Maingat kong itinaas ang ulo ni Mikoy at ipinatong iyon sa aking hita. Umungol siya at inayos ang pagkakapuwesto ng kanyang ulo upang maging kumportable siya ngunit hindi siya nagising. Katatapos ko lang siyang bihisan nang makatulog siya sa sobrang pagod dahil sa mahabang oras din na aming pagniniig sa loob ng opisina ng manager niya. Ganito naman parati ang nangyayari sa tuwing nagkakaroon kami ng pagkakataon kaya sanay na ako sa kanya. Hihintayin ko muna siyang magising bago ako lilisan pauwi. Hindi ko siya pwedeng iwanan dito mag-isa na walang kalaban-laban dahil maaaring pasukin siya rito ng mga taong maaaring magdala sa kanya sa kapahamakan. Mahal ko siya, walang kuwestiyon iyon. Kahit na pareho kaming lalaki at kahit na ipinagbabawal ng batas ang relasyon na tulad ng sa amin, sum