Malalim ang ginagawa niyang paghalik sa akin na halos ikawala ng katinuan ko. Napakatamis ng mga labi niya. Napakamakapangyarihan ng dila niya na na naglalaro sa loob ng bibig ko. Naroong lasahan niya ang dila ko o kaya ay sipsipin ito. Pareho nga kaming hingal na hingal nang bumitaw siya ng halik sa akin at ibaba na ako. "You're so unfair," pagrereklamo niya na ikinatawa ko. Alam ko na kasi ang tinutukoy niya. Paano kasi ay sinagot ko siya kaninang umaga kung kailan papasok na ako sa trabaho ko. Sadya ko ring pinatay ang phone ko para hindi siya makatawag sa akin. Mabuti na nga lang at nakatiis siya kaya hindi niya ako pinuntahan sa trabaho ko. "You wouldn't have let me go this morning if I told you while we were still together," sagot ko naman sa kanya. Magkasama kasi kaming kumain