New Doctor

1503 Words
NIEL: MAAGA AKONG LUMABAS ng apartment namin ni Shayne. Ngayon kasi ang unang araw ko sa hospital na pinasukan ko dito sa bayan. Maganda sana ang offer sa akin ng pamilya nito sa syudad kung saan magtatrabaho ako mismo sa kanilang hospital. Pero dahil mas mahalaga sa akin na pahirapan si Shayne ay mas minabuti kong tanggihan ang alok nila at dito na muna sa probinsya tumira. Kita ko namang nahihirapan si Shayne na naga-adjust sa simpleng pamumuhay dito. Mula sa mga sinusuot nitong damit, mga kinakain, tinitirhan, at paligid. Alam kong hindi madali sa kanya ang lahat dahil siya ang bunso sa pamilya Castañeda at pinaka-spoiled sa lahat. Sa mga magulang man niya, o sa mga kapatid. Aminado akong natutuwa ako. Natutuwang nahihirapan ito. Kaya lalo ko pang ginagatungan ang kanyang paghihirap na sinasadyang mag-uwi ng mga binabayarang babae para saktan ito emotionally, mentally. Hindi ko naman talaga kinakama ang mga iniuuwi ko. Kinakausap ko sila ng maayos na iuuwi ko sila para pagselosin ang asawa ko. Pagkatapos nun? Babayaran ko sila kung gagalingan lang nila ang pag-arte sa harapan ni Shayne. Kita ko namang kahit tahimik lang si Shayne ay nasasaktan ito. Kaya lalo kong sinasaktan at binabalewala ito. Sinasadya ko ring i-padlock ang pinto sa labas kapag umaalis ako ng apartment at maiiwan ito. Mahirap ng tumakas siya. Wala siyang kaalam-alam dito sa probinsya namin. Pero maraming paraan para makahingi siya ng tulong sa pamilya niya lalo na kay kuya Alp na dalawang bayan lang ang pagitan ng layo nila dito sa kinaroroonan namin ni Shayne. Nakakatiyak akong isang tawag lang ni Shayne dito ay sasaklolohan niya ang kapatid. At pag nagkataon na magsumbong na ito sa pamilya niya ay wala pang isang oras tapos na ang pagpapahirap ko dito. Kaya habang wala pa siyang naaalala ay sinasamantala ko na. Kailangan ko lang maging maingat sa bawat kilos ko dahil tiyak akong hindi palalagpasin ng pamilya niya ang ginagawa ko kay Shayne. KABADO AKONG pumasok ng hospital. Unang araw ko pa lang ngayon kaya ngayon ko pa lang makikilala ang mga makakasama ko dito sa pang-araw-araw. "Good morning, doc Nathaniel?" pagsalubong sa akin ng dalawang nurse na may matamis na ngiti sa labi. "Hi. Yes" pormal kong sagot. "This way on your office doc" Napasunod ako sa mga itong iginiya ako sa magiging office ko dito. Naka-pokerface lang akong tipid na tumatango sa mga nadaraanan naming nurse station na panay ang bati sa akin. Wala ako sa mood. Hindi ko alam pero, nananamlay at mabigat din ang loob kong pinapahirapan si Shayne. Pakiramdam ko kasi ay sinasaktan ko rin si Mak-mak. Pero kung maiisip ko si Alena at ang mga plano naming kasama nitong naglahong parang bula ay muli akong kinakain ng galit para dito. Minsan ay sinusumpa ko pa ito sa isip-isip ko na sana, sana ito na lang ang namatay at hindi ang girlfriend ko. Hindi ang kapatid ko. Pero kahit pagbaliktarin ko ang mundo, patay na sina Mak-mak at Alena. At nakakairitang si Shayne, siya ang buhay sa kanilang tatlo. Pagpasok namin ng magiging opisina ko ay napakunotnoo akong may makakasama pala ako dito. Isang supistikadang babae na hindi nalalayo ang edad sa akin. Napatayo ito sa kanyang swivel chair na napangiting lumabas ng table nitong naglahad ng kamay. "Good morning doc Nat, it's nice to finally meet you" anito na napakalambing ng dating. "Good morning too doc" walang emosyong saad kong kinamayan ito. Kaagad akong nagbawi ng kamay nang pisilin nito ang palad ko na napakalagkit ng tingin habang may matamis na ngiti sa mapula niyang mga labi dala ng kapal ng lipstick nito. "Doc Belle Hoffman" pagpapakilala nitong tinanguhan ko lang na nagtungo sa mesa ko. Kita ko naman sa peripheral vision kong sinenyasan nito ang mga nurse na kaagad tumalimang lumabas ng opisina. Hindi ko na lamang ito pinansin at nag-focus sa mga files na nasa harapan kong information ng mga magiging pasyente ko dito sa hospital. Nakakaasiwa tuloy na kaming dalawa na lang ang nadidito dahil napakalagkit nitong makatitig. Napapailing na lamang ako sa isip-isip. Unang araw ko pa lang dito pero mukhang mapapalaban ang pasensiya ko sa mga babae lalo na sa doctor Belle Hoffman na 'to. tsk. Napapanguso ako habang nilalaro-laro sa daliri ang pen ko na inaaral ang mga pasyente ko sa kanilang information. OB Gyn kami kaya mga babies, new born at buntis ang mga handle namin sa ward. Nakakailang lang dahil mag-isa akong doctor na lalake dito sa ward ng OB Gyn. Kahit nurses ay walang lalake. Ako lang mag-isa ang makakasama