NIEL:
NALULUHA AKONG lumabas muli ng apartment namin. Para akong pinipiga sa puso sa mga sandaling ito. Hindi ako makahinga at nasisikipan sa loob ng apartment naming mag-asawa.
Muli akong sumakay ng kotse at bumalik ng hospital. Sa opisina na lamang ako matutulog. Hindi ko kayang kaharapin si Shayne sa mga guni-guni kong nagpaparamdam sa akin. Kapag nagkataon at tama nga ang hinala ko? Alam ko na ang sinod na mangyayari sa relasyon naming mag-asawa. Iiwanan na niya ako. Dahil makikilala na niyang, hindi ako ang boyfriend nito. Hindi ako, ang mahal nito. Kundi ang kakambal ko.
Mahapdi na rin ang mga mata ko dala ng puyat at pamumugto ng mga ito. Mabuti na lang at may extra akong damit dito sa opisina. Matapos kong maligo at makapagbihis ay napahilata ako sa mahabang sofa dito na ikinahinga ko ng maluwag. Sobrang antok at pagod na rin ang katawan at isip ko. Napadantay ako ng braso sa noo ko at pinilit magpatangay sa antok. Ilang oras lang ang meron ako at magdu-duty na naman ako para sa maghapon.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko habang nakapikit na naglalaro sa isipan ko si Shayne. Mula sa unang araw na nakita ko itong biglang sumulpot sa unit ni Mak-mak kung saan kasalukuyang nagsi-sēx kami ni Alena sa gawi ng sofa. Kung paano sinugod ang girlfriend ko sa pag-aakalang ako si Mak-mak na may ibang babaeng binabayo mismo sa unit nito. Kung paano kami nagtatalo habang hinahabol ko si Alena na napa-walk-out at hinahabol din ako nitong patuloy na inaaway. Hanggang sa madatnan na lamang namin si Alena at Mak-mak sa parking lot na nakahandusay na at naliligo ng sariling dugo! Halos mawala ito sa katinuan na hindi ako pumayag sumama sa ambulance kung saan isinakay sina Mak-mak at Alena.
Hindi ko naman alam na may phobia pala ito sa pagmamaneho. Pero para lang masundan kami sa hospital ay lakasloob nitong sinakyan ang kotse ni Mak-mak at nagmaneho. Pero dahil nalulutang ito. Frustrated na hindi makapag-focus sa kanyang pagmamaneho, hindi namalayan ang papasalubong sa kanyang truck na sumalpok sa sasakyan nitong naging sanhi ng kanyang pagka-coma at temporary amnesia.
NAALIMPUNGATAN AKO na maramdaman ang paghalik-halik ng kung sino sa buong mukha ko na mahinang napapahagikhik! Napakusot-kusot ng mga mata at unang bumungad sa nanlalabong paningin ko ang bulto ng babaeng naka-white-coat.
"Ano bang ginagawa mo" inis kong asik dito na napahilamos ng mga palad sa mukha.
"Ginigising lang kita honey. Ang sarap ng tulog mo eh. Feeling mo yata nasa bahay ka hindi sa opisina" natatawang saad nitong nanunudyo ang mga tingin.
Napahinga ako ng malalim na nakabusangot. Ramdam ko ang hapdi ng mga mata kong kulang na kulang sa tulog. Kahit katawan ko ay bagsak na bagsak na tila walang kalakas-lakas kumilos ngayong araw.
"Coffee? Pangpagising" makahulugang saad nitong naglapag ng ng tinimplang kape sa center table na kaharap ko.
Naupo ito sa harapan ko na hawak ang sariling kape at nangingiting nakatitig sa aking tila kay ganda ng umaga niya.
"Okay ka lang ba?" anito na napaseryoso na at nagpatong ng hita sa tuhod na ikinalihis ng skirt nito.
"Mukha bang hindi?" balik tanong ko na na nag-iwas ng tingin sa nakalantad niyang hita. Kay aga-aga na sinisimulan na naman niya ako.
"Oo"
"Tss"
"Hindi ka na naman ba pina-score?"
"Tigilan mo ako" pagsusungit kong ikinahagikhik nitong napailing.
"Ang init na naman ng ulo mo honey. Gusto mo palabasin ko?" malanding saad nitong napapakagat ng ibabang labi.
