SHAYNE:
UMAGA NA PERO wala pa rin si Niel. Mukhang magdamag itong hindi umuwi dahil hindi ko naman naramdaman ang pagdating nito.
Kahit inaantok pa ay bumangon na ako at lumabas ng silid. Napalingon ako sa silid nito. Sarado at wala ngang bakas na umuwi ito. Mapait akong napangiti. Marahil sa babaeng iniuwi niya siya natulog kagabi. Hindi na 'yon nakapagtataka. Ano pa nga bang aasahan ko? Napahinga ako ng malalim na nagtungo ng banyo para gawin ang morning routine ko.
Napapalapat ako ng labi. Kinakabahan na ngayon ko lang susubukan magluto. Nakikita ko lang naman ang mga maids sa mansion kung paano sila magluto. Pero hindi ko pa sinubukan. Binuksan ko ang fridge at dumampot ng hotdog at itlog. Nagsaing din ako sa rice cooker ng bigas bago nagprito sa ulam.
Napapatili pa ako na tumitilamsik ang mantika sa pan na tumatama sa balat kong ikinatitili kong napapatalon pa dala ng gulat, nerbyos at tensyon ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nagluluto. Puro usok na rin dito sa loob na ikinauubo ko!
"Anong amoy 'yon? Fūck! Susunugin mo ba ang apartment huh?!" singhal nito na bigla na lamang sumulpot dito sa kusina!
"Niel! Niel paano ba ito?" napapatiling pagpapasaklolo ko!
"Tsk! Sunog na oh? Itlog at hotdog na nga lang hindi mo pa ma-prito! Ang tānga mo naman!" asik nito na ikinalapat ng labi ko. Aminadong nasaktan ako na sinabihan niya akong tānga.
"S-sorry"
"Tsk! Luging-lugi nga talaga akong pinakasalan ka. Wala kang kwenta. Alam mo ba 'yon?" iritadong asik nitong pabalang itinapon ang nasunog na itlog at hotdog.
Napayuko ako sa gilid na nangingilid ang luha. Parang kutsilyong tumatarak sa puso ko ang mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig nito. Pero wala naman akong lakas ng loob na sagutin ito at ipagtanggol ang sarili. Tama naman siya. Wala nga akong kwenta na kahit ang pagprito lang ng agahan ay hindi ko magawa ng tama.
Pabalang bawat kilos nito na naghanda ng agahan namin. May pa'y tinignan nito ang sinaing na ikinatampal nito sa noo.
"Būlshit! Shayne naman! Pati ba naman pagsasaing 'di ka marunong!?" singhal nitong matalim akong tinignan na napapitlag sa sulok.
"Paano ito maluluto kung hindi mo in-press ang cook button nito?" singhal pa nito na nagpantig ang panga. Parang mauubusan na ng pasensiya sa akin at pabalang tinakpan muli ang rice cooker.
Naiiyak ako na napapayuko. Nahihiya ako sa kanya at aminado namang wala akong kaalam-alam sa gawaing bahay. Napapalapat ako ng labi na pigil-pigil ang sariling mapahikbi. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan na pinapakiramdaman na lamang itong nagluto ng agahan.
Matapos niyang makagluto ay pumasok na siya ng silid niya. Saka lang ako nakakilos na nagtungo ng silid ko at nagkulong na lamang. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas din itong muli ng apartment. Nakahinga ako ng maluwag na lumabas ng silid ko at nagtungo ng kusina para makakain. Panay na ang kalam ng sikmura ko at ramdam ang panginginig ng katawan sa tindi ng gutom. Kahit nasaktan ako nito ay may parte pa rin sa puso ko ang natutuwa na ipinaghanda niya ako ng makakain bago muling umalis. Dinagdagan din nito ang niluto na abot hanggang hapunan. Mukhang maghapon na naman siyang mawawala. Napahinga ako ng malalim na pilit ngumiti para sa sarili.
"Masasanay ka din Shayne. Sa una lang mahirap at masakit" pagkausap ko sa sarili.
MATAPOS KONG kumain ay sinubukan kong buksan ang pinto. Pagak akong natawa na hindi ko na naman ito mabuksan. Kinulong na naman niya ako dito sa apartment namin. Parang presong nakakulong na naman ang tao. Napapalabi akong nagpahid ng luha. Hindi ako sanay na nakakulong. Lalo na ang mag-isa. Kaya sobrang hirap sa akin ang gantong kinukulong ako ni Niel. Buti sana kung ibalik na niya ang cellphone ko, pero wala.