ng mga makakatrabaho ko dito. Napatayo ako na masulyapang pasado alasotso na. Kung saan mag-iikot-ikot na ang mga doctor sa mga pasyente. Napasunod naman si doc Belle na tumayo na dinampot ang mga chart nito. "Doc Nat, sabay na tayo" paghahabol pa nito. Hindi ako umimik na nagtuloy-tuloy sa paglakad ng hallway pagawi ng OB ward. HABANG INIISA-ISA NAMING tinitignan ang kalagayan ng mga pasyente ay nakasunod naman sa amin ang ilang nurse na naka-assist sa amin ni doc Belle at pinapaliwanag ang kondisyon ng mga pasyente. Hindi ko mapigilang makadama ng inggit sa mga nandiditong tatay na bakas ang tuwa sa kanilang mga mata habang kalong ang mga bagong silang nilang anak. Plano na sana namin ni Alena magkaanak. Kaya kami magpapakasal na. Pero dahil kay Shayne ay naglahong parang bula ang plano naming iyon. Napahinga ako ng malalim na pilit iwinaksi sa isip ang kalungkutan na maalala ko na naman ang mga plano namin ni Alena sa hinaharap. Lalong nabubuhay ang inis at galit sa puso ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari dito. At napapagbuntungan ng galit si Shayne. MAGHAPON AKONG naging abala sa trabaho. Nawala sa isip ko si Shayne na mag-isa lang sa apartment at hindi pa sanay sa gawaing bahay. Na ultimo pagluluto ay hindi nito gamay. Hindi pa naman ako nakapaghanda ng makakain nito sa maghapon kaninang umaga sa pagmamadali kong baka ma-late ako sa unang araw ko sa trabaho. Panay ang sulyap ko sa wristwatch ko. Nababagalan ako sa oras ng uwian naming mga doctor. Baka mamaya ay nasunog na ni Shayne ang apartment namin. O kaya tinitiis na ang gutom nito sa maghapon. "Doc Nat, coffee" napaangat ako ng mukha na magsalita si doc Belle at naglapag ng kape sa harapan ko. Napaiwas ako ng tingin dito sa pagyuko nito at sumilip ang dibdib nito sa pagkakabukas ng butones ng blouse nito na tila sinasadyang ipasilip ang dibdib. "Thank you doc" pormal kong sagot na kunwari walang nakita at muling bumaling sa mga papeles na nakasalansang sa harapan ko. "You're welcome" malambing saad nito na hindi ko na pinansin. Nangunot ang noo ko na nasa harapan ko pa rin ito at ramdam ang matiim niyang pagtitig. Napatikhim akong nag-angat ng mukha dito. "Yes doc Belle?" may pagkasupladong untag ko sa pagkakatitig nito sa akin. Napangiti itong naupo sa kaharap kong silya na sumimsim sa kape nito. Nanatiling salubong ang kilay ko na walang kangiti-ngiting nakatitig dito. "Naisip ko lang doc Nat, magka-opisina tayo....hindi naman siguro masamang, maging magkaibigan tayo. What do you think doc?" anito na napapangiti. Napahinga ako ng malalim na napahilamos ng palad sa mukha. Pagod ang mga matang napatitig ako dito. "Thanks, but no thanks doc Belle. Hindi ko kailangan ng kaibigan" diretsong sagot kong ikinapula ng mukha nitong umawang ang labi. Napangisi ako na mabasa sa kanyang mga matang hindi nagustuhan ang pagsusungit ko. Napataas ako ng kilay na nang-uuyam ang tingin ditong hindi na makatingin sa mga mata ko. Napapailing na lamang ako sa isip-isip ko. Sa dami ng babaeng nakasalamuha ko noong nag-aaral pa lang ako sa France ay madali na sa aking mahinulaan at mabasa ang uri ng pakikitungo nito, pagtitig at kung paano niya ako kausapin. Hindi na ako magtataka na isang araw ay magtapat na lamang ito sa akin. Tsk. "Kung ayaw mo ng kaibigan, eh 'di ka-ibigan na lang doc" kindat nitong ikinangising aso ko. Napalis ang matamis nitong ngiti sa pagkakangisi ko. Napalapat ito ng labing pinamumulaan na kita sa mga matang napahiya. Tumuwid ako ng upo na humalukipkip at napasandal ng upuan kong nakamata dito. "Ka-ibigan? Tsk. Can't you see this doc?" aniko na nag-angat ng kaliwang kamay ko. Napalunok ito na mapatitig sa suot kong wedding ring. Napapangiwi ang ngiti nito na umilap ang mga mata. Lalo akong napangisi at napailing sa nakikita dito. "N-nagbibiro lang naman doc" pambabawi nitong pilit ngumiti na nauutal pa. Pagak akong natawang napailing at napatango-tangong nakataas ang kilay. Hindi naman na ito nagkomento pa na nagpatuloy sa pagkakape. Napasulyap ako sa relo ko at kitang pasado alasais na ng hapon.. "U-uuwi ka na doc?" pigil nito sa akmang pagtayo ko at mabilis iniligpit ang mga gamit ko. "Yeah. Hinihintay na ako ng misis ko doc" makahulugang saad kong ikinatigil nito. Hindi ko na ito pinansin pa at may pagmamadaling lumabas ng opisina para makaiwas na rin dito at makauwi na. Mahirap ng baka mamaya ay magugulat na lang ako sa madadatnan ko sa apartment naming mag-asawa ni Shayne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD