Pagtitiis

1600 Words
SHAYNE: LUMIPAS ANG MGA araw na naging mas malamig pa ito. Tipong uuwi lang siya para maligo at magbihis. Hindi rin ako sinusulyapan o kahit imikan ko ay napakatipid niyang sumagot. Kaya naman natapos ang bakasyon namin sa Japan na wala manlang magandang nangyari sa amin. Kahit ang namasyal kami na magkasama ay wala. Madalas ay mag-uumaga na siya umuuwi ng hotel na amoy alak. Hindi na lamang ako umiimik dahil baka lalo lang kaming magtalo. Hindi na nga maayos ang relasyon naming mag-asawa. Dadagdagan ko pa ba? Sa probinsya nila kami nanirahan. Pero may kalayuan dito sa kinaroroonan nila kuya Alp na dalawang bayan pa ang byahe bago makarating doon. Dito kasi namasukan si Niel na isang ob gyn doctor sa pribadong hospital at tinanggihan ang offer nila daddy na sa hospital namin sa syudad sana ito magtatrabaho. Ang alibi nito ay kukuha muna ng expirience sa ibang hospital bago lumipat sa malaking hospital na ikinapayag na lamang ng mga magulang ko. Napaawang ang labi ko na napagala ng paningin sa hinintuan naming lugar. Nasa tapat lang kami ng bayan at siksikan ang lugar. Napapalunok ako habang pinapasadaan ang lugar. Hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ako komportable sa ambience pa lang ng lugar. Kaharap namin ang isang wet public market na at may kalumaan ang kinuha nitong apartment na siyang tutuluyan namin. 'Di ko maiwasang mapabusangot. Kung bakit naman kasi dito pa niya gusto? Pwede naman sa mas maayos-ayos na lugar. Lalo na sa syudad. Kaagad akong napasunod dito nang bumaba na ito mula sa kotse namin at walang imik na kinuha ang mga gamit sa likod ng kotse. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dahil agaw-attention ang kotse namin na naiiba sa lahat ng nandidito. Bakas din sa mga tao dito ang paghanga na mapasadaan kaming mag-asawang may mga dalang gamit at nagbubulungan sa gilid-gilid habang nakamata sa bawat kilos namin. Nasa ikatlong palapag ng building na pinasok namin ni Niel ang apartment namin. Kailangan pa naming maghagdan dahil wala namang elevator ang building na 'to. Marami-rami ding nakatira kaya ang daming tambay sa madaraanan na kung makatingin sa amin ni Niel ay parang hindi kami tao. Naiilang ako. Tutol ang isip, puso at katawan ko na dito kamia titirang mag-asawa. Pero hindi naman ako makareklamo dito. Maya pa'y narating namin ang pinakadulong silid na siyang binuksan nito. Para akong maiiyak pagpasok namin. Wala pang kagamit-gamit ang apartment namin. Kahit upuan manlang ay wala. Napagala ako ng paningin. Kahit mga pintura nito ay nababaklas na dala ng kalumaan. Walang aircon. Kahit ang sahig ay hindi pa makinis ang semento nitong wala manlang nakalatag maski floor mat. May dalawang silid dito. Maliit lang kaya magkatabi lang ang sala at kusina. May sarili ding banyo pero hindi katulad sa nakasanayan kong maluwag ang espasyo at may mga shower room, bathtub, jacuzzi na nakalagay. Dito iisang silid lang ang cr at paliguan. Walang shower. At may kasikipan ang espasyo. Mangiyak-ngiyak akong napapayuko. Dito kami titira. At maiiwan ako lagi sa bulok na lugar na 'to. Kayang-kaya naman naming kumuha ng mas maayos-ayos na apartment. Pero mukhang sinadya niyang dito ako ititira. Napahinga ako ng malalim. Nanghihinang napaupo sa maleta ko. Ito naman ay nag-ayos ng kanyang gamit sa isang silid. Pagkatapos nitong mag-ayos ng gamit sa silid ay walang imik na lumabas ng apartment. Gusto kong sumama. Pero hindi ako nito pinapansin na parang hindi ako nag-e-exist sa paningin niya. Ilang oras ang hinintay ko bago ito bumalik. Napasuksok ako sa sulok nang may mga pinatuloy itong kalalakihang nagpasok ng ilang gamit. TAHIMIK AKONG nakakulong ng silid habang pinapaayos ni Niel ang mga binili nitong gamit at tila pina-quick-renovate nito ang buong apartment namin. Kahit paano ay naibsan ang bigat ng loob ko na pinaayos nito ang matitirhan namin. Maya pa'y pumasok ito sa silid ko na may dalang foam, bedsheet at unan. "Ayusin mo ang silid mo" walang emosyong saad nitong inilapag sa sahig ang mga dala at lumabas din kaagad. Napapalunok akong dinampot sa gilid ang walis, duspan at mop. Hindi ako sanay sa gawaing bahay. Pero ngayon ay kailangan ko ng matutunan lahat-lahat dahil wala naman kaming katulong dito. At dahil mag-asawa na kami ay tiyak kong sa akin niya iaasa ang lahat ng gawain dito. Matapos kong malinisan ang buong silid mula sa mga agiw sa kisame, at alikabok sa bawat sulok ay muling bumukas ang pinto at ipinasok ni Niel ang isang nakarolyo pang floor mat, pintura at paint brush na inilapag na lang basta. Napahinga ako ng malalim. Ayoko namang magreklamo kaya kahit hindi ako marunong ay pinagbuti kong inayos ang pagpapaganda sa silid ko. Hindi naman siya maluwag na silid. Kaya mabilis kong natapos mapinturaan at mas umaliwalas ang itsura sa kulay na yellow