Angel "Bakit ikaw ang sumagot? Nasaan ang asawa mo?" Kilalang-kilala ko ang boses na nasa kabilang linya. Hindi ako puwedeng magkamali, si Kuya Arnold ito. "Kuya Arnold?" "Ako nga." Sabi ko na nga ba eh! Bakit niya naman kaya tinawagan si Alden? "Bakit ho kayo napatawag? Anong kailangan niyo kay Alden?" "Si Alden ang gusto kong makausap. Nasaan na ba ang asawa mo?" "May lagnat." "Kalalaking tao lagnatin." "Kuya naman. Porke't ba lalaki hindi na puwedeng lagnatin?" "Minsan lang nilalagnat ang mga lalaki." "Napagod kasi 'yon kaya siguro nilagnat." "Saan napagod?" "Secret kuya." "Hoy, Angge! Ibigay mo na muna itong cellphone sa asawa mo gusto kong makausap." "Bakit nga kuya? Gusto kong malaman kung anong sasabihin mo sa asawa ko. Nagpapahinga pa sa ngayon si Alden. H