Napailing akong hindi na lamang ito pinansin na sumimsim sa gawa nitong kape. Nangangalahati na ang naiinom ko sa kape nito nang makadama ng kakaibang init sa katawan! Kahit pāgkalalakē ko ay unti-unting nagising na bumukol sa loob ng pants kong ikinatigil kong napalunok! Hindi ko mapigilan ang sarili kong maghanap na mahigpit kong nilalabanan! Nangingiti lang naman itong napapasulyap sa nakaumbok kong pāgkalalakē.
"A-anong nilagay mo sa kape?" nahihirapang anas kong salubong ang kilay.
Mahina itong natawang naghubad ng coat kaya't lumantad ang kurbada nito sa hapit na hapit nitong sleeveless dress! Marahan itong naglakad palapit na iginiya akong makatayo. Kahit tumatanggi ang isip at puso ko ay napapasunod naman ang katawan kong hinila nito sa banyo!
Napapahid ako ng noo na pinagpawisan ng malapot! Pagkapasok namin ng banyo ay nag-lock kaagad ito ng pinto bago isa-isang hinubad ang lahat ng saplot na ikinapintig ng pāgkalalakē ko! Hindi ako makatanggi. Lalo akong natupok sa init na nadarama at napasunod sa gusto nito!
Mabilis kong pinatalikod ito paharap sa wall at kinabig sa kanyang puson patuwad sa akin. Walang pasabing ipinasok ko ang naghuhumindik kong pāgkalalakē dito na ikinaarko ng likod at ungol nito! Napakapit ako sa kanyang baywang at nagsimulang bumayo ng pasagad na sunod-sunod nitong ikinauungol na panay ang sambit sa pangalan ko!
"Ah! ah! ah! Nat oh shīt! Ang lalim honey ah! More! More!"
Di magkandamayaw ito sa kauungol na ikinaiiling ko sa arte ng mga ungol nito. Kahit biniyayaan ako ng malaking kargada ay damang-dama ko na kulang ako sa luwag ng lagusan nitong wasak na wasak na! Ibang-iba sa pakiramdam ko nung si Shayne ang binabayo kong sakal na sakal ng kanyang walls ang pāgkalalakē ko sa sikip at init ng lagusan nitong kay sarap pasukin!
Napatingala akong mariing kagat ang ibabang labi na mas binilisan ang pagbabayo ditong ikinaaalpas ng nakakabinging ungol nitong napakaarte.
"Urrgghhh fūck!" kaagad akong napahugot ng kargada na muntik kong maiputok sa loob nito!
Nanghihina naman itong nailapat ang mukha sa wall na hinihingal. Kitang umagos din ang katas nito sa kanyang mga hita. Naghahabol hininga akong napapabuga ng hangin na naghugas ng pāgkalalakē at muling inayos ang suot. Walang imik na lumabas ng banyo na parang walang nangyaring kababalaghang sa loob.
BUONG MAGHAPON kaming magkasama nito sa pag-aasikaso ng mga pasyente. Professional naman siya kumilos kapag oras ng trabaho kaya hindi ako naiilang sa prehensya niya.
Hanggang sa nakakasanayan ko na ang gawing parausan ito kung saan saksi ang banyo at opisina namin kung paano namin pinapakinabangan ang isa't-isa na pinagpapalipasan ng init ng katawan! Malinaw naman dito na wala kaming label. We just fūck each other. No feelings involved.
Hindi ko na rin tinatangka pang galawin o kahit halikan ang asawa ko. Ang init ng katawan na pangangailangan ko bilang lalake ay araw-araw ng pinupunan ni Belle na siyang napaglalabasan ko rin minsan ng mga saloobin sa buhay maliban sa amin ni Shayne. Kung paano kami nagkakilala, at naging mag-asawa.
Napapansin ko ring mas gamay na nito ang mga gawaing bahay. Pagkagising ko sa umaga ay nakahanda na ang agahan, kape, mga damit ko at gamit pagpasok sa trabaho. Malaya na kasi itong nakakapasok ng silid ko. Pero kapansin-pansin ding tahimik ito na kung hindi ko siya kikibuan ay hindi rin siya magsasalita. Nawala na ang pagiging makulit at clingy side nito na hindi ko alam kung bakit at paanong nagbago ang samahan naming mag-asawa.
