madiing banta nito sa dalagang natutulala sa mga nangyayari. Dala ng galit ay hindi nito pinasama ang dalaga sa ambulance kahit nagmamakaawa at nagpupumilit ito na sumama at nagpakilalang kasintahan niya ang kakambal nito. Nanginginig sa takot ang dalaga na pilit nilalabanan ang phobia nito sa pagmamaneho. Nangangatal ang kamay na in-start ang engine ng sasakyan ng kasintahan para makasunod ito ng hospital! Pero dahil takot na takot at balisa ito habang nagmamaneho ay hindi napansin ang truck na papasalubong sa kanyang linyang sumalpok sa sinasakyan! other side: PARANG matatakasan ng bait si Nathaniel habang nakatitig sa dalawang katawang natatabingan ng puting tela dito sa morgue ng hospital na pinagdalhan sa kakambal at kasintahan. Dead on arrival ang kasintahan nito habang naghihingalo ang kakambal at pinapangako siya ng isang bagay na labag sa kanyang kagustuhan. Pero dahil mahal na mahal nito ang kakambal at nag-aagaw buhay na ito ay pikitmata nitong tinanggap ang pakiusap ng kakambal nito. Ang alagaan.....at pakasalan ang kasintahan nitong .....Si Shayne Castañeda. Ang nakababatang kapatid, ng bayaw nilang si Alp Jhanlo, Castañeda. "Humanda ka sa akin Shayne Castañeda. Siguraduhin kong....magiging miserable ka, sa piling ko. Mark..My. Words" to be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD