Matagal na pinakiramdaman ko ang manager. Hindi kasi siya nagsalita agad at tila matagal niyang pinag-iisipan ang sasabihin niya sa akin. "Sir?" Hindi na nakatiis na untag ko sa kanya. Tila nabigla pa siya sa pagtawag kong iyon sa kanya kaya kaagad siyang napatingin sa akin. "Pasensya ka na, Mikoy. Pinag-iisipan ko kasi kung dapat kong sabihin sa'yo ang ilang pagbabago rito at ang dahilan niyon," seryoso niyang saad. "Kung mamarapatin n'yo, Sir, tungkol po ba iyon sa paglilipat n'yo ng trabahador dito sa store? Kagaya po ba ni Efren ay ililipat n'yo rin po ako?" kinakabahan kong tanong. "Naku, hindi. Hindi kita ililipat, Mikoy. Malakas kasi ang impluwensiya ng taong humiling na paghiwalayin kayo ni Efren ng trabaho." Natigilan siya. Nag-iba rin ang ekspresyon ng kanyang mukha na ti