"Insan, hindi ba nakakatakot kapag magkasama kayo ng nobyo mo sa pampublikong lugar?" Muntik nang madapa si Manuel dahil sa biglang pagtigil niya sa paglalakad. Kung dahil sa bigla kong pagsasalita o dahil sa katanungan ko ay hindi ko na naisip. Natawa kasi ako sa nangyari sa kanya. "Mikoy, ano ka ba naman? Bakit bigla-bigla ka na lang nambabato ng ganyang klase ng tanong?" naaasar na tanong niya sa akin dahil nga sa pagtawa ko pa sa nangyari sa kanya. "Wala! Naisip ko lang naman," pagdadahilan ko. Kaagad na ring nawala ang tawa ko. "Nakaka-curious naman kasi," dagdag ko pa. "Bakit sa tingin mo ba kapag magkasama kami sa pampublikong lugar ay magpi-PDA kami? Syempre, hindi." Umiling-iling pa siya na waring hindi pa lubos na makapabiwa na tungkol sa kanila ng nobyo niya ang pinag-u