Buong maghapon kong nilibang ang sarili. Inaaral kung paano gawin ang mga gawaing bahay. Baka sakaling matuwa na siya sa akin at mapansin ang effort ko. Para maging mabuti at karapat-dapat maging may-bahay nito. Mapait akong napangiti sa sumagi sa isipan ko. Isang malaking himala ang kailangan ko para makamit iyon. Ang maging karapat-dapat sa paningin niya. Dahil ang mapait na katotohanan ay, nasusuklam si Niel sa akin. Na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang kanyang matinding galit.
Pasado alasnuebe ng gabi. Nakalinis na ako ng buong apartment namin maliban sa silid ni Niel dahil naka-lock naman ito. Nakakain at ligo na rin ako. Mabuti ana lang hindi agad napanis ang pagkaing niluto nito kaninang umaga at umabot pa hanggang ngayong gabi.
Nasa sala akong kasalukuyang nanonood sa tv ng bumukas ang pinto at niluwal non si Niel na may kasama na namang ibang babae. Kitang lasing ang mga ito na magkayakap at nagkakatawanan na pumasok. Napaiwas ako ng tingin sa mga ito. Parang walang nakita ang mga ito dito sa sala ng maupo sila sa gilid ko na kumandong pa ang babae kay Niel na kaagad pumulupot ang braso sa baywang ng babae.
Kahit iniiiwas ko sa kanila ang mga mata ko ay kita ko pa rin sa gilid ng mga mata ko na naghahalikan sila. Dinig na dinig ko pa ang tunog ng kanilang halikan na parang kutsilyong tumatarak sa puso ko. Napapalunok akong kuyom ang kamao. Gusto kong pumasok na lamang ng silid at ng hindi na makita ang mga ito pero nangangatog na kaagad ang mga tuhod kong hindi makakilos sa kinauupuan. Kahit para na akong hindi makahinga sa paninikip ng dibdib ko ay pilit kong binalewala ang nasusulyapan at naririnig sa gilid ko.
"Masasanay ka din Shayne. Sanayan lang 'yan" piping usal ko.
Mapait akong napangiti na sa palabas nakamata. Comedy ang palabas pero heto at 'di maubos-ubos ang luhang masaganang dumadaloy sa pisngi ko. Para akong pinipiga sa puso. 'Yong tipo na gusto mong umangal. Manlaban. Pero upos na upos ka. Walang lakas para manlaban sa iyong karapatan.
"Uhm...ano 'yan, hmm? Make sure itutuloy mo 'yan babe" dinig kong malambing saad ni Niel.
Napalunok akong kita sa peripheral vision kong nakasuot na sa loob ng pants nito ang isang kamay ng babaeng kayakapan habang hinahalikan ito sa panga at leeg na napapatingala at mahinang napapaungol. Mariin akong napapikit na tumayo. Kahit nangangatog ang mga tuhod ay pilit akong naglakad ng diretso papasok ng silid ko. Pagkasara ko ng pinto ay nanghina akong napasalampak ng sahig. Napatakip ako ng palad sa bibig na hindi na napigilang mapahagulhol. Napagapang akong sa sahig na nagtungo sa kama ko at dito isinubsob ang mukhang pinakawalan ang bigat sa dibdib ko!
Kahit anong iwas ko ay paulit-ulit pa ring nagri-replay sa utak ko ang mga nagaganap ngayon sa labas ng silid. Pangalawa na ito na nag-uwu siya ng babae dito sa apartment pero, sobrang sakit pa rin. Para akong pinipira-piraso sa puso. Iisipin ko pa lang na nayayakap at nahahalikan siya ng ibang babae ay para na akong mahihibang at nauubusan ng lakas. Durog na durog ang puso ko. Pero wala akong laban dahil nasa kapirasong papel lang naman ang karapatan ko dito.
Nang makalma ko na ang sarili ay napapahid na ako ng mukha. Ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko at ang pagbarado ng ilong dala ng uhog sa tagal kong umiyak. Sinisinok na rin sa pagod. Mapait akong napangiti sa sarili na umayos ng higa sa kamang niyakap ang unan. Pero para naman silang nananadya sa kabilang silid na naririnig ko mula dito sa kwarto ko ang halinghingan nilang dalawa at palitan ng ungol. Bagay na ikinahagulhol kong muli at nayakap na lamang ang unan ko.