Kung kanina ay halos masunog ang puwet ko, ngayon naman ay halos maihi ako sa nerbiyos. "L--lover?" nauutal kong pag-uulit sa isang salita na binitawan niya. "Yes, lover. Not just a boyfriend, Mikoy. I want you to be my lover," seryoso niyang turan. Matagal akong natulala. Kahit inaasahan ko na rin naman iyon na sasabihin niya, iba pa rin talaga ang epekto niyon sa personal. Bigla akong nangatal lalo na sa pagdiriin niya na hindi lang pagiging nobyo ang nais niya. Lover. Isang salita ngunit napakabigat ng dating dahil nangangahulugan iyon ng seksuwal na mamamagitan sa aming dalawa habang magkarelasyon kami. At dahil siya ang mas malaki, sigurado na ako ang mapapasailalim sa kanya. Hindi ko nilalahat na ang mas malaki o mas matangkad sa dalawang lalaki ang top, ngunit sa aming dal