Mikoy stirred kaya napatingin ako sa kanya at hinintay siyang tuluyang pagbalikan ng malay niya. Napangiti ako sa aking sarili habang pinagmamasdan siya. He's really beautiful. Bukod sa gandang lalaki niya, gustong-gusto ko rin kung gaano siya kasimple, kainosente, at kabait na tao. "Had a nice nap?" tanong ko sa kanya. Kaagad siyang tumingin sa akin at ngumiti. "Yes," mahina niyang sagot na waring nahihiya pa siya dahil nakatulog siya pagkatapos ng aming pagniniig. "I have to go. They must be looking for me," natataranta niyang sabi pagkatapos masulyapan ang wall clock. Isa't kalahating oras kasi kaming nagkulong dito sa opisina ng manager. Lihim akong napangisi. Kahit buong magdamag siguro kaming nagkulong dito ay walang maririnig na reklamo si Mikoy mula sa manager niya o sa mga