Leaving

2003 Words
SHAYNE: NAGPATULOY ANG malamig na samahan namin ni Niel. Hindi ko na rin kasi alam kung paano aayusin ang relasyon naming mag-asawa. Hindi na rin kasi ako komportable. Sa pagsasama naming dalawa. Bilang babae, ramdam ko, may ibang babae na ang nagbibigay ng pangangailangan niya bilang lalake. Masakit sa akin. Sobrang sakit na hinahanap niya sa iba ang pwede ko namang ibigay at ipagkaloob sa kanya. Pero wala akong magagawa. Wala akong magagawa dahil, hindi naman ito nagpapakita ng kahit konting motibo na gusto niya akong makasalo sa init. Na gusto niya akong, paligayahin siya. Hindi lang bilang lalake kundi, bilang asawa. Isang umaga habang abala ako sa paglilinis ng apartment namin ni Niel. Napakunotnoo ako na may sunod-sunod na kumakatok sa pinto. Hindi naman na pina-padlock sa labas ni Niel ang pinto katulad noon. Pero hindi pa rin ako naglalalabas. Naiilang at natatakot din kasi akong makisalamuha sa mga tao dito lalo na't iba makatingin sa akin ang mga kapit-bahay naming mga lalake. "S-sino 'yan?" tanong ko na inilapat ang tainga sa pinto. "Sis, it's me. Iris" namilog ang mga mata ko sa narinig! Kaagad kong binuksan ang pinto at nabungaran nga ang ate ko na naka-cap, facemask at shades na kaagad pumasok. "Sis!" tili kong naluhang niyakap itong napahalakhak na mas niyakap ako! "Damn Shayne! Ang hirap hanapin ang lunggang pinangtaguan ng Nathaniel na 'yon sayo hah!" asik nito na iritado ang tono. Pabalang nitong hinubad ang mask, cap at shades na kitang banas na banas na nga. Pinagpapawisan na rin na namumula ang pisngi dala ng init. "Here" alok ko na pinagsalin siya ng tubig sa baso. "Thank you sis" anito na hinihingal matapos uminom. Napapangiti akong pinakatitigan ito. Ilang buwan na ring hindi ko siya nakita at naka-bonding! Nasanay ako na laging nakadikit kay ate Iris. Kaya naman sobrang nanibago akong nailayo dito. "W-what's wrong? Are you okay?" puna nito sa matiim kong pagtitig sa kanya. Napangiti at iling akong muli itong niyakap ng napakahigpit para ikubli ang luha ko. Napayakap din ito na hinahagod-hagod ako sa likod ko. "What the hell is going on here?" anito na napabitaw. Napalunok akong kaagad nagpahid ng luha. Napagala ito ng paningin at kitang kasalukuyan akong nagma-mop ng sahig. Kunot ang noo na bumaling ito sa akin na pinasadaan ang kabuoan ko mula ulo hanggang paa. Nagtagis ang panga nito na ikinaiwas ko ng tingin. "Pinapahirapan ka ba dito ng Nathaniel na 'yon!?" singhal nito na naniningkit ang mga mata. "Um, hindi..kusa kong ginagawa ito. Wala din naman akong ginagawa eh" alibi ko na napapangiwi ang ngiti ko sa matiim niyang mga matang nakatitig sa mga mata ko. "Your lying" "Bulaklak naman" Napaawang ito ng labi na namilog ang mga matang napatitig sa akin. Maging ako ay nabigla sa naisatinig kong alyas ko dito. "S-Shayne....n-naalala mo?" nauutal nitong tanong. Napakamot ako sa ulong napatango. Nagliwanag ang mukha nito na napahawak sa mga kamay ko. Nagniningning ang mga mata na sumilay ang kanyang matamis na ngiti. "N-nakakaalala ka na?" bulalas nito na tumulo ang luhang hinaplos ako sa pisngi. "O-oo sis" pag-amin kong ikinahagulhol nitong mahigpit akong niyakap! Mapait akong napangiting niyakap ito. Nagkakahaguran ng likod na napahagulhol sa balikat ng isa't-isa. TAHIMIK AKONG pinapakiramdaman ito na unang magsalita habang nakaupo kami ng sofa dito sa sala. Itinabi ko rin muna ang mga ginagawa ko. Napahinga ito ng malalim na humarap sa akin. Malungkot ang mga mata na hinaplos ako sa ulo. Pilit akong ngumiti na hinawakan ito sa kamay. "Kailan ka pa nakakaalala hmm?" maalumay nitong tanong. "Ilang linggo na. Nagising ako na, para akong galing sa isang malagim na bangungot. Kitang-kita ko si Niel na nakahandusay sa parking at naliligo ng sariling dugo. Nag-flashback lahat ng mga naganap nung araw na 'yon hanggang sa napagtanto ko, hindi ang boyfriend ko ang lalakeng kaharap ko. Pero.....pero hindi na lamang ako nagpahalata sa kanya na maalalang, kasal na kami ng kakambal ni Niel" tumulo ang luha ko. Gumaan ang bigat sa loob kong dala-dala ko. Hirap na hirap na rin ako sa sitwasyon namin ni Nathaniel. Pero hindi naman ako makaamin sa kanya. Dahil kahit dayain ko ang sarili ko? Gusto ko dito. Kahit nasasaktan at nahihirapan ako. Kasi dito? Nakikita ko si Niel. Nakakasama ko siya, sa katauhan ng kakambal niya. Sa katauhan ni Nathaniel. Ang asawa ko. "Sis, pero nagdudusa ka dito. Look at yourself, halos hindi na kita makilala. Ang putla at payat mo na" nag-aalalang saad nitong panay ang tulo ng luha. Mapait akong napangiting napailing. Napahinga ito ng malalim na nakamata pa rin sa akin. Napabuga ako ng hangin. Kinakalma ang puso kong sobrang lakas ng kabog. "Pero nandidito si Niel. Dito kasama ko siya" "Wake-up Shayne..Hindi siya si Niel na boyfriend mo. He's Nathaniel. At pinapahirapan ka niya dahil sinisisi ka niyang ikaw ang dahilan kaya namatay ang kakambal ang girlfriend niya. Common sis, maawa ka naman sa sarili mo. Hindi naman siya si Niel na mahal mo. Ibang tao siya Shayne. Hiwalayan mo na siya. Bumalik ka na ng mansion" pangungumbinsi nito na ikinailing ko. Napaawang ito ng labing bagsak ang balikat. Pilit akong ngumiti na nagpahid ng luha. "Alam ko sis. Alam kong ibang tao siya. Kasi magkaibang-magkaiba naman talaga sila ni Niel. At naging malinaw na sa akin ang lahat. Kung bakit niya ako pinapahirapan mula umpisa, naiintindihan ko ang pinagmumulan niya, kaya nga nandidito pa rin ako. Sinusuyo at pinagsisilbihan siya sa abot ng makakaya ko. Makabawi-bawi manlang ako sa laki ng kasalanan ko sa kanya" "Wake-up will you!" asik nitong malakas akong sinampal na ikinatagilid ng mukha ko. Uminit ang pisngi kong sinampal nito na tila nangangapal sa lakas ng pagkakasampal nito sa akin. Maging ito ay natigilan sa nagawa. Napahaplos ako ng pisngi ko na dahan-dahang napalingon ditong namumutla at napapalunok. Napailing itong dumaan ang guilt sa kanyang mga mata. "I'm sorry sis, nabigla lang ako. Gusto lang kitang matauhan. Hindi na ito tama. Bakit ka nagtitiis? Hindi siya si Niel, lalong-lalo namang, hindi ikaw ang bumunggo kay Niel at girlfriend niya. Wala kang kasalanan, okay?" pag-aalo nito na niyakap akong napahagulhol sa balikat nito. "A-anong gagawin ko? Hindi ko naman siya kayang basta na lang iwanan sis?" humahagulhol kong tanong na nakayakap dito. "Inihabilin ka ni Niel sa kanya bago siya malagutan ng hininga. Kaya kayo nagpakasal sis. Pero simula pa lang pala ay hindi na niya tinupad ang habilin ni Niel sa kanya. Kaya ano pang rason na nandidito ka? Mas lalo kang mahihirapang makalimot sa nakaraan kung nakikita mo araw-araw ang kamukha ni Niel. Wake-up sis, set yourself free in this toxic marriage. He doesn't deserve you" Napayuko akong tahimik na umiyak. Ngayon pa lang ay para na akong pinipiga sa puso. Magmula nung araw na nanumbalik ang lahat ng ala-ala ko ay nakadama na ako ng pagkailang kay Nathaniel. Kaya kusa ko na ring iniiiwas ang sarili sa kanya. Pinagbubutihan ang paninilbihan sa kanya. Mabawasan ko manlang ang laki ng galit niya sa akin. Kaya nga, hindi ko na rin ipinipilit ang sarili ko dito. Nahihiya na ako. Nahihiyang ilapit ang sarili dahil alam ko naman ng hindi siya ang boyfriend ko. At tama siya sa sinaad niya noong nasa burol kami. Hindi namin, mahal ang isa't-isa. Kaya niya direktang nasabi noon sa akin na hindi niya ako mahal. Na wala akong halaga sa kanya. Na kailanman ay hindi ko mapapalitan ang babaeng nag-iisa sa puso niya. Ang babaeng namatay kasabay ni Niel na boyfriend ko. Si Alena. "Hindi 'yon ganun kadali Iris. Hindi ko siya kayang iwan basta-basta" "Isipin mo na lang ang katotohanan Shayne, hindi siya si Niel. Ibang tao siya. At kailanman ay hinding-hindi siya magiging si Niel" anito na pinipisil-pisil ang kamay kong hawak nito. "What should I do?" "Annul him" "Iris" "Common sis, kailan ka pa naging tānga huh?" napalabi akong nagpipigil tumulo ang luha. MATAPOS ANG pag-uusap namin ni Iris ay umalis din ito at nagtungo sa kabilang bayan kung saan ang bahay nila kuya Alp. Gusto sana niya akong isama para makapasyal din ako doon na tinanggihan ko dahil marami pa akong gawain dito. At hindi rin ako nakapagpaalam kay Nathaniel. Habang nagkukusot sa mga long sleeve polo ng asawa ko ay natigilan akong nahagip ng paningin ang kanyang white polo na may mga bahid ng red lipstick ang kwelyo. Napalunok ako. Nangangatal ang kamay na dinampot at tinignang maigi. Hindi ako pwedeng magkamali. Lipstick nga ang nakamarka sa kwelyo ng polo nito. Mapait akong napangiting kinusot-kusot na lamang hanggang natanggal. Panay ang tulo ng luha ko na hinayaan ko lang at mabilis tinapos ang paglalaba. Pasado alasdos na ng hapon nang matapos ko ang mga gawain ko sa bahay. Maging paglalaba sa maruruming damit naming mag-asawa. Naligo at kumain ako. Napagpasyahang dalawin si Nathaniel sa hospital na pinapasukan nito. Madali lang naman hanapin iyon dahil mag-isa lang ang hospital dito sa probinsya nila. Kabado akong nag-ayos ng sarili. Hindi ko rin alam kung bakit tila may bumubulong sa aking magtungo sa trabaho ng asawa ko. Matapos kong mag-ayos ng sarili ay lakasloob akong lumabas ng apartment na nakasuot ng cap at facemask. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid ng hospital. Habang palapit nang palapit ay palakas naman nang palakas ang kabog ng dibdib ko! Naninikip ang dibdib na bumaba ng tricycle. Napatingala ako sa hospital na pinapasukan nitong nasa apat lang na palapag. Napahinga ako ng malalim na kinalma muna ang puso ko bago pumasok ng hospital. "Um, excuse me nurse. I'm looking for doc Nathaniel, he's my ob doctor. May I know where's his office here?" paghabol ko sa nurse na paakyat ng hagdanan. "Oh, si doc Nathaniel po ba ma'am? May schedule po ba kayo sa kanya?" magalang tanong nito habang paakyat kami ng hagdanan. Napakamot ako sa ulo na umiling dito. Pilit itong ngumiti na napatango. "It's okay ma'am, ihatid ko na lang kayo ng office ni doc" anito na ikinangiti ko kahit naka-facemask ako. Panay ang hinga ko ng malalim habang naglalakad ng hallway nitong ob gyn floor kung saan ang office at ward na iniikot-ikutan ni Nathaniel. "Ma'am? Nasa loob sila doc" anito na ikinabalik ng ulirat ko. "Um, let me. Thank you nurse" pigil ko sa akmang pagpihit nito ng pinto. "Sige ho ma'am" pamamaalam nitong napapayukong iniwan ako. Mariin akong napapikit na kinalma ang pagbilis lalo ng t***k ng puso ko. Nang mas makalma ko na ang paghinga ay dahan-dahan kong pinihit ang pinto pero natuod na masilip na may kasama palang babae dito ang asawa ko. Magkaharap sila. Nakatalikod sa gawi ko ang babae kaya si Nathaniel lang ang kita ko ang mukha. "Bakit hindi mo na lang kasi siya hiwalayan Nat" Napalunok akong nanigas sa kinatatayuan sa narinig mula sa babae. Doctor siya, nasa opisina sila, pero kausapin niya ang asawa ko ay walang formality na first name ang tawagan. "Alam mo ba kung bakit ko siya pinakasalan Belle? Kasi gusto ko siyang magdusa. Maghirap. Kahit doon manlang makaganti ako sa kanya" Dinig kong sagot ni Nathaniel na tiyak kong ako ang tinutukoy. Parang sinasaksak ang puso ko sa narinig kahit inaasahan ko na iyon. Napaatras akong sunod-sunod na tumulo ang luha. Malalaki ang hakbang na bumaba ako ng lobby ng hospital. Bawat hakbang ko ay siya namang pagragasa lalo ng luha ko. Naninikip ang dibdib na nilisan ang hospital at bumalik ng apartment. Pero natigilan na mabungarang nandidito ulit si Iris. "Sis!" Napatakbo akong niyakap ito ng mahigpit na akmang paalis na. "Where have you've been? Aalis na ako. Naglalambing na ang asawa kong bumalik na raw ako ng syudad" nakangiting saad nitong unti-unting napalis na makitang umiiyak na naman ako. "H-hey, what's wrong, huh?" "Sasama ako. Tama ka. Hindi siya si Niel. Walang rason para magtiis ako sa piling niya. Sasama ako, iiwanan ko na siya. Ipapawalang bisa ko na, ang kasal na nag-uugnay sa aming dalawa" matatag kong saad na nagpunas ng luha. Napangiti itong tinapik ako sa balikat. "That's my little sister. Walang Castañeda ang mahina at nagpapaapi Shayne. Keep that on your mind. Welcome back....sissy"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD