Nilagnat si Mikoy kinabukasan kaya naman dalawang araw kaming nanatili sa hotel at nang matiyak kong maayos na ang kanyang pakiramdam ay saka ko siya ihinatid sa kanyang apartment. Pagdating ko sa palasyo na siyang tinitirahan ko kasama ng aking pamilya ay agad akong ipinatawag ng aking ama. May kaunti mang kaba sa aking dibdib ay tiniyak ko sa aking sarili na paninindigan ko ang relasyong sinimulan ko kasama si Mikoy. Sa opisina ako ng aking ama na siyang hari ng aming bansa tumuloy. Malaking lalaki ang aking ama na siyang pinagmahan ko ng aking tangkad at pangangatawan. Maputi ang kanyang balat at siya ay balbas-sarado. Isang istilo na nagbibigay raw ng dagdag kapangyarihan sa kanya. But of course, I know better. And it all boils down to Jade, his lover. "Good morning, Father," bati