green. Muli kong in-mop ang sahig bago inilatag ang floor mat. Hirap na hirap pa akong maayos ito dahil mag-isa ako. Matapos ang ilang oras ay naliligo na ako sa pawis at pagod na pagod na mag-isang inayos ang silid ko. Pero kakatuwang napapangiti pa rin akong nailibot ang paningin sa kabuoan nito. Hindi lang ako makapaniwala, nagawa ko siyang linisan at pagandahin na walang tulong ang iba. Mas nagkaroon na ako ng kumpyansa sa sariling magiging mabuting may-bahay ako ni Niel kahit walang gagabay sa akin. HINDI KO NAMALAYANG nakaidlip ako dala ng pagod. Ni hindi ko na naramdaman ang gutom ko sa buong maghapon. Hindi naman kasi ako makalabas dahil dinig kong hindi pa tapos ang mga kasama ni Niel na mag-ayos sa kusina at sala namin. Magdidilim na ng magising akong tahimik na ang buong apartment namin. Pero dinig pa rin ang mga hugong ng sasakyan na dumaraan sa baba. Nanginginig ang mga tuhod kong lumabas ng silid ko. Napaawang ang labi at hindi mapigilang mamangha na napaganda kaagad nila ang kanina'y bulok ang itsurang apartment namin. Marami na ring kagamitan na halos kumpleto na. Lihim akong napangiti na nagtungo sa kusina. Kahit dito ay kumpleto na sa gamit at appliances. 'Yon nga lang ay tambak naman ang mga pinagkainan nila dito sa lababo. Naglinis na lamang muna ako ng kusina bago naupong kumain ng tira-tira nilang nandidito sa mesa. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang makadama ng lungkot at pangungulila sa puso ko. Na ikinangilid ng luha ko. Hindi ako sanay sa gantong uri ng buhay. Nagsisimula pa lang ang pagsasama namin ni Niel pero, parang pagod na pagod na ako at gusto na lamang sumuko. Parang gusto ko na lamang umuwi ng mansion at isuko si Niel. Dahil kahit naman asawa ko siya ay dama kong hindi asawa ang tingin niya sa akin. At 'yon ang ikinadudurog ko. Matapos kong kumain at iniligpit ang mga pinagkainan ay tumambay na muna ako sa sala na nanood ng tv. Halos alasotso na pero wala pa rin si Niel. Anong oras na naman kaya siya uuwi? Kahit pilit kong nililibang ang sarili na hwag malungkot ay hindi ko maiwasan. Maging ang pagtulo ng luha. Dama ko ang malaking puwang sa puso ko na pinangungulian ko. Panay ang lingon ko sa pinto kapag nakakarinig ako ng mga yabag na papalapit mula sa labas. Pero bigo lang ako dahil walang Niel ang nagbubukas ng pinto. NAALIMPUNGATAN AKO na marinig na bumukas ang pinto! Pupungas-pungas akong napabangon na sa inaantok kong mga mata ay naaninag si Niel na pumasok. Pero natuod lang sa kinauupuan na malingunang may kasama siyang babae. Kapwa lasing na magkayakap pang nagkakatawanan. Hindi ako makakilos o makapagsalita. Para namang walang nakita ang mga ito na tumuloy sa silid ni Niel na ikinatulo ng luha ko. Para akong sinasaksak sa puso. Mariing napapikit na naririnig ko mula dito sa sala ang hagikhikan at ungulan nilang naghaharutan sa silid nitong ikinakadurog ng puso ko. Nanginginig ang tuhod na pumasok ako ng silid ko at tahimik na umiyak yakap ang unan ko. Pakiramdam ko'y pinagsakluban ako ng langit at lupa sa mga sandaling ito. Hinang-hina, pagod na pagod. Na parang naubusan na ng lakas ipaglaban ang karapan ko sa kanya. Paano ko nga naman ipagsisisiksikan sa kanya ang sarili ko kung siya mismo ay walang ni katiting na pagtingin sa aking asawa niya. Harap-harapang pinapamukha sa aking napilitan lang siyang pakasalan ako at walang planong, ituring akong asawa niya. MAGHAPON AKONG nagkulong sa silid. Kahit gutom ay tiniis ko dahil naririnig ko namang hindi pa umaalis ang babaeng iniuwi ni Niel. Dinig na dinig ko pa kung gaano kasigla at kakulit si Niel na makipag-kwentuhan at harutan dito na parang sila ang mag-asawa. Pasado alasyete na ng marinig lumabas silang muli. Nanginginig na ang katawan ko sa tindi ng gutom at uhaw sa buong maghapon. Tumulo ang luha kong nanghihinang nagtungo ng kusina. Nakapondo na naman sa lababo ang mga hugasin. Na naiwan sa akin. Kahit para akong maduduwal ay wala akong pamimilian kundi kainin ang tira nilang nandidito sa mesa. Wala na akong lakas magluto, isa pa ay hindi ako marunong. At wala din akong pera dahil na kay Niel ang mga cards at cellphone ko. Matapos kong kumain, naglakas-loob akong lumabas ng apartment. Pero laking gimbal kong hindi ko mabuksan ang pinto!? Kahit anong pagpihit ko dito sa doorknob ay hindi ko mabuksan! Napaawang ako ng labing nagsilaglagan ang butil-butil kong luhang makumpirmang....ni-lock ni Niel mula sa labas ang pinto! Nanghihina akong napasandal sa pinto at napahikbi. Anu bang tingin niya sa akin? Una leftover ang dinalang pagkain. Ngayon kinulong ako dito. Daig ko pa ang asong naiiwan sa bahay na naghihintay sa pagdating ng amo at nakasalalay dito kung anong kakainin ko. "Ang sama mo. Ano bang kasalanan ko sayo para ipadanas mo sa akin 'to?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD