Pabiling-biling na naman ako sa higaan ko. Hindi na naman ako makatulog kahit mag-aalas dose na ng hatinggabi. Paano naman kasi ako makatulog kung inaalala ko ang naging pag-uusap naming magpinsan pati na ang pagsasalo namin sa maagang hapunan kasama ang nobyo niyang ubod ng guwapo. Taob na taob nga kami ni Manuel dito. Kaninang naglalakad kami, kahit na ako lang ang nakakaalam na magnobyo sila ay hindi talaga sila mapaghihinalaan. Paano ay malayo ang distansiya nilang dalawa. Manaka-naka lang na sumusulyap sa amin si Armand upang tiyakin na nakasunod pa rin kami sa kanya. Nauna pa nga itong pumasok sa restaurant kanina. Ngunit nang nakatanggap ng tawag sa phone niya si Manuel at nakita ko ang pagngiti nito pati na rin ang kislap ng mga mata ay alam ko nang kay Armand galing ang phone ca