Parang may invisible line na nakatayo sa pagitan namin ni Shayne. Malamig kami sa isa't-isa. Na tila napakalayo ng loob namin kahit nagsasama kami sa iisang bubong. Mas nakaka-bonding ko pa nga si doc Belle at mga katrabaho ko kaysa sa kanyang asawa ko. Pagdating ko sa apartment ay nakakulong na ito ng silid. Sinasadya ko kasing magpagabi. Kaya hindi na rin kami nagkakasabayang kumain. Madalas ay sa labas na ako nanananghalian at hapunan kaya pagdating ng apartment ay maliligo, magbibihis at matutulog na lamang ako. Na parang walang ibang kasama dahil dama ko rin namang iniiiwas ni Shayne ang sarili. Hindi ko na lamang pinapansin.
ISANG UMAGA. Wala akong pasok pero hindi yata napansin ni Shayne na nasa kwarto lang ako. Nakahilata at pinapakiramdaman ito. Dinig ko naman ang mga kaluskos at yabag nito sa labas kung saan tahimik siyang naglilinis ng apartment namin. Nangingiti ako. Saka lang siya nagkikikilos dito kapag nakakaalis na ako.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang pumasok ito ng silid ko at ramdam kong natigilan itong mabungaran akong nakadapa ng kama na brief lang ang suot at nakalihis ang kumot.
Nagkunwari akong nahihimbing at halos ultimo paghinga ay hindi ko ginagawa dahil kahit nakapikit ako ay ramdam ko ang mga mata nitong nakatutok sa akin. Dinig kong napabuga ito ng hangin ng ilang beses bago lumapit na inayos ang kumot ko. Para akong mapapaso na bumilis pa lalo ang kabog ng dibdib kong nasasagi ako nito!
Pinapakiramdaman ko lang ito. Matapos niya akong makumutan ay naupo siya sa gilid ng kama. Marahang hinaplos ako sa ulo na kalauna'y napahikbi. Pigil-pigil ang sarili kong mapalunok na dinig ko ang tahimik niyang pag-iyak habang hinahaplos ako ng marahan sa buhok ko.
"Niel..." mahinang sambit nito sa pangalan ko.
Nanatili akong nagtulog-tulugan kahit gustong-gusto ko ng magdilat at yakapin na lamang ito. Ikulong sa bisig ko at makatabi sa pagtulog.
Ilang beses itong napabuntong-hininga na tila kay laki ng problema. Lalo tuloy akong nilulukob ng kakaibang kaba sa hindi ko malamang dahilan! Kinakabahan ako sa ikinikilos nito.
Hinawakan nito ang kamay kong namlalamig at marahang pinipisil-pisil iyon. Maya pa'y iniangat nito ang kamay ko na marahang pinaghahalikan ang mga dulo ng daliri kong sunod-sunod kong ikinalunok.
Pigil-pigil ang hininga ko na pinapakiramdaman lang ito. Maya pa'y dinala nito ang kamay ko sa pisngi at isinapo ang palad ko sa mukha nito. Lihim akong napangiti na hinahayaan lang ito.
"What should I do? I just wanna let you go and set you free. Cause I know, you're not mine."
Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa narinig kong sinaad nito!
Napapalunok ako na dama kong pinagpapawisan na ng malamig! Muli din nitong inayos ang kumot ko at magaang pinaghahalikan ako sa buong mukha bago tumayo na kinuha ang laundry basket ko at maingat lumabas ng silid.
Napadilat ako ng aking mga mata pagkasara nito ng pinto. Para akong pinipiga sa puso ko na paulit-ulit nagri-replay sa utak ang sinaad nitong tila may ibang ibig sabihin. Pinagpawisan ako ng malamig. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib na natutulalang nakatitig sa nilabasan niyang pinto. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa lalong paglakas ng hinala ko.
"H-hindi. Kung ganon bakit nandidito pa siya?" piping kontra ko sa tumatakbo sa isip.
Pero para ring nasagot ang katanungan ko na ma-realize.....ang laki ng pagbabago nito.
"S-Shayne....nakakaalala ka na